Oh. Kilig naman yung lalaki na yun for sure. Nice. Sigurado ako nag- damoves na yun.

''Weh?? Ano pang sinabi?'' Tanong ko ulit. Gusto ko malaman kung anong ginawa niya. Gusto kong malaman kung gumawa ba siya ng paraan para mapalapit na kay Drea. Aba dapat lang. Yun ang gusto niya diba?

''Actually, kung iisipin.. Ang layo niya sa Blake na kilala natin kapag nasa school. Hindi ko alam kung nakahithit ng droga yun kasi yung Blake na kausap ko sa gabi.. Masyadong carefree. Madaldal masyado. Palabiro. Masaya siya kasama sa totoo lang.''

Tumango- tango na lang ako kay Drea. Gusto ko nang sabihin na ganon naman talaga yung totoong Blake eh. Yung hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Pero kapag nasa loob siya ng school, masyadong opposite nung mga ugali na sinabi ni Drea yung attitude niya. Hayst.

''And girl!!!! May nakita kaming shooting star. Nag- wish kami. Hahaha.'' Alam ko wish nung lalaki na yun. Na sana.. magustuhan na siya ng babaeng gusto niya. Tss. Predictable masyado diba? Haha.

''Oh ano naman wish mo?'' Tanong ko kay Drea. Kunyari interesado ang dating ko. Haha. Eh alam ko wish nito eh, na sana magtagal pa sila ni Zico tapos sana siya na ang one true love niya. Blah blah blah. Hayst. Weird bestfriend. Hahaha.

''Na sana.. magustuhan si Blake ng babaeng gusto niya. Perfect wish right? Hihi. Nag- open up siya sa akin eh. Kawawa naman pala si Blake. Ang hirap kaya magka- gusto sa taong iba ang gusto. Hay. Sana matupad wish ko kasi mabait naman siyang tao diba?''

Low gets talaga 'tong babae na 'to. Yun ang wish niya? Okay. Tupadin niya sarili niyang wish para kay Blake. Ang gulo. Ewan. Eh ano naman kayang wish ni Blake? Tama kaya yung sabi ko kanina?

''Diba Mars? Hirap diba? Iba yung gusto ng taong gusto mo? Huuuuy! Lalim ng iniisip mo ah.''

Ay nako. Nagulat naman ako dun bigla. Mahirap ba? Oo. Sobra.

''Malay ko. Hindi ko pa naman yan nararanasan. Hahaha. Eh ano wish ni Blake?'' Sabi ko na lang kay Drea.

''Ang wish niya.. Sana daw maging okay na kami ni Zico.'' Napa- facepalm ako sa isip ko eh. Sinayang niya nanaman ang chance. Tsk.

Magsasalita na sana ako pero biglang...

''Good Morning, Ma'am De Leon!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. Okay nandyan na si Ma'am.

Sunod- sunod na pumasok yung mga kaklase kong late.. Nahuli si Zico na pumasok kasabay si Blake.

Nakita kong nagnakaw pa ng tingin si Blake kay Drea. Inlove na inlove. Tss.

Pero ang tanga niya. Binigyan na nga siya ng chance, sinayang niya pa. Ano bang nakain ng lalaki na 'to? Ah alam ko na. Inisip niya nanaman yung kasiyahan ni Drea. Okay. Inisip niya nanaman ang kapakanan ng iba. Talagang pinagmukha niya pang inosente yung lalaking kinamumuhian niya? Gago ba talaga si Blake o sadyang tanga lang dahil nagmamahal din siya?

Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana. Nasa pinakagilid kasi ang pwesto ko dito sa room. Ayoko sa unahan eh. Masyadong nakakaantok. Naisip ko nanaman tuloy yung mga bagay na bumabagabag sa isipin ko.

Hanggang kailan kaya namin iisipin ang kasiyahan ng iba bago yung sa amin? Ramdam na ramdam ko yung pinagdaraanan niya. Siguro kaya niya ginawa yun kasi alam niyang kahit sabihin niya ang totoo kay Drea, hindi pa rin ito sasaya. Kahit ano pa ang sabihin niya, wala pa ring magbabago. Ang hirap kayang baguhin ng feelings ng isang tao. Sa sobrang hirap, hindi mo alam kung susuko ka na ba. Pero kahit alam naming pareho na talo na kami sa laban simula pa lang, eto kami ngayon.. nagbabakasakali na baka kahit minsan, magkaroon din kami ng .000017291% chance na manalo sa isang sugal na obvious na obvious naman na talo na kami. Pero sa kaso ni Blake, may chance pa siya. Mga 10%. Sa kaso ko? Kahit ata .1% wala eh.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon