''Osige. Hindi na kita pipilitin. Alam ko naman na ang tingin niyo sa akin, hindi mapagkakatiwalaan. Hahaha.'' Natatawa kong sabi sa kanya and at the same time.. nasasaktan ako kasi ganon ang tingin nila sa akin.

''Ano ka ba. Hindi ako kasali sa mga taong hindi naniniwala sa'yo. Alam ko naman kasing may rason kung bakit ilap ka sa mga babae at kung bakit, cold ka.'' Nakakahiya kay Drea. Pati siya, ang pagkakakilala sa akin.. cold at mailap sa mga babae. Nyeta. Pero kinilig ako kasi parang sinabi niyang pinagkakatiwalaan niya ako. Lintek. Ang bakla eh. Haha. Pero seryoso, hindi ko mapigil na hindi ngumiti. Haha.

''At ano naman yung rason na 'yun?'' Tanong ko kay Drea. Curious lang ako. Shit. Baka alam niyang nakatago ako sa isang pagkatao na hindi ako at baka alam niya na rin na....  Gusto ko siya? Fvck. Hindi pwede.

''Because.. I think you are.. um.. gay?''

ANOOOOOOOO? All this time.. ganyan tingin niya sa akin? Feeling ko malalaglag ako sa swing eh. Saka yung mga mata ko parang nahulog sa lupa. Wala na bang mas malala dito? Yung mapagkamalan kang bakla ng babaeng gusto mo. Ge.

''Oh my gosh. Hindi ka nagsalita. Silence means yes. But why, Blake? Care to tell me? I'll listen. I won't judge you.''

Anak ng tinapa. Eh kung magpanggap na lang kaya akong bakla para mapalapit sa.kanya? Nice idea. Mwahaha. Joooke. Ayoko ngang bulagin siya. Sawa na ako sa pagpapanggap mga pare. Saka baka kamuhian niya pa ako kapag nalaman niya ang totoo. Walang sikretong hindi nabubunyag ika nga.

Oo. Walang sikretong hindi nabubunyag kaya balang araw malalaman niya rin na gusto mo siya.

Shit. Binalewala ko na lang yung sabi ng isip ko at sinagot ko si Drea..

''Seriously? Sayang ng ka- gwapuhan ko kapag naging bakla ako. Saka maraming babae ang iiyak.'' Sabi ko with matching pogi pose. Hahaha. Wow. Totoo ba 'to? Nakakausap ko si Andrea. Sana huwag na matapos ang araw na 'to.

''Hahahaha. Ang kapal ng mukha mo Blake. Palabiro ka naman pala eh. Osige na gwapo ka na..'' @#%&* Inamin niya ba na gwapo ako. Woooo. Dream come true.

Nagpapasalamat po ako kay Coach dahil nag- one on one meeting kami at nagabihan ako umuwi. Nagpapasalamat din pala ako sa long cut na daan na pinili ko at dinala niya ako dito. Dear tadhana, salamat.

Napatigil ako bigla kasi may kadugtong pa pala yung sinabi niya kanina...

''Pero mas gwapo si Z- zi- zico.'' Ouch naman. Perfect na sana eh. -__- Pero teka, umiiyak nanaman ba 'to. Tsk tsk.

''Uy, Drea. Okay ka lang ba?'' Tanong ko. Shit. May okay na na umiiyak. Ang tanga ko talaga.

''Wala 'to Blake. Huwag mo na lang pansinin. He he. Ano nga pinag- uusapan natin kanina?'' Ayan nanaman siya. Bakit ba ayaw niyang ilabas ang totoo niyang nararamdaman?

Para namang nilalabas mo rin yung sa'yo. Tss.

Bwiset. Epal din eh.

''Sayang ang ganda ng mga mata mo kung lagi lang yan iiyak sa maling tao..''

Hindi ko na natiis. Nilabas ko na yung gusto kong sabihin. Tama naman ako diba?

At ayan na nga mga kaibigan.. Umiyak na siya. Mas mabuti nang umiyak siya kesa naman kimkimin niya yung sakit na nararamdaman niya. Gago talaga yung Zico na yun. Ano nanaman kayang ginawa?

''Blake.. pwede ba maglabas ng sama ng loob sa'yo? Hindi daw kasi makakapunta dito si Marie kasi dinala sa hospital yung lola niya eh.'' Sabi ni Drea sa akin habang tinitingnan ako straight through my eyes.. Kung pwede lang kitang yakapin.. ginawa ko na.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now