ACT ONE: Her POV / His POV

843 23 42
                                    

           

"ATE NAMAN!"

                                "Kailangan ko din naman ng pera para sa sarili ko kaya 'yan lang 'yung maishi-share ko para kay Mama!"

                                "Aba't--- mangangatwiran ka pa! Oi Andie! Pinetisyon ka namin ng Kuya Steve mo for a residence visa here in Scotland para makapagtrabaho ka dito at matulungan mo ako sa pagpapadala ng pera kay Mama sa Pinas tapos, 'eto lang ang ibibigay mo sa 'kin?"

                                "Pero Ate---"

                                "Walang 'pero-pero'! Ibigay mo sa 'kin ang lahat ng sweldo mo!"

---oOo---

Andie's POV:

                Oo, tama at tumpak! Tama ang dinig niyo sa usapan namin ni Ate Thessa. She and my brother-in- law named Steve filed for a petition for me to live here in Scotland 4 years ago. And thank God the UK Border Agency granted me to stay here for good! Bongga 'di ba? Ang sarap sa pandinig 'pag sinabi mong "Wow, nasa Scotland ka na pala ngayon?" – 'yung feeling na sobrang nakakaangat ka sa mga friends mo na nasa Pinas.

Hindi naman masyadong mayabang ang statement ko, noh? *laughs then grins*

---oOo---

                                "Nakakainis ka naman Andie! After mong magtago sa 'min ni Sam for almost 5 years tapos malalaman kong nasa ibang bansa ka na pala!"

                                "Hindi naman po kasi ako mayabang katulad ni Gwen na ultimo kahit nasa CR ng Starbucks eh, ini-status niya agad sa Facebook. Ayoko lang kasing mabalis ng kahit konting BV ang papers na naka-file for petisyon ni Ate for me to stay in the UK for good. 'Lam mo na, maraming malas na bibig these days."

                                "Gara naman nito. Parang sinabi mo na malas ang bibig ko."

                Natawa na lamang ng malakas si Andie sa naging tugon ng kaibigan.

---oOo---

Andie's :

                Hindi ko alam kung tatawa ba 'ko o maiinis sa bestfriend kong si Maggie when I phoned her 3 months ago. Oo nga, BFF kami alongside with my college mate na si Sam since Uni pero iba pa rin talaga kapag nililihim mo ang mga plano mo sa ibang tao. Ibang tao pa din kasi 'yun at hindi katulad ng family mo...

...na katulad ni Mama na sa lahat ng oras eh, napagsasabihan mo ng lahat-lahat ng sikreto mo lalung-lalo na ng nararamdaman mo.

---oOo---

                                "Alam mo anak, tama lang 'yang naging desisyon mo. Mas mabuting kalimutan mo na 'yang si Kyle dahil wala siyang magandang idudulot sa 'yo, sa kinabukasan mo."

                                "Eh Mama naman kasi..."

                Hindi na mapigilan ni Andie ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin sa kanya ang ginawang panloloko ng kasintahang si Kyle. Hindi niya akalain na magagawa siya nitong ipagpalit sa ibang babae. Lumuluhang naiyuko na lamang niya ang ulo. Hindi naman nalingid 'yon kay Aling Anita kaya't masuyo niyang niyakap ang anak.

                                "Sige anak, iiyak mo ang sakit na nararamdaman mo. Mas mabilis kang makakalimot kapag ibinuhos mo ng isang bagsakan ang luha mo. Nandito lang si Mama para ibsan ang sakit diyan sa puso mo."

To Reach You (Revisions Ongoing)Where stories live. Discover now