MTD 23

3.6K 104 5
                                    


"Vanessa at Drexel, kumain na muna kayo. Tama na muna ang lambingan." Sabi ni Jenni sa dalwa na kanina pa sobranh sweet sa isa't-isa.

"Yes Mom." Sagot ni Vanessa sa Mommy nya. Umayos ito ng upo at ganun din naman si Drexel na kanina pa hawak ang kamay ni Vanessa, na akala mo naman ay mawawala ito sa kanya.

"Hoy Drexel, bitawan mo na kamay ng kambal ko. Di yan makakakain ng maayos ee." sabi ni Jerrick kaya mabilis na binitawan ni Drexel ang kamay ni Vanessa tsaka napakamot ito sa ulo.

"Kuya namana ee!" Sabi ni Vanessa at patagong pinanlakihan ng mata ang kuya nya. Binelatan lang naman sya ni Jerrick.

"Nako tumigil na kayo ha." Saway ni Rick sa kambal na parang mga bata na naman.

''Oh, narinig mo si Dad? Tumigil ka na daw." Tuloy pa din ang pang-asar ni Jerrick sa kakambal nya kaya naman binatukan na sya ng mahina ni Jenni. "Mom naman ee." Maktol nya kaya tinawanan sya si Vanessa.

"Buti nga sayo." At binelatan ni Vanessa ang kakambal. Napapailing nalang naman si Drexel sa isang tabi.

"Oh, iyan daw muna ang pwede mong kainin sabi ng doctor since your stomach hasn't fully recovered yet." Sabi ni Jenni at inabot kay Vanessa ang isang tasa ng lugaw.

"Lugaw?" Gulat nyang tanong. "Oh well, I'm not really that hungry." Sabi ni Vanessa at nag-simula nang kumain.

"Kumain ka na din Drexel." At inabutan nito si Drexel ng pag-kain.

Masaya silang kumakain duon habang may kasamang kwentuhan, at syempre misa para sa dalawang mag-MU. At dinaig pa ni Rick ang isang police sa mga rules and regulations na mga sinasabi nya, akala mo ay may inaarestro itong mga krimenal.

Pero ang pag-uusap nila ay biglang naputol ng mag-ring at umilaw ng phone ni Vanessa. Nakalagay dito ang pangalan at picture ni Clara kaya agad naman itong pinaabot ni Vanessa at sinagot.

"Bes, I know you are not fine. Pero I really need you ee..." Hindi pa nakakapag-hello si Vanessa at iyon na agad ang bumungad sa kanya, sumama ang itsura nya ng marinig nya ang paghikbi ng matalik na kaibigan.

"Where are you? I'm going there." Deretsong tanong ni Vanessa, magsasalita pa sana si Rick para kumontra sa sinabi ni Vanessa pero pinigilan sya ni Jenni sa pagsasalita.

"I'm at my house, wala dito sila Mommy ee. Pero it's okay na dito--"

"Okay, I'll be there in 20." Pinutol na ni Vanessa ang tawag at tinignan ang parents nya.

"Vanessa, you are not going anywhere." Sabi ni Rick.

"Yes I am Dad. My bestfriend needs me, so I need to be there." Sagot pa ni Vanessa habang tinitignan ng seryoso ang daddy nya.

"Hon, I'm sure we can talk and ask the Doctor if she can leave sooner that we expected diba?" Sangit ni Jenni dahil seryosong nag-tititigan ang mag-ama na parang wala talagang susuko sa kanilang dalwa. Napabuntong hininga si Vanessa at tsaka nagsalita...

"Dad, please. I'm begging you, Clara needs me right now. And you know to yourself that if your friends need you, you'll come running to them no matter what the situation is. Remember? Friends are family too." Mahabang sabi ni Vanessa sa Daddy nya, at dun lang lumambot ang tingin nya. Naalala nya na sila ang nag-turo sa mga anak nila nun.

"Okay. But promise me that you'll be fine." Pag-suko ni Rick.

"Yes Dad, I will." Sabi ni Vanessa at ngumiti sa Daddy nya.

"Tara na Hon, tanungin na natin yung Doctor." Sabi ni Jenni at hinila na si Rick palabas.

"I'll come with you. Just to be sure that you'll be alright." Sabi ni Drexel at nginitian nalang sya ni Vanessa.

"Di na ako kokontra, pinapapunta kami ni Matt sa bahay nila ee." Sabi ni Jerrick na ngayon ay abala sa kakapindot sa phone nya.

*******

Nang makarating si Vanessa at Drexel sa bahay nila Clara ay agad silang nag-door bell at pinapasok naman agad sila ng maid.

"Asan po si Clara?" Tanong ni Vanessa sa maid na nag-bukas sa kanila.

"Nasa kwarto nya po." Sagot nito, nagpasalamat si Vanessa at agad na umakyat sa taas deretso sa kwarto ni Clara.

"Clara..." Tawag ni Vanessa dito, humarap ito kay Vanessa at nakita nito na magang-maga na ang mata ni Clara at mapula na din ang ilong at pisnge nito.

"Van..." Lumapit ito patakbo kay Vanessa at niyakap nito ng pag-kahigpit-higpit tsaka umiyak ng umiyak.

"Hey calm down. I'm here na." Pag-amo ni Vanessa dito at niyakap niya ito ng pabalik. Sinenyasan nya din si Drexel na maupo nalang muna sa isang tabi at tumango nalang si Drexel. "Now, tell me. What happened?" Tanong nya ng kumalma na si Clara.

"Si Matt... He dumped me." Napakunot ang noo ni Vanessa sa narinig, napatingin sya kay Drexel na ngayon ay nakatingin na din pala sa kanila na parang naguguluhan din sa sinabi ni Clara.

"What do you mean he dumped you?"

"Sabi nya sakin kanina, na he asked another girl daw to go with him to the Christmas Ball. And I told him it's okay kasi ultimate Crush nya yun ee. And ayaw ko namang mabored sya sakin that night." Kwento ni Clara. "Pero bakit parang pinagsisisihan ko na sinabi kong okay lang? Bakit parang ngayon gusto kong bawiin yung sinabi ko sa kanya?" At napaiyak na naman  si Clara.

"I don't know if I should tell you that you did the right thing or not. Ikaw na din kasi ang nagsabi na ultimate crush nya yun, but then I feel bad kasi you are the girl plus the fact that you really do like him or worse love him." Sabi ni Vanessa.

"Do you think I love him?" Tanong ni Clara.

"I mean you wouldn't cry that much if it's just the like-stage." Sabi ni Vanessa.

"I don't know. Wala akong maintindihan ngayon." Sabi nito at tumalikod kay Vanessa. "But one thing is for sure, I'm not going to the ball.."

********

"Anong ginawa mo?!" Sigaw na tanong ni Jerrick kay Matthew na ikinagulat nilang tatlo.

"Woah Rick, kumalma ka lang." Sabi ni Enzo at pinaupo si Jerrick.

"Paano ako kakalma?" Sigaw nya ulit. "Mali yung ginawa mo Matt, maling mali. How can you do that to Clara?" Inis na tanong ni Jerrick kay Matthew.

"I don't know. Crush na crush ko si Chloe, at alam nyo yung tatlo."

"Kahit na! Niyaya mo si Clara tas ano? Sasabihin mo sa kanya na iba na ang kasama mo sa ball? Ano to Matt, gaguhan lang? Ganun?"

"You two need to calm down." Singit ni Mark pero sinamaan lang sya ng tingin ni Jerrick.

"Uuwi na ako." Sabi ni Jerrick at naglakad na pero agad din itong tumigil. "I hope you are happy for making her cry." Yun lang at umalis na ito. Naiwan namang nakatulala si Matthew sa narinig, habang ang dalwa ay naiiling nalang.





---

"Drex, malapit na ang Ball. Tas ito pa ang nangyayari?" Sabi ni Vanessa. They are on their way to her house. Ihahatid na sya ni Drexel dahil late na din.

"Yeah. I wasn't expecting that to happened." Sabi ni Drexel at tinignan sandali si Vanessa.

"Sana naman maayos na tong gulo na to."

"Don't worry too much." At hinawakan nya ang kamay ni Vanessa.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now