MTD 27

5.4K 150 101
                                    

Umaga pa lang malaki na ang ngiti ni Vanessa. Sino nga naman kasing hindi, diba? In love eh.

''Good morning World!'' Sigaw nya sa terasa nya.

''Hoy wag ka ngang maingay dyan.'' Napatingin si Vanessa sa baba at nakita ang kuya nya na nag-lalarong mag-isa ng basketball.

''Good morning kuya!'' Masigla nitong sabi. Napailing nalang naman si Jerrick at nagpatuloy sa pag-lalaro.

Pumasok naman na ulit si Vanessa sa kwarto nya at dumeretso sa banyo para makapag-hilamos.

Agad itong bumaba matapos gawin ang kanyang morning rituals. Nagulat pa nga ang mga kasambahay nila ng makita nila ito.

''Good morning everyone.'' Bati nya sa mga ito at niyakap pa sila isa-isa.

''May lagnat ka ba iha?'' Tanong ni Nanay Helen na mayor doma sa bahay nila.

''Nako si Nanay naman. Diba pwedeng masaya lang talaga?'' Sabi ni Vanessa. Tinawanan nalang sya ng mga kasambahay at tsaka nag-patuloy sa mga ginagawa nila.

''Tulungan ko na po kayo.'' Sabi ni Vanessa.

''Wag na iha. Kami na dito.'' Kaso ayaw magpatalo ni Vanessa kaya sa huli at pinatulong nalang din nila ito sa pag-luto ng breakfast ng pamilya demesa.



Makalipas ang halos isang oras ay natapos na din sila. Naka-hain na din sa ang mga niluto nila at nakahanda na din ang mga plato at iba pa.

''Well someone's up early.'' Ang unang bungad ni Jenni nang makita nya si Vanessa na nag-lalagay ng juice sa mga baso.

''Good morning mom.'' Bati nito tsaka humalik sa pisnge ni Jenni.

''Ang aga mo atang nagising ngayon?'' Tanong ni Jenni.

''Ewan ko din Mom.'' Sagot ni Vanessa.

''Sus. Alam mo kung bakit, ayaw mo lang sabihin.'' Mapang-asar na sabi ni Jenni.

''Good morning.'' Bati ng kapapasok lang na si Jerrick. Lumapit ito sa Mommy nila at tsaka humalik sa pinsge. Ganun din naman ang ginnya kay Vanessa, kaso nga lang sinadya nitong madikitan ng pawis si Vanessa.

''Yuck kuya!'' Tulak nya sa kakambal. Tinawanan naman sya ni Jerrick tsaka umakyat sa kwarto nya para maligo.

''Morning.'' Bati ni Rick na nakasimangot.

''Good morning Dad.'' Masiglang bati ni Vanessa at niyakap ito.

''Walang good sa umaga ko.'' Sabi ni Rick. Kaya natawa si Vanessa dahil alam nyang di pa din matanggap ng daddy nya n sila na ni Drexel.

"Dad, punta nga po pala dito sila Drex mamaya. They want to have a lunch with us." Sabi ni Vanessa na dinedma ang pagmamaktol ni Rick.

''Oh Good! After breakfast Hon, mamili tayo ng mga ingridients.'' Masayang sabi ni Jenni.

''Ok.'' Wala pa ding siglang sabi ni Rick. Kaya naman nilapitan sya ni Vanessa at niyakap mula sa likod.

''Dad naman, wag ka nang mag-maktol. Ako pa din naman 'to ee. Kaso lang mahahati na ang time ko.'' Sabi ni Vanessa.

''Yun na nga eh, mahahati na ang time mo.'' Lalong sumimangot si Rick na ikinatawa ni Jenni.

''Wag mo kong tawanan Jennifer, ganto ka din nung nagka-gf si Jerrick.'' Sabi ni Rick at sinamaan ng tingin ang asawa.

''Hoy! Bat naririnig ko pangalan ko.'' Biglang dating ni Jerrick na bagong ligo.

''Yang daddy nyo kasi. Masyadong pabebe aba!'' Sabi ni Jenni.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 11, 2016 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

My Teacher's DaughterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora