CHAPTER 31 - THE PAYBACK I

Start from the beginning
                                    

"Hmm ok." nakangiting tugon ni Athena, napangisi naman si Drake ng pagka laki-laki.

"Oh 'di ba, nagcomeback rin ang Draena!" nakangisi pang sambit ni Drake, napangiti naman ako at tsaka tahimik na itinuon ang atensyon sa pagkain sabay tingin sa bakanteng upon na nasa tabi ko.

Kung katabi lang sana kita...

"Ayos ka lang ba pre?" nagaalalang tanong ni Shawn, nakangiti naman akong tumango at tsaka nagpatuloy sa pagkain.

"Alam kong masakit Scyle, pero tanggapin mo ang kapalaran." sambit ni Athena, napahugot naman ako ng hininga at tsaka pilit na napangiti.

Paano kung hindi ko kayang tanggapin... Paano na ang tadhana namin ni Cassy?... Hindi ba talaga kami ang nakatadhana?

"Namomroblema s'ya dahil wala na s'yang partner kay Miss Fernandez!" kunwari pang natatawang usal ni Romnick, napangisi naman ako.

"Oo, 'yon ang pinoproblema ko." pagsakay ko sa sinasabi n'ya,

"Kunin mo si Forth, or si Berton, pwede ring si Romnick, para sakto." suhestiyon ni Drake,

"Oo nga.." pagsangayon nila, napangiti naman ako,

"Hindi na, kaya ko." tugon ko, napatango naman sila, kampante ako na marami akong mailalahad patungkol sa tadhana, maraming beses na kaming napaglaroan ng tadhana.

Alam kong babalik ka Cassy, naniniwala ako..

Hindi na nagtagal ay lumabas na kami ng Canteen, nagpapasalamat akong hindi namin nakikita sila Ralph at Yalrine.

_______________

Lumipas narin ang iba pang mga araw ng paulit-ulit lang ang nangyayari sa amin. Papasok, matutulala, kakain, matutulala and repeat. Halos wala na akong natututunan. Tatlong linggo na ang lumipas ngunit wala parin si Cassy.

Hindi na nga ata talaga s'ya babalik...

Sila Haezi naman ay bumibisita sa School para makita kami. Nagkaayos na kaming lahat, wala ng alitan sa pagitan ni Driana at ng mga kasama ko, maging kina Hyemi at Roxanne, si Haezi naman ay masaya na kay Brolver.

Kailan naman kaya ako magiging masaya ulit?

Unang araw ng SEPTYEMBRE ay naging maaliwalas ang lahat. Wala ng gulo at kahit ano. Sila Ralph at Yalrine ay hindi na namin nakikita. Naging masiyahin na kaming lahat ngunit nangungulila parin kay Cassy. Humupa ang galit namin kay Cashannea, pero hindi rin namin masasabing magiging maayos ang lahat kapag nagkita ulit kami.

Para sa akin ay magiging maayos kung bibigyan mo ko ng sapat na eksplanasyon Cassy..

Naglalakad ako sa Hallway kasama kaming magkakaibigan. Kahit papaano ay nakakapagbiruan na kami. Nagtatawanan kaming naglalakad sa Hallway ng Mythical Garden ng biglang humarang sa dinadaanan namin ang pamilyar na mga grupo.

Nandito na naman sila... Kung kailan wala na si Cassy...

"Kamusta... Kamusta... Kamusta.. How are you guys? Long time no see!" Masaya pang bati ni Yalrine, pero halata ang pagiging sarkastika n'ya.

"Ano na namang problema n'yo?" tanong ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila.

"Kayo.. Kayo ang problema namin, ngayong wala na si Cassy, madali nalang ang paglaruan kayo." pahimas-himas pa ni Ralph sa panga n'ya habag napapangisi. Sumama naman ang tingin namin at pinaatras ko ang mga kasama ko.

Kung wala si Cassy, pwes ako ang harapin n'yo, I'm her partner in crime..

"Hindi ba talaga kayo titigil?" inis na tanong ko, natawa na naman sila.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Where stories live. Discover now