"Bakit may mali ba sa sinabi ko? May pinasa ka na ba sa exams? You're always sleeping and you talk to much. Madalas ka pang late." Napapansin nya ako? Napangisi nalang ako.

"Uyyyy bat mo alam? Siguro crush mo ako!" Pang aasar kosa kanya.

"Mahiya ka nga kung mag kaka crush ako bat sayo pa? Di kita type. Kaya ko lang nasabi yon dahil kilala kana halos ng lahat dahil lagi kang pinapagising ng mga lecturer."

"Woooohhhh kunwari ka pa, wag ka na mahiya carl! Yaan mo di ko ipagkakalat!"

"As if may maniniwala sayo, ang di ko lang maintindihan bat sleeping beauty ang tawag nila sayo wala namang beauty pag tinignan ka." Hinead to foot ako nito. Grabe ang hard rin ng isang to ha.

"Malabo lang siguro ang mata mo! Bat ba ang sungit mo? Pano ka magkaka girlfriend kung ganyan ka?"

"Sino nagsabing wala akong girlfriend?" Tanong nya.

"So meron?" Natahimik ulit ito.

"Wala na." Simpleng sagot nya parang gusto kong batukan nag sarili ko dahil halata sa mukha nya na sensitive subject sa kanya ang natanong ko.

"Sorry" yon nalang ang nasabi ko.

"It's okay, wala ka namang alam at wala kang nagawa para mag sorry sakin."

"Kahit di ko alam parang alam ko narin base on your reaction. And just so you know she's really stupid for letting someone like you go."

"Pano ka nakakasigurado na sya ang may kasalanan at di ako?" Tanong nya. Nagkibit balikat ako.

"Ewan. Feel ko lang tsaka kahit di tayo close parang di naman ikaw ganun klaseng tao. So... Friends?"di na ulit sumagot si carl di ko narin sya kinulit baka magalit pa, hanggang sa dumating si seb kumaway ako sa kanya at patakbong lumapit sa sasakyan nya di na kasi sya lumabas ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto pero bago ako pumasok sa sasakyan narinig ko pag pag sigaw ni carl.

"Angel!" Nilungon ko sya.

"Bakit?" Sigaw ko pabalik.

"Oo na!" Napangiti nalang ako at kumaway sa kanya, kumaway din sya sakin tapos pumasok na ako sa sasakyan.

"What's with the smile for? And who's he?" Tanong agad ni seb pagkaupo ko.

"Wala manlang hi?" Sabi ko.

"Answer me first." Seryosong sabi nito.

"He's carl, classmate and I think new friend. Alam mo bang sya ang forever top1 namin sa class. Sobrang galing!"

"Pinagpapalit mo na ba ako angel?" Nakakunot pa ang noo nya sakin.

"Pinagpapalit agad? Nagtanong ka kaya! Tsaka wala namang tayo."

"Yun na nga e walang tayo. Pwedeng pwede mo akong ipagpalit. Mukhang bilib na bilib ka pa sa kanya, baka makalimutan mo na ako nyan araw-araw pa naman kayo magkasama."

"Ang arte mo... Kung ano-ano nanaman ang naiisip mo. Tsaka ano ka ba! Di naman magkakagusto sakin si carl sabi pa na nya di nya ako type." Pag dedependa ko.

"Yan din ang sinabi ko noon sa sarili ko tungkol sayo." Di ko na gusto ang patutunguhan ng usapan namin kaya.

" Di ko sya magugustuhan in a way na iniisip mo. Dont worry okay?" Hinawakan ko sya sa kamay kaya naman biglang nagbago na ang mood nito.

"Just making sure angel mahirap na. San mo gusto kumain at bat wala si jen?" Nakangiting tanong nito.

"Ah may bibilhin raw sya e kaya nauna na. Ikaw na bahala kung san tayo kakain."

Sa ngayon friends parin kami ni seb sabi ko sa kanya wag na nya muna akong ligawan or kung ano man, sa una ayaw nya pumayag tumahimik lang sya nung nag promise ako na walang ibang manliligaw sakin.

Pauwi na kami after ng dinner. Tinitignan ko sya habang nag ddrive, napansin kong parang maputla ito.

"Okay ka langa ba?" Tanong ko.

"Yeah. Why?"

"You look pale tsaka halos wala kang kinain e."

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Naawa naman ako siguro sobrang pagod sa trabaho kung alam ko lang di na kami kumain sa labas.

"Sana sinabi mo kanina pa di na sana tayo lumabas at nagpahinga ka nalang."

"It's okay angel this is nothing." Hinawakan ko ang noo nya para maka siguarado, medyo mainit nga ito.

"Anong nothing? Tignan mo nga may sakit ka kaya. Ideretso mo na sa bahay mo para makapag pahinga ka. Kaya ko na umuwi mag isa from there."

"Ano ka ba ihahatid nalang muna kita." Pagpupumilit niya.

"Wag ka ngang makulit mas malapit na tayo sa bahay mo. Gusto mo bang magalit pa ako!"

Wala na sya nagawa kaya pumunta na kami sa bahay nya. Lalo pang uminit ito ng hinawakan ko ulit sa noo kumuha ako ng thermometer pala icheck ang ang temp nya. Kinunan ko syang ng pampalit ng damit at iniwan syang nakaupo sa kama. Kumuha ako ng gamot nya, pag balik ko sa kwarto nya nakahiga na ito.

"Seb, ito oh gamot inumin mo muna bago ka matulog." Umupo naman sya at kinuha sakin ang gamot at tubig tapos nahiga ulit. Pumasok ako sa banyo nya para kumuha ng basin na may lamang tubig at mapunas. Nilagay ko yon sa may noo nya.

Nung akala ko nakatulog na sya tatayo na sana ako pero biglang may humawak sa kamay ko.

"Stay, dont leave me." Ewan ko ba bakit parang double meaning ang sinabi nya. Naawa naman ako, ang totoo di naman ako aalis. Kukunin ko lang sana ang phone ko para tawagan si jen.

"Di ako aalis seb tatawagan ko lang si jen para ipaalam na dito muna ako matutulog. Pwede ko ba namang iwanan ang pasyente?"

"Thank you angel." Pumikit na sya ulit.

Pagkatapos kong magpaalam kay jen bumalik na ako sa kwarto ni seb. Tinitignan ko lang sya habang nakaupo ako sa tabi ng kama nya. Napakaamo ng mukha parang ang bait bait lang ng mokong na to pag tulog. Mukang mahimbing narin ang tulog nito hinaplos ko ang mukha nya.

"Im sorry seb...the truth is natatakot na ulit akong ma attach sayo, takot na akong masaktan mo. Kylan ka kaya susuko sakin?" Naluluhang sabi ko.

Minsan iniisip ko parin kung bakit kailangan nya pa akong saktan? Gusto ko nalang syang maging kaibigan at kalimutan ang lahat, pero pag naiisip kong may ibang babaeng mahal si seb nasasaktan ako. Alam ko deep inside di ko makakayanan. Di pa sa ngayon. Mahal na mahal ko parin sya ang lalakeng to kahit masakit.

NOT your Fanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें