MTD 25

3K 76 4
                                    


''Mga dude! Langya kinakabahan ako!'' Sabi ni Karson na kanina pa lakad ng lakad.

''Pare kung hindi ka kakalma, mapapaltos na yang sapatos mo hindi pa nag-sisimula ang Ball.'' Sabi ni Luigi na nag-susuklay sa harap ng salamin.

''Oo nga, kumalma ka lang Dude. Ito naman diba yung gusto mo diba?'' Sabi ni Skyler.

''Oo naman no! Pero paano kung mag-iba ang isip nya? Paano kung ayaw na pala nya akong makasama sa Ball?'' Sunod-sunod nyang tanong sa mga kaibigan.

''Masyado ka namang nega Pare. Positive lang dapat.'' Sabi pa ni Jonas.

''Okay. I'm positive na ayaw na akong makasama ni Clara sa Ball.'' Dahil sa sinabi nyang yun ay nabatukan sya ni Drexel.

''Hindi ganun Gagu!'' Sabi ni Drexel. ''Hindi yun mag-baback out. Hinalikan ka na nga ee.'' Pang-aasar ni Drexel at nakisali na din yung tatlo. Kaya naman pulang-pula na ang mukha ni Karson.

''Biruin mo yun, naka-score ka!'' Kantiyaw ni Luigi.

''Tumigil ka nga dyan. Hindi lang kung sino si Clara no.'' Sabi ni Karson at sinamaan ng tingin si Luigi. Napatawa nalang naman si Luigi habang naiiling.

''Nako! Tinamaan na ata si Karson ni Mister Kupido ah!'' Pang-aasar pa naman ni Drexel.

''Nag-salita ang hindi in-love.'' Kantyaw naman ni Skyler kay Drexel. Bigla namang namula si Drexel at napakamot sa batok.

''Tatamaan din kayong tatlo.'' Sabi ni Drexel habang naiiling dahil pinag-tatawanan sila ng tatlong itlog.



*VAN'S HOUSE*


''Ready na ba kayo Girls? Malapit ng dumating ang mga sundo nyo.'' Tanong ni Jenni sa tatlong dalaga na hindi mapakali at tingin ng tingin sa salamin.

''Ayos lang ba itsura namin Tita?'' Tanong ni Charmaine at natawa si Jenni.

''You girls look gorgeous!'' Sabi nya sa tatlo. ''Kaya bumaba na kayo para ma-picturan ko kayo. Bilis!'' Habol pa nito.

Kuniha na nang tatlong dalaga ang mga purse nila na nasa kama ni Vanessa at agad silang mga bumaba sa may salon. Kung saan naabutan nila si Jerrick na nanunuod ng TV.

Napalingon sya ng mapansin nyang may mga matang nakatingin sa kanya. And as if on cue ay napa-nga nga sya.


''Wow.'' Utal nya. ''Just wow.'' Sabi nya at tumayo para lapitan ang nobya nya. ''Ang gaganda nyo ah.''

''Thank you!'' Sabay-sabay na sabi ng tatlong dalaga.

''Tignan ko lang kung may kalokohang gawin yung dalwang umag na yun sa inyo.'' Sabi ni Jerrick kaya napa-irap si Clara at Vanessa. Dahil alam nilang si Karson at Drexel ang tinutukoy nito.

''Wala ka pa rin bang tiwala kay Drex, Kuya? Ilang buwan na syang nanliligaw sakin.'' Sabi ni Vanessa at umupo sa sofa.

''Kay Drex? Medyo. Pero kay Karson? Nako! Chick boy yung isa na yun ee.'' Sabi ni Jerrick. Siniko naman sya ni Charmaine at pinanlakihan ng mata.

''Malay mo nagbago na sya. People Change.'' Sabi ni Clara.

''Tama!'' Sabaw na sigaw ni Charmaine at Vanessa habang natatango pa. Napairap nalang naman si Jerrick at iginaya na palabas ang nobya.

''Mauuna na kami. See you!'' Sabi nito. Pero bago pa sya makalabas ng pintuan ay hinarangan sya ni Jenni.

''Ep ep ep!'' Sabi ni Jenni ng harangan nya sila Jerrick.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now