MTD 2

9.7K 201 13
                                    

Hindi maisip ni Drexel kung nasaan ba ang mga kaibigan nya, tinext na nya ito pero hindi naman ito mga nagrereply. Tinawagan na nya isa-isa pero hindi naman mga sumasagot ang mga ito. Kanina pa sya naiinis, kulang nalang ang libutin na nya ang buong school nila na sobrang laki kaya hindi nalnag nya ginawa dahil ayaw nyang mapagod.

Dahil sa inis nya ay tumigil sya sa paglalakad sa crowded hallway, wala syang pake sa mga taong dumadaan. Tumingin-tingin sya sa paligid at nagbabakasakaling makasalisi nya ang mga kaibigan. Pero he felt something is watching him, lumingon sya sa kanan pero wala naman, sa kaliwa, wala din, sa likod, wala din, sa harap wala din, sa taas, wala din, sa baba, wala din. Nagkibit balikat nalang sya at naglakad nalang ulit para hanapin ang mga kaibigan. Napaisip tuloy sya kung kailangan nya ba si dora para mahanap ang mga kaibigan nya.

"Hey Drex! Looking for Karson and friends?" Napatingin si Drexel sa nagsalita at nakita ang isa sa mga close friend nilang magbabarkada, si Matthew.

"Oo ee, nakita mo ba ang mga unggoy?" Tanong ni Drexel na ikinatawa ni Matthew.

"Oo, nandun sila sa hallway ng building nyo. Kakakita ko lang sa kanila." Sabi nito, napakamot naman sa ulo si Drexel dahil hindi nya naisip na pumunta duon. Shunga kasi sya.

"Ganun ba? Sige, salamat pare." Sabi ni Drexel at tinapik sa balikat si Matthew, tumango nalang naman ito. Naglakad na sya ng makasalubong nya ang isang babae na sa tingin nya ay bago pa lang sa school nila. Sinundan nya ng tingin ito at nakitang kay Matthew lumapit at humalik sa pisnge nito. "May bagong GF si Matt?" Takang tanong nya sa sarili. Dinedma nalang nya yun at pumunta na sa building nila.

"Hoy!" Sigaw ni Drexel ng makita na nya ang mga kaibigan. Nilingin naman sya ng mga ito at kumaway sa kanya. Linapitan na nya ang mga ito at sunod-sunod na binatukan. ''Kanina pa ako text ng text at tawag ng tawag, bakit hindi nyo ko sinasagot?'' Sigaw ni Drexel sa mga kaibigan.

''Ha?'' Patangang sagot ng apat at kinuha ang mga phones nila, dun nila nakita ang madaming texts at missed calls ni Drexel sa kanya.

''Sorry Pare, naka-silen mga phones namin ee.'' Paghingi ng sorry ni Skyler sa kaibigan, inismiran nalang sila ni Drexel.

''Nga pala, alam mo bang mga bagong students?'' Tanong ni Jonas, tinignan naman sya ni Drexel at tumango.

''Ang ganda pare!'' Sabi ni Karson at napasipol pa.

''Oo, nakita ko kanina. GF ata ni Matt ee.'' Sabi ni Drexel sa mga ito kaya napakunot ang noo ng apat sa kanya. ''Bakit?'' Tanong nito.

''Anong GF ni Matt? Protective nga ang kapatid at Tatay ee.'' Sabi ni Luigi.

''Ee nakita ko syang humalik kay Matt kanina ee.'' Sabi pa ni Drexel.

''Dude! Baka iba yun, ang sinasabi namin ay ang kakambal na babae ni Jerrick.'' Sabi ni Skyler at nanlaki ang mga mata ni Drexel na kulang nalang ay lumuwa ang mga ito.

My Teacher's DaughterDär berättelser lever. Upptäck nu