Chapter 2

49.2K 1.1K 22
                                    

Kate Torres

"Muah!"

"Muuuaaah!"

"Muuuuuuaaaaaah!'

"Mommy!" Tili ni Mia as I gave her more butterfly kisses all over her face. "Mommy naman ei."

"Anong mommy naman ei? hindi na ba pwedeng maglambing si mommy ha?" Tampong tanong ko sa kanya with our forehead rest with each other.

"Tampo agad si mommy." Nakangiting sabi nya tapos pinisil ang ilong ko ng maliit niyang gamay.

"Si baby kasi parang hindi na miss si mommy." Tampong sabi ko sa kanya tapos hinalikan ang dulo ng ilong niya. Isang linggo kasi akong nawala dahil may kailangan akong puntahan na resort sa Davao. I'm a lifestyle column writer and with that work I usually travel a lot, here in the Philippines and abroad. At dahil dun, hindi ma iwasan na mawalay ako sa baby girl ko.

Mia is the result of my one night stand with the stranger and she looks like her father. Nakuha niya ang tangos ng ilong, ang brown eyes nito, ang high cheek bone at ang full lips. Carbon copy talaga siya ng lalaki. Ang nakuha niya lang ata sa akin ay ang buhok ko at ang pilosopo kong personality. She is now 5 years old and very hyper active na bata but she knows how to behave when you told her so. She is so lovable and I can't get enough of her for the last 5 years.

"I miss you mommy very much!" Bibong sabi nya tapos mahigpit na yumakap sa akin. "Plus alam ko kasing may pasalubong ako from you."

"Aba!" Binuhat ko siya from the couch at hiniga tapos kiniliti. "Pasalubong lang pala ha."

"Mommy.."Tili nya while she struggle from my tickling fingers. "Mommy..tama..na.." Tumatawang sabi nya.

"Ate! Kakain na raw!" Sigaw ng bunsong kapatid kong babae na si Kelly. Tumatawang tinigil ko na ang pakiliti kay Mia as she stretch her arms to me giggling and I scoop her up into my arms.

"Oi, ang dami ng ulam ah." Sabi ko nung pumasok kmi sa dining room tapos sabay lagay kay Mia sa upoan niya. "Anong meron?"

"Kailangan bang may okasyon para madami ang ulam?" Pilosopong tanong ni Papa habang nilalagyan ng kanin ung plato nya.

"Hindi naman." Ngiti ko tapos bumalig sa aking anak. "Baby, what do you want?"

"Uhmmm.." Sabi niya habang tinitignan ang mga ulam sa mesa. 'Whatever mommy wants, Mia wants na din." Bibong sabi niya and I can't help to smile with that.

"So if gusto ni mommy is vegetables, kakain din ba si Mia ng vegetables?" Pilyong tanong ko sa kanya. Uumiling agad sya at napatawa na lang ako. "I thought so."

"Hindi ka din naman kumakain ng gulay ah." Sabat ng kapatid ko. "Si Mr. Sperm Donor kaya Ate kumakain din ng gulay?" Biglang tanong nya.

PAK!

Binatokan siya ni mama. "Anong Mr. Sperrn Donor ang pinangsasabi mo ha?!" Sighal ni mama sa kanya.

"Aray naman Ma!" Sigaw ni Kelly habang hinihimas yong part ng ulo niya na binatokan. "Sakit kaya nun."

"Ano kasi yang pinagsasabi mo Kelly?" Tanong ni papa.

"Narining ko lang naman kina Ate Zia yon pagpinag-uusapan nila yong.."

Tinignan ko sya ng masama. "Sige, taposin mo at hindi lang sapak ang makukuha mo sa akin." Banta ko sa kanya.

"Mommy, ano yung..Mr..Sperm..Donor?" Nauutal tanong ni Mia sa akin.

"Naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko." Binatokan ulit ni Mama si Kelly. "Ang bibig mo talaga Kelly, oo!"

"Nakakadalawa ka na Ma ha?" Balik ni Kelly kay mama.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon