"Nanganga-amoy ulam ha."-paninimula ko saka siya nilapitan.

"Syempre katatapos ko lang mag-luto."-nakangiting saad niya.

"Oh, ikaw nag-luto? Himala."-sagot ko napatingin naman ako sa hintuturo nito, may band aid ito, nasugatan siguro, for the first time pa naman kasi magluluto e.

"E, para kanino naman yan?"-tanong ko sabay turo sa sinalinan niya kanina.

"Para kay Clyde."-sagot nito sa akin.

"Para kanino?"-tanong ko muli.

"Kay Clyde. Bakit mukhang nagulat ka?"-nagtataka nitong tanong nito sa akin.

"Ah wala, hmm may sasabihin sana ako sayo e."-saad ko dito.

"Ah, mamaya na lang tayo mag-usap ha, sosorpresahin ko kasi si Clyde e, Bye."-pagpapaalam nito sa akin, saka nagmadaling lumabas ng bahay.

Hindi naman na ako nakasagot pa dito, hiling ko lang sana hindi ikaw yung ma-sorpresesa sa pagbabalik ni Mikay, Ugh! Bakit ko ba kasi yun iniisip, may bago ng girlfriend si Clyde, bakit pa kasi bumalik yung Mikay na yun, kahit hindi ko pa siya nakikita, nagagalit na talaga ako sa kanya. Masyado ko din naman kasi sineryoso yung pinag-uusapan ng mga babae kanina e!

Maria Pov

Pagkadating ko sa bahay nila Clyde ay nag-door bell muna ako, ilang minuto din bago niya ito binuksan. Nagulat naman ako sa mukha nito, magulo ang kanyang buhok, but still gwapo pa din siya. 

"Ta-da! "masayang saad ko saka itinaas yung lunch bag. "Nag-promise ako sayo diba na ipapagluto kita."dugtong ko pa.

"Bat hindi ka man lang, nagsabi na pupunta ka dito?"-seryosong saad nito.

"Wala akong number sayo."-sagot ko naman. 

"Tara!"-aya ko sa kanya saka pumasok at dumiretso sa dinning room, "Kumain ka na ba? Tikman mo muna yung niluto ko para sayo oh."

"Anomasarap ba? okay lang ba?"-tanong ko sa kanya.

"uhm."-sagot nito sa akin saka tinaas niya lang ang kanyang kilay.

Parang na-disappoint naman ako sa naging sagot niya, kahit nga lang sa pagkain ngayon, yung tipong wala siyang ganang kumain, pinipilit niya lang.  Pero binalewala ko na lamang iyon, baka ganito lang talaga siya ngayon.

"Masaya akong narinig yan, alam mo for the first time ko lang talaga mag luto niyan, ilang ulit ko yan niluto taga tikim ko sila kuya, nagpaturo na din ako kay Mama, at buti na lang talaga naging successful yan, kasi alam mo---"-hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita si Clyde.

"Maria, may gagawin kasi ako ngayon, hindi muna kita mamasamahan."-seryosong sagot nito sa akin.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now