My eyes fell down to his body. Maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan dahil sa mga nagbibiyakang kalamnan sa braso at tiyan. He was only wearing a ripped jeans and no more! Naka-topless lang ito for goodness' sake! Kitang-kita ko ang pawis na dumadaloy sa katawan nitong walang saplot. Agad akong napaiwas ng tingin at tumikhim.

Maghunos-dili ka, Crescencia!

"At bakit naman hindi? Malinis naman ito dahil bagong pitas," katwiran ko bago idiniretso sa bibig at kinagatan.

May tumulo pang katas ng mangga sa gilid ng aking labi na agad kong pinahiran.

Isinawalang bahala ko ang pag-init ng pisngi dahil sa kahihiyan. For sure, my ignorance on this matter was undeniable! Nai-ignorante ako kung paano ito kainin dahil lagi akong pinagsisilbihan ng mga kasambahay. Mamáng didn't want me to hold any kind of food with bare hands. Lagi niyang pinapalo ang aking kamay kapag nahuhuli niya akong sinusubukang magkamay.

Titig na titig ang aking kaharap at pinagmamasdan nang mabuti ang aking kilos. Nairita naman ako dahil hindi ako sanay na tinititigan.

"Can you please stop looking at me?" Hindi ko napigilang isatinig.

I should not be intimidated by his presence! Marami na akong nakasalamuhang ganito sa siyudad!

Umiling lang ito at napangiti nang palihim. Natikom ko ang bibig dahil sa ngiting 'yon. Napakasimple lang naman nito at mukhang hindi mayaman ngunit bakit parang napakalinis ng kanyang katawan? Malayong-malayo sa mga kapwa nitong kaederan sa hacienda. Paniguradong kung sila'y pagsama-samahin ay siya ang tiyak na mangingibabaw.

"Totoo nga ang sabi-sabi nila," mahina niyang bulong ngunit dinig ko naman.

"Na ano?" Nakataas kilay kong tanong.

Muli akong kumagat sa manggang hawak. Basa na ang aking kamay dahil tumutulo ang katas ng hinog na mangga roon pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Umiling-iling ito. Humugot siya ng panyo sa kanyang bulsa sa likuran at inilahad sa akin. Tinitigan ko lang iyon bago muling tumingin sa kanya.

"Para san 'yan?" Pagsusuplada ko.

Hindi kasi talaga ako sanay makipag-usap sa mga ibang tao rito sa loob ng hacienda dahil pili lamang ang ipinapakilala sa akin ni Mamáng. Kung kay Papáng naman ay ayos lang sa kanyang nakikipag-kaibigan ako rito sapagkat mas nakakabuo raw ito ng magandang komunikasyon sa aming nasasakupan.

"Pampahid n'yo po sa makalat n'yong pagkain. Para ho kayong bata," aniya.

Para akong nainsulto at naiiritang pinandilatan siya. Pake ba niya?

Itinapon ko na ang aking manggang hawak at nagsimula nang tumalikod para balikan si Valir at nang makauwi na rin. Nawalan ako ng gana dahil sa pang-iinsulto sa akin ng lalaking 'to!

Eh 'di siya na ang marunong kumain ng mangga!

Just when I stepped my foot forward, his rough palm suddenly stopped me. Napahinto ako dahil do'n at tiningnan ang aking brasong hawak niya. Napabitiw naman ito at agad tumikhim.

"Pasensiya na Senyorita. Nais ko lang linisin ang kamay mo dahil madungis," at pinahiran nga ang aking mga kamay gamit ang panyong ibinibigay niya kanina.

Pinagmasdan ko lang ang kaniyang ginagawa. Magaspang ang kanyang naglalakihang palad ngunit maganda sa pakiramdam ang kaniyang paghaplos. Hindi naman ako maarte para mandiri rito, sa halip ay nagugustuhan ko pa nga ang kanyang paghawak sa akin.

Then out of nowhere, Mamáng's strict voice entered my head. Napasinghap ako nang maalala ang bilin niyang huwag magpahawak sa aming mga tauhan dahil marurungis ang kanilang mga kamay.

Napatingin ang lalaking kaharap ko at tila nabasa nito ang nasa isipan ko. Bigla ako nitong binitiwan na para bang napaso.

Yumuko ito at tumikhim. "Pasensiya na Senyorita," paumanhin niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Humugot ako nang malalim na hininga at hinayaan ang labing maunat para sa isang matamis na ngiti. Wala naman si Mamáng dito upang pagalitan ako kaya't bakit ako mangangamba?

"Ayos lang..." mahina kong saad at saglit siyang tinitigan sa mukha. "Maraming salamat. Mauuna na ako sa 'yo," dagdag ko at muli na namang tumalikod upang ipagpatuloy ang paglalakad. Akala ko ay hinayaan na ako nito ngunit napansin kong nakasunod pa rin ito sa aking likuran. Napatigil ako at kinakabahang nilingon siya. "U-uh, bakit?"

May masama ba itong balak sa akin at ayaw akong tantanan? Mapanlinlang pa man din ang mga ganito kakisig na nilalang!

"Ihahatid ko lang ho kayo sa inyong patutunguhan para siguradong hindi kayo mapaano," seryoso niyang sabi nang matagpo ang mata ko. "Wala ho akong balak gawan kayo nang masama," patuloy niya ng marahil ay napansin ang bahagya kong takot at kaba.

Umayos naman ako at muli siyang nginitian nang tipid bago tumango bilang pagsang-ayon. Nang makita si Valir ay nilapitan ko ito at tinapik sa pisngi. Muli kong tiningnan ang lalaking kasama.

"Salamat. Mauuna na ako," at sumakay na sa aking kabayo.

Tumango ito at sumunod sa aming likuran. May nais pa sana siyang sabihin ngunit gumalaw na nang mas mabilis si Valir kaya't hanggang tingin na lamang ang paghahatid niya sa amin. Nilingon ko siya at kumaway bago tuluyang tumungo sa daanan pauwi ng bahay nang makalabas kami sa mga kapunuan.

Malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang nag-aalalang mukha ni Papáng at ang naiinis na itsura ni Mamáng.

My mother was an epitome of beauty when it came to physical appearance. Gaano man kapangit ang ipakita niyang itsura ay hahangaan pa rin ito ng mga tao dahil sa taglay niyang dugong Kastila. Ang halong dugong dayuhan nito ang mismong nagpadagdag din sa aking pisikal na anyo.

Most people especially our servants said that we were almost look alike and just like sisters. Iyon nga lang ay nakuha ko ang kaamuhan ng mukha ni Papáng at ang kanyang labing mabining palangiti—malayong-malayo raw sa mataray na itsura ni Mamáng.

Nang makita nila akong papalapit ay sinundo nila ako sa daanan. Sermon agad ni Mamáng ang bumungad sa akin.

"Dios mio Crescencia! Saan ka pumunta? I told you to don't get out of this house without my consent! You're not listening to me, do you?" mabilis ang hiningang sabi niya.

Hinaplos naman ito ni Papáng sa likuran. Bumaba ako kay Valir at hinawakan ang kanyang tali bago humarap kay Mamáng.

"I'm sorry Mamáng, I just visited the mango plantation. You don't have to worry about me, I'm old enough," rason ko sa mababang tono dahil tiyak kong hindi na naman ito titigil.

At tama nga ako.

Lalong tumaas ang presyon niya sa narinig. "And now, marunong ka nang sumbatan ako? My goodness!" Hinawakan siya ni Papáng sa braso para pakalmahin.

"Mamáng, hindi naman po sa ganoon," pagod kong usal. "I just wanna have my rest, puwede po ba?"

"No! You should talk to me right now in the office, hindi ko ito mapapalampas Crescencia! This is the first time you disobeyed my rule! How could you—?"

"Let her be, Celistina. Hayaan mo na ang anak mo. Tama siya at nasa tama ng edad maging sariling pag-iisip. Bakit hindi mo siya hayaang magliwaliw sa ating hacienda? It's good to create a bond with our constituents."

"What?! Are you serious? You want our daughter to be friends with our servants and to people living in our place? You know how poor and brainless they are, Gregorio! What if they'd influence our daughter in a bad way—"

"Huwag mong isiping ganyan ang kinalakhan ko, Celistina..." seryosong putol ni Papáng na nagpatahimik sa paghihisterikal ni Mamáng.

Ako na mismo ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya lalo na't dinig pa ito ng aming mga tauhan na nakapalibot sa bahay at sa mga kasambahay na naghihintay lang ng maiiutos sa kanila sa isang tabi.

Napailing ako sa kabiguang hindi na talaga nagbago ang ugali ni Mamáng simula pa noon. Matapobre pa rin siya't mapagmataas na ayaw ko mang aminin ay ikinaiinis ko. 

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now