MTD 11

6.4K 139 11
                                    

''Vanessa! Di ka pa ba tapos dyan? Kanina pa nag-hihintay si Drex sa baba.'' Katok ni Jerrick sa pinto ng kwarto ni Vanessa. Inutusan na kasi sya ng Daddy nya na tawagin si Vanessa dahil kanina pa naghihintay si Drexel sa baba.

"Eto na. Baba na din ako. Just give me a minute." Narinig nitong sigaw ni Vanessa mula sa loob. Nagkibit balikat nalang si Jerrick tsaka sya bumama kung nasaan ang mga kaibigan at Daddy nya.

"Just give her a minute daw." Sabi ni Jerrick sa Daddy nya at tumango nalang naman ito tsaka nagpatuloy sa panunuod ng basketball. Umupo na din si Jerrick at nanuod din.

"Girl ang ganda mo! Promises!!" Sabi ni Clara kay Vanessa. Tinignan naman sya ng kaibigan at ngumiti tsala binalik ang tingin sa full body mirror nya.

"Kinakabahan ako. Paano kung sabihin nya na parang sobra yung ayos ko para sa date namin?" Tanong ni Vanessa kaya nilapitan sya ni Charmaine.

"It's not too much. You look beautiful, and trust me. Drex will be mesmerize." Sabi ni Charmaine.

"Tama na yan mga teh! Kanina pag nag aantay ang Prince Charming ni Vanessa." Sabi ni Clara at tumango sila tsaka bumaba na para puntahan si Drexel na nag-eenjoy sa pag panuod ng basketball kasama ang boys.

At dahil nga nag-eenjoy ang boys ay hindi man lang ata nila napansin ang presence ng tatlong babae na nakatayo lang sa gilid at hinihintay na mapansin sila ng mga ito.

"Ehem!" Pag-tawag ni Clara ng atensyon sa mga ito. Agad namang napatingin ang mga ito sa kanilang tatlo, pero si Drexel ay kay Vanessa lang nakatingin. Na para bang nakakita sya ng isang Dyosa na bumaba pa galing sa kalangitan.

"Ahm Drex? Tara na?" Tanong ni Vanessa at nag-iwas ng tingin dahil napansin nya ang titig ni Drexel sa kanya.

"Ha? Oh sige." Parang wala sa sarili nitong sagot.

''Sige Dad, alis na po kami.'' Paalam ni Vanessa sa Daddy nya at humalik sya sa pisnge nito. ''Bye kuya!'' At humalik din ito sa pisnge ni Jerrick tsaka nakipag-apir sa mga kaibigan.

Lumabas na silang dalwa, pinag-buksan sya ni Drexel ng pinto at inalalayang makapasok sa kotse. Nginitian nya lang ito, as if she's saying thank you to him. Agad na tumakbo si Drexel papunta sa kabila at sumakay na din.

''You look beautiful, by the way.'' Sabi ni Drexel bago nya paandarin ang kotse. Napatingin sa kanya si Vanessa pero sa daan alng ito nakatingin. Umiwas ng tingin si Vanessa tsaka palihim na napangiti.

*****

"So.. What's your plan?" Tanong ni Vanessa ng makarating na sila sa mall. Nasa parking lot pa lang sila, di pa sila bumababa dahil nag iisip pa sila kung ano ang una nilang gagawin.

"You wanna go shopping?" Tanong ni Drexel. Natawa naman si Vanessa dahil sa tanong ni Drexel sa kaya. "What's funny?" Takang tanong ni Drexel.

My Teacher's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon