MTD 6 PART 2

7K 160 7
                                    

"Hoy! Anong ginagawa nyong apat?" Sigaw ni Jerrick sa apat na nakaupo lang. Tinignan sya ng apat na may nanlulumong mga mukha.

"Pare, nagugutom na kami. Hindi nyo man lang ba kami papakainin?" Tanong ni Karson na parang mamamatay na sya sa sobrang gutom. Napailing naman si Jerrick dahil sasandali pa lang na tumutulong ang apat gutom na agad ang mga ito.

"Pasok kayo sa loob. Andun si Tita Krissa, sabihin nyo nalang na gutom kayo. Papakainin na niya kayo." Sabi ni Jerrick at parang mga hindi gutom na nagtakbuhan ang apat papasok ng bahay.

"Saan pupunta ang mga yon?" Tanong ni Rick sa lalaking anak.

"Nagugutom daw ee." Sagot naman ni Jerrick at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng mini-stage duon.

"Kayo po ba si Tita Krissa?" Tanong ni Jonas sa babaeng nag-hihiwa ng bread.

"Yes, why?" Tanong ni Krissa at tinigik ang ginagawa tsaka tinignan ang apat na binata sa harapan nya.

"Nagugutom na po kasi kami. May makakain po ba dyan?" Walang preno at hiya na tanong ni Karson. Gustom na gutom na kasi sya. Wala ng hiya hiya.

"Oo naman. Ayan oh! Kagagawa ko lang ng mga sandwich tas nasa ref yung juice." Sabi ni Krissa sa apat.

"Salamat po." Sabi ni Skyler, busy na kasi ang tatlo sa pagkain. Akala mo isang taong hindi nakakain kung lantakan ang sandwich. "Hoy! Mahiya naman kayo, hindi lang para sa inyo yan." Baling nito sa tatlo na parang may balak na ubusin lahat ng sandwich.

"Nako sige lang! Pakabusog kayo, madami pa naman." Sabi ni Krissa sa tatlo kaya parang mga batang benelatan nila si Skyler.

"Hi Tita!" Bati ng kapapasok lang na si Victoria. Napatigil naman ang tatlo sa pagkain at napatitig kay Victoria. "Sino sila Tita?" Tanong nito ng mapansin ang apat.

"Kaibigan sila ni Jerrick." Sabi ni Krissa.

"Hi po!" Nakangiti nitong sabi. At nabulunan ang tatlo dahil sa ginawa nitong pagngiti, ganda ee! "OMY! Are you okay?" Natatarantang tanong ni Victoria sa tatlo. Habang si Skyler na katabi lang ng tatlo ay walang ginagawa, hindi man lang nya naisip na abutan ng tubigang tatlong kaibigan, imbes ay naiiling lang ito.

"Ah, oo ayos lang kami." Sabi ni Luigi na halata namang nagpapacute kay Victoria. Kaya nabatukan sya ni Skyler.

"Tumigil ka nga, kayong tatlo! Ang bata pa nyan. Sumbong ko kayo kayla Jerrick ee." Sabi ni Skyler sa tatlo.

"Ah, sige. Labas na ako ulit." Paalam ni Victoria ng makakuha na sya ng bottled water.

"Tapos na po kami! Salamat Tita!" Sabi ng tatlo ang nag-uunahan pang lumabas. Naiiling nalang si Skyler dahil nababaliw na naman ang tatlo nyang kaibigan. Feeling nya talaga sya lang ang normal sa kanilang barkada. Well 1 and a half, dahil half normal half abnormal si Drexel.

My Teacher's DaughterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum