''Tsk. Kapit ka na naman sa Mommy mo.'' Bulong ni Rick na narinig ni Vanessa kaya nag-giggle nalang ito tsaka pumasok na sa kwarto nito.

Pag-pasok naman ni Rick sa kwarto nila ng asawa ay nag-mamadali syang pumunta sa kama at humiga tsaka madiin na pinikit ang mata.

''Rick..'' Tawag ni Jenni pero di iyon pinansin ni Rick. Nag-tutulog-tulogan sya ee. ''Don't play that game on me Rick. Baka pag ako ang gumawa nyan mag-sisi ka.'' Banta ni Jenni kaya naman napamulat si Rick. Ayaw nyang matigang dahil sa katigasan ng ulo nya.

''Yes hon? What do you want?'' Malambing na sabi ni Rick at dahan-dahan pang humarap kay Jenni with a sweet smile.

''Psh. Baliw!'' Sabi ni Jenni at tinabig ang mukha ni Rick.  ''Umayos ka nga! May sasabihin ako ee.'' Dagdag pa nya kaya napaupo ng ayos si Rick at hinarap ang asawa with a serious face.

''Ano ba yung sasabihin mo?''

''Well it's about Vanessa..'' Simula ni Jenni at nakuha na agad ni Rick ang gustong sabihin nito.

''I get it. It's about her wanting to hang out with Drexel tomorrow.'' Bored na sabi ni Rick.

''Uh-huh. Payagan mo na sya. She's 18 na naman, I think she can date anyone now.'' Sabi ni Jenni at niyakap si Rick. Gagamitin nya ang lambing-power nya ngayon sa asawa para mapa-payag nya si Rick.

''It's not a date. Hang out lang daw.'' Sabi ni Rick at niyakap din pabalik si Jenni.

''Oh yun naman pala ee. Payagan mo na.'' Sabi ni Jenni. Napabuntong hininga naman si Rick.

''Fine.''

*******

Maagang nagising si Vanessa.  Pagkagising ay naligo na sya ang nag-bihis, pambahay lang naman. Pagkatapos ay bumaba na sya para mag-breakfast at naabutan nyang andun na ang kuya nya at Daddy nya, si Janessa at natutulog pa dahil napuyat kagabi kagagawa ng projects.

''Good morning!'' Bati ni Vanessa. Lumapit sya sa kuya nya at hinalikan ito sa pisnge.

''Well someone is in good mood today.'' Sabi ni Jerrick sa kapatid. Nginitian lang naman sya ni Vanessa.

''Good morning dad.'' At sa daddy naman nya sya humalik. Pagkatapos ay umupo na sya, katapat ang kuya nya.

''Vanessa.'' Tawag ni Rick sa anak. Hindi nya ito tinignan, nakatingin pa din ito sa news paper na binabasa nya.

''Yes dad?'' Tanong ni Vanessa at tumigil sa pag-kain.

''Anong oras ka susunduin dito ni Drexel?'' Tanong nito, sa narinig ni Vanessa ay napangiti nya pero agad ding inalis.

My Teacher's DaughterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ