MTD 6 Part 1

7K 172 13
                                    

Linggo ngayon at walang magawa si Drexel, dapat walang pasok ang mga magulang nya pero nagkaron ng emergency meeting kaya naiwan sya sa bahay kasama lang ang mga maids nila. Tinatamad naman syang tawagan ang apat dahil ayaw nyang magulo ang bahay nila dahil sya din ang papagalitan ng mama nya pag dumating ang mga ito ng magulo ang bahay nila.

''Ahh! Why is my life so boring?'' Tumayo si Drexel sa pagkakaupo nya sa sofa at kinuha ang phone nya. ''Busy kaya 'to?'' Tanong nya sa sarili nya habang tinititigan ang phone number na nakalagay sa screen ng phone nya. "Bahala na nga!" Sabi nya at pinindot ang call. Nilagay nya sa tenga ang phone nya at narinig nyang nag-riring na ito.

"Hello?" Napakunot ang noo ni Drexel ng ibang boses ang sumagot.

"Hello? Asan si Vanessa?" Tanong nya sa taong sumagot sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo sa anak ko? At sino ka ba ha?!" Sigaw nito sa kabilang linya, at napagtanto nyang si Rick ito. "Dad! What are you doing with my phone? And sinong kausap mo?" Narinig nyang nagsalita si Vanessa. "Ah, hinahanap ka anak ee." Sabi ni Rick, nakikinig na lang si Drexel sa mag-ama na nag-uusap sa kabilang linya. "Malamang Dad, phone ko yan ee. Akin na nga yan!" Napalayo si Drexel sa phone dahil sa sigaw ni Vanessa. "Hello? Who is this?" Tanong nito.

"Si Drex 'to." Simple nyang sagot, at natahimik bigla sa kabilang linya kaya tinignan nya kung namatay ba o ano.

"Oh, bat ka napatawag?" Finally ay nagsalita na din ito.

"Bored ako ee, may ginagawa ka ba ngayon?" Tanong ni Drexel.

"Hmm.. Paalis kami nila Mommy ee. May surprise kasi si Dad." Sabi ni Vanessa at binulong yung huli.

"Pwedeng sumama? Nababagot na ako dito sa bahay ee." Sabi ni Drexel at nananalangin sya na sana pumayag si Vanessa.

"I don't know.. Hang on, I'll ask my dad." Sabi ni Vanessa at narinig nyang parang binaba ni Vanessa ang phone nya. Naghintay nalang si Drexel dun hanggang sa bumalik ito. "My dad said yes, so punta ka na daw dito." Sabi ni Vanessa sa kabilang linya at napasigaw naman si Drexel sa isipan nya.

"Okay, saan ba yang bahay nyo?"

"I'll text it to you, gotta go! Bye!" At binaba na ni Vanessa ang tawag.

"Di man lang ako pinag-babye." Sabi ni Drexel sa sarili habang nakatingin sa phone nya. Nakarecieve sya ng text at yun yung address nila Vanessa. Agad-agad syang tumakbo papunta sa kwarto nya at nag-bihis. Nakaligo na naman sya kanina pa kaya magbibibis nalang sya. Pagkabihis ay agad syang lumabas at kinuha ang kotse nya sa garahe at nag-drive papunta sa bahay nila Vanessa.

****

"Bat kasi isasama mo pa?" Inis na tanong ni Rick kay Vanessa, nagiging possesive na naman ito.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now