MTD 9

6.5K 151 8
                                    

"Mga dude! Pusang gala!! Tulong!" Sigaw ni Drexel sa apat. Napatigil ang apat sa pagkwekwentuhan nila at tinignan nila si Drexel na parang bored na bored sila. "Wag nyo kong tignan ng ganyan! Tutulungan nyo ako sa ayaw at sa gusto nyo!" Sabi ni Drexel at umupo sa harap nung apat.

"Yun naman pala ee. Bakit mo pa pinapaalam samin kung hindi mo din naman pala hihingin at sagot namin?" Sabi ni Karson. Wala sya sa mood mag-mala musical. Gawa yun ni Luigi, dahil pinakain sya nito nung isang araw ng bawang, may balat pa.

"Ano ba kasi yun ha? Tense na tense ka ah!" Tanong ni Skyler.

"Pare! Nababaliw na ba ako?" Tanong nya dun sa apat at nag-katinginan ang apat na parang nag-iisip.

"Oo." Sabay-sabay na sagot nung apat.

"Hindi yun Pare!" Inis na sabi ni Drexel. "Baliw na ba ako.. kung... mag-kagusto ako kay Tombs?" Dahan-dahan nitong tanong. At katulad ng pagkakasabi nya ay mabagal ding na-absorb ng apat ang sinabi ni Drexel. "Huy!" Untag ni Drexel sa apat.

"TALAGAAA??!" Sigaw nung apat makalipas ang ilang minuto. Nagulat naman si Drexel dahil sa sigaw nung apat, napatalon pa sya ng kaunti dahil sa gulat.

"Oo nga!!" Sagot ni Drexel.

"Haha! Sabi na nga ba at kakainin mo din ang mga sinabi mo ee." Pang-aasar ni Skyler. Minsan lang yan mang-asar pero hard pag nang-asar.

"Oo na. So tulungan nyo nga ako." Pag-babalik ni Drexel sa totoong dahilan kung bakit nya binulabog ang apat.

''Ee ano ba kasi ang magagawa naming tulong sayo LoverBoy?'' Mapang-asar na tanong ni Luigi tsaka sila humagalpak ng tawa na apat, habang si Drexel ay nakatingin lang sa apat na ngaon ay halos mawalan na ng hininga sa kakatawa.

''Tapos na ba kayo?'' Seryoso nitog tanong kaya napatigil ang apat at sumersoyo.

''Sorry Pare.'' Sabi ni Karson at umubo. ''So ano ba ang gagawin mo?'' Tanong nya.

''Well, I want to ask her out on a date kaso baka hinid pumayag ee.'' Simula ni Drexel.

''Oh! Ee ikaw kaya si Drexel Jon Servantes! Walang makakatanggi sayo no!'' Sai ni Jonas pero napailing si Drexel.

''Hindi Pare!! Iba si Vanessa, hindi ko sya madadaan sa mga diskarte ko. Iba na 'to! Kumbaga sa video games, nasa last game na ako, pinaka mahirap na level na!'' Sabi ni Drexel.

''Oh, edi daanin mo sa paraang base sa kanya.'' Sabi ni Skyler kaya napatingin sa kanya si Drexel.

''Paano?''

''Never pa syang nagka-boyfriend diba?'' Tanong ni Skyler at tumango naman at apat dahil sa isip nila ay hindi pa nga talaga ito nagkaka-nobyo dahil sa sobrang protective ng tatay at kuya. ''So that means, wala pang nagpapakilig sa kanya.'' Dagdag pa nito.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now