Naabutan ako ni Manager na inaayos ang machines. "Salamat naman hija at nakapunta ka" Pinunasan ko muna ang basa kong kamay saka ngumiti.

"Wala pong anuman Mrs. Ingrid"

Pinakilala ko na rin si Savi kay manager. And Mrs. Ingrid likes her. Ang bait naman kasi ni Mrs. Ingrid.

I checked the time. Saktong 9 pm. 10 pm ang curfew sa dorm.

"Ano naman ang pumasok sa kokote mo at naisipan mong pumunta dito sa Maynila?" Tanong ko sa kaibigan ko habang kumakain kami ng ramen dito sa isang simpleng Korean restaurant. 49 pesos isang order ng ramen kapag 6 am hanggang 8 pm. Ngayong alas nuwebe na ng gabi, 89 and bayad per 2 servings ng ramen. Sulit at masarap.

"Wala naman akong balak puntahan ka" Umpisa niya. I raised a brow. Ngumuso siya. "Oo na, na-miss kitang bruha ka! Tsaka wala kasi akong magawa sa bahay kasi nga walang pasok for 3 days sa paaralan kasi maghahanda ang mga professors para sa nalalapit na school festival na magaganap. Kaya ayun, naisipan kong bisitahin ka kasi alam ko namang na-miss mo 'tong kagandahan ko!" Mayabang na sabi niya na siyang ikinatawa ko.


"E ikaw, kamusta na buhay mo dito?" Tanong niya.


Napahinto ako sa pagkain. Since I transferred here, I never though about it. Ngayong iniisip ko kung ano ba ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw, maayos naman. There are no complications at all. I've been working on my studies. I'm trying to stay at low-key to not get attention from other students. So far, it's all good.

Dapat masaya ako. Pero hinde. Kasi kahit anong gawin kong pagpapanggap na maayos lahat, sa katunayan ay kabaliktaran. I'm living in a lie. Nagsisinungaling ako sa lahat ng mga estudyante roon. They think I'm from a rich family, well in fact I'm just the average. Patricia at Catalya, they don't even know my true identity in terms of money. Pero wala naman akong masisisi kundi ang sarili ko. Pinasok ko 'to. Tinanggap ko ang scholarship na binigay sa amin. So I should face this. I just wanted to finish my degree, successfully. Gusto kong makapag-aral sa paaralang alam kong makatutulong sa akin at matuturuan ako ng husto. And I chose Weston University because I know the weight that it will contribute to my excellence. Ayoko rin namang mahirapan ang mga magulang ko sa paggastos ng tuition ko sa St. Thomas. Tumatanda na sila at ang tanging gusto ko lang naman ay matulungan sila kapag nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi lang ang mga magulang ko kundi ang mga pinsan kong iniwan ng mga magulang nila sa amin.

Noong nakalipas na taon, nadisrasya si Tito Dan. Hindi matanggap ni Tita Ica kaya naman naglasing siya ng naglasing. Inubos nito ang lahat ng pera sa pagsusugal. Hanggang sa isang araw, nabalitaan na lang naming nagbigti ito. Ang naiwang dalawang anak nilang sina Lisel at Joco ay kinuha na nila Papa kasi ang mga ibang pinsan namin, halos walang pakialam sa magkapatid.

Mabigat akong napabuntong hininga. "Mahirap" Matapat na sagot ko kay Savi. Tinitigan niya ako hanggang sa malunok niya ang kinakain.

"Peste. Kapag iniisip ko ang buhay mo, pakiramdam ko pati ako nahihirapan!" Ungot niya.

Natawa ako.

Bumalik naman sa pagiging seryoso si Savi. "Bago ako pumunta dito sa Maynila, nakausap ko sina Lisel at Joco. Ang kuwento nila sa akin, lagi raw silang binu-bully sa paaralan kasi wala na silang mga magulang. Akalain mo 'yon? Ang eengot ng ibang mga bata! Parang nilipad sa kung saan ang mga utak! Nawalan na nga ng mga magulang ang kasama nila sa paaralan, kinakantsawan pa nila?! Unbelievable!"

Napabuntong hininga ako. I miss those kids. Hindi ko na rin sila nakakausap. Kapag nakabalik na ako sa dorm, tatawagan ko sila. Siguradong male-late na naman ng tulog si Mama kasi ihahanda nito ang mga ingredients na lulutuin bukas. Mangangamusta ako kung kamusta na ba sila at ang mga bata.

The Bad Boy's Queen (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now