"Hindi ako tumawag para pag-usapan yung lalaking yan."-naiinis kong sagot sa kanya.

"Oh, edi bakit ka nga ba napatawag?"-tanong niya.

"Sunduin mo ko."-mabilis kong sagot.

"Ano?! Pambihira naman Maria, alam mo bang ka date ko ngayon si Sean, bhe si Sean to ultimate crush ko, wag mo naman sirain yung date namin, alam mo namang---"

"SORRY Kristel ha! Kung naistorbo kita Sorry ha kung nasisira ko yung date mo! Pasensya na talaga Kristel! Kung hindi ko lang kailangan ng tulong ninyo, hindi ko naman kayo iistorbohin, anyway tuloy mo na yung naudlot niyong landian ng crush mo!"-sigaw ko sa kanya, hindi ko na talaga napigilan yung nararamdaman ko.  In end ko na yung tawag saka ko ulit nilagay sa bulsa ko.

Kristel Pov

"Ay, galit agad?"-tanong ko sa aking sarili, nang inend call na ni Maria.

Naging masama yata akong kaibigan kay Maria. Lumingon naman ako kay Sean kung saan nakaupo siya ng tahimik, huminga muna ako ng malalim saka ako lumapit sa kanya. 

"Pasensya na, Sean  kailangan ko ng umalis, kailangan ako ng kaibigan ko."-sabi ko sa kanya.

"Bakit may nangyari bang masama sa kaibigan mo?"-nag-aalalang tanong nito.

"Wala naman."-simple kong sagot sa kanya saka siya iniwanan lumabas na ako ng restaurant. 

Hindi naman ako selfish no. Para unahin yung kasiyahan ko syempre mas nanaig pa din sa akin yung mga kaibigan ko, saka nakakasawa na din umasa no kung wala naman pag-asa, ayoko din namang ginagawa lang ako rebound, ang sakit na din.

Nakakailang text at tawag na ako kay Maria but still hindi niya masagot-sagot, grabe naman yung galit niya sa akin porque sinabi ko lang yun, ako na nga itong nagmamagandang loob sa kanya e. 

Naghihintay ako ng jeep nang masasakyan ko ng biglang kumulog ng malakas, kaya napatingala ako sa taas, sobrang itim ng kalangitan kung kanina lang  mainit pa, tapos ngayon, bigla namang may pumatak sa aking mata kaya napa-pikit-pikit pa ako.  Hanggang sa bigla na lang bumuhos yung malakas na ulan, kaya naman ako ito tumatakbo, humahanap ng masisilungan.

Maria Pov

Ang malas ko talaga, naabutan pa ako ng malakas ng ulan, kaya ito sumilong muna ako, madilim pa naman hindi ko namalayan na gabi na pala, yung pinagsisilungan ko wala man lang ka-ilaw-ilaw, at mas lalong walang dumadaang tao o kahit man lang sasakyan, napahawak naman ako sa puson ko putcha meron ata ako isa pa to nakikisabay. Napaiyak na lang ako dahil sa nararamdaman ko hindi lang dahil sa masakit yung puson ko, kundi natatakot din ako, sa kawalang pag-asa na hindi na ako mahahanap ng kung sino man.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now