Nagkatinginan kami ni Seven. Bakas rin sa mukha niya ang gulat at pagkalito. The same way as my reaction. Sino ba naman ang hindi magugulat e may kinakausap si Kapitan na babae?! Kahit nga ang mga tagahanga niya ng walong taon, wala iyang pinapansin ni isa sa kanila!

But Zarena... he's looking at her differently. I've never seen that look before. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, ngayon ko lang nakita ang ganyang tingin na meron si Captain.

Lumingon ako sa gawi nila Axel. Ang mga ungas tahimik lang din na pinapanood ang nangyayari. The only guy who's smiling is Isaac. That fucking Aldereva! And he's grinning at me! Yung ngisi na nang-aasar.

I showed him my middle finger.

Mamaya ko na tanungin iyang Aldereva na iyan. Mukhang may alam sa nangyayari e.

Binalik ko ang tingin ko kay Kapitan na ngayon ay humakbang palapit kay Zarena. I was expecting her to move away but she stayed still. Hindi nakalutas sa paningin ko ang paglunok niya. Dahan-dahang pumorma ang isang ngisi sa labi ko. She's quite tough. Kami nga natatahimik kapag walang kabuhay-buhay ang tingin ni Kapitan. Pero siya, hindi man lang natinag.

Damn.

Tinignan ko si Kapitan. Tangina, kaya pala nung binalak kong kausapin si Zarena kahapon doon sa kainan, pinaupo niya ako. He even said that she's off limits.

Wala akong laban, tangina. Captain obviously likes her.

Ngingiting napiling ako sa naisip ko. Nambabakod si Kapitan. Hindi pa nga nag-uumpisang manligaw. I smirked at the back of my head.

Akala ko titigil na si Kapitan pero humakbang ulit siya. Then he took another step. Then another. Hanggang sa huminto lang siya nang magsalita si Zarena.

Napaawang ang labi ko. Kelan pa sumunod ng utos galing sa isang tao si Kapitan?

Napakamot ulit ako sa batok ko.

"Stay right there" Gusto kong ngumiti sa malamig na tono ng boses niya kaso pinigilan ko. Baka wala sa oras akong mabalian ng buto. Mahirap na! Sa mukha pa naman ang puntirya ni Kapitan.

Akala ko sasagot si Kapitan pero nagkamali ako.


Zarena

Lapit kasi ng lapit! Wala siyang kaide-ideya na tumatambol na ang puso ko sa kaba dahil dumilim ang mga mata niya! Pakiramdam ko may pumupukpok sa ribcage ko na ewan!

Akmang magsasalita pa sana ako dahil hindi siya sumagot kaso hindi ko naituloy nang hawakan niya ang kamay ko. Huli na upang makabawi ako nang maglakad siya. Awtomatikong gumalaw ang mga paa ko. I tried staying still but he just pulled me. Mas malakas siya kaya nahigit ako sa kung saan siya pupunta.

Napunit ata ang kidney ko. My heart is freakin' racing! Napaawang ang labi ko nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin.

T-that's.. - lumunok ako.

"Luke..." Mahinang sabi ko. Sumusunod ako sa mga hakbang niya habang pilit bumabawi sa katinuan. Ayoko namang makaladkad! E sa hawak pa naman niya ang kamay ko kaya sumasabay ako sa mga hakbang niya!

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now