MTD 8

6.2K 161 10
                                    

Nasa labas si Vanessa at Charmaine ng shower room ng boys, hinihintay nila si Jerrick na matapos ito. Pero hindi ako sure kay Vanessa kung si Jerrick ba ang hinihintay nya o kung iba..

"Anong meron kanina?" Tanong ni Charmaine kanina. Referring to the scene earlier.. Napaiwas naman ng tingin si Vanessa at biglang namula ang pisnge.

"Uy~~" Pang-aasar ni Charmaine.

"Ano ba! Wala lang naman yun ee. Nang-iinis kasi sya." Sabi ni Vanessa na hanggang ngayon ay hindi makatingin kay Charmaine. Dahil iisipin nya panlang yung nangyari kanina, bumibilis na naman ang tibok ng puso nya.

"Deny ka pa! May gusto ka na kay Drex no?" Patuloy pa din sa pang-aasar si Charmaine. Napatingin sya kay Vanessa ng matahimik ito. "Hey.. Don't tell me.." Nanlaki ang mata ni Charmaine at napatakip pa sa bibig nya. "Kyaaa~~ so it's true??" Tili ni Charmaine.

"Hindi ko alam okay? Wala akong alam sa ganyan!" Kung kanina ay mapula ang pisnge ni Vanessa. Ngayon ay kasing pula na ng mansanan ni Snow White ang mukha nya. "Tumigil ka nga Charry!!" Maktol ni Vanessa ng hindi ito tumitigil sa pag hampas sa kanya sa braso at impit na tumitili.

"Kinikilig ako ee." Sabi ni Charmaine na parang mawawasak na ang mukha sa sobrang laki ng ngiti.

"At bakit ka nama kinikilig?" Napatigil silang dalwa at tinignan ang nag mamay-ari ng boses na iyon.

"Babe.. Wala naman. Pinag-kwekwentuhan lang namin yung SDTG. Nakakakilig kasi yun ee." Dahilan ni Charmaine sa boyfriend. Napatingin naman si Jerrick kay Vanessa.

"Oh bakit namumula ka? Ayos ka lang ba?" Tanong nito na lalong kinapula ni Vanessa at ikinatawa ni Charmaine. "Ano bang nangyayari sa inyong dalwa?" Nagtataka nang tanong ni Jerrick sa dalwa.

"Wala. Pabayaan mo na yang si Vanessa. Tara, punta muna tayong canteen." Sabi ni Charmaine na ang laki ng ngiti at hinila si Jerrick.

"Uy sama ako!" Sabi ni Vanessa at hahabol pa sana sa dalwa kaso pinanlakihan sya ng mata ni Charmaine na parang sinasabing wag syang susunod. Kaya napatigil sya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa papaalis na si Jerrick at Charmaine. "Baliw talaga yung babaeng yun. Mana sa Ate nya!" Naiiling na sabi ni Vanessa.

Tumingin sya sa likod nya at nagulat sya ng mabunggo sya sa dibdib ng kung sino. Tumingala sya at tinignan kung sino ang nabunggo nya.

"Ay sorry.." Sabi ni nya at umatras ito. Hindi nya kasi kilala ang lalaki na nasa harapan nya.

"Ayos lang." Nakangiti nitong sabi. "Kapatid ka ni Jerrick diba?" Tanong pa nito.

"Ah oo." Sagot ni Vanessa. Hindi nya alam kung bakit kinakausap pa nya ito ee ni hindi nya nga ito kilala.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now