"Bakit mo yun gagawin?"-tanong ko sa kanya

Anong specific na dahilan kung bakit niya gagawin yun sa akin. 

"Kasi ano.... Ano kasi.... Kasi..."-saad nito at bakas sa kanyang mukha na naghahanap ng maisasagot.

"Wala palang dahilan e."-sagot ko saka inayos yung mga gamit ko saka tumayo at iniwan siya mag-isa inistorbo niya lang yung pag rereview ko. 

"Sandali Nicole!"-narinig kong tawag niya, hindi ko na lamang pinansin iyon,  at nagpatuloy ng maglakad. 

Palagi nalang siyang ganyan kung may nagagawa man siyang mabuti sa akin o gagawin pa lang ay napapatanong na lang ako kung bakit niya nagagawa iyon sa akin pero wala naman siyang nagiging sagot. 

Kristel Pov

"AishhhAyoko na suko na ako!"-sigaw ko saka ibinagsak yung librong nirereview ko.

Tama si Eduardo bakit nga ba masyado naming sinerseryoso yung exam na yun, e kung madalas naman hindi lumalabas yung nireview ko sa exam e. Oh diba napaka advance ko mag-isip. 

Binuksan ko na lamang yung cellphone ko saka nag facebook at chinat si Sean, friend ko na kasi siya facebook simula noong nag date kami nung Valentine's.  Iniimbitahan ko sana siya na pwede lumabas kami, kaso busy daw siya kaya naman nalungkot ako sa sinagot niya, wala na din naman na ako magawa kaya naman natulog na lamang ako, may ilang araw pa naman ako para makapag review pa e.

Arianne Pov

"Ano Arianne! nakahilata ka nalang ba buong araw diyan haWala ka man lang bang gagawin dito sa bahay?!"-sigaw ng aking nanay.

"NayNag rereview po ako huwag po kayong maingay."-sagot ko

"Pagrereview ba ang tawag diyan, nakahilata ka nga lang!"-sigaw niya

"Shhh.... Quite MotherKailangan kong ma-concentrate, para lahat ng tanong sa Exam namin ay masagot ko ng tama samahan na rin natin ng mali."-sagot ko.

"Aishhh kakaiba ka ding mag-aral ano?! "-sagot ni Nanay saka ako iniwan.  Bumalik naman ako sa aking pag reareview pero hindi ring maiiwasan na dalawin ka ng antok kaya naman napapikit na lang ang aking mata.

Maria Pov

"Puta pano naging negative to?, Tanginang x to, Ang hirap di ko makuhaSaan galing to? , Bakit napunta dito?. Nakakabobo naman nito ayoko na! "-sigaw ko saka nilayo yung math notebook ko, mas pinopokus ko kasi yung computation sa math dahil dun ako tanga-tanga.

"Gusto mo tulungan kita? "

Agad kong nilingon kung sino yung nagsalitang yun, Si Clyde lang pala na kakarating lang hindi ko napansin. 

Umupo siya sa tabi ko saka sinimulan niya na akong turuan hindi naman ako tumingin sa kanyang tinuturo, sa halip ay nakatingin lang ako sa kanyang mukha. 

Napansin yata niyang hindi ako nakikinig sa kanya, kaya namang tumingin ito sa akin, nagulat na lang ako ng pinitik niya ang noo ko.

"Huwag mo akong tignan."-seryosong sagot nito. 

"Bakit bawal  bang tignan yung gwapong mukha ng boyfriend ko?"-nakangiting kong sagot sa kanya, sabay hawak sa kanyang mukha. 

"Anong nakain mo?"-sagot niya

Nawala naman yung ngiti ko dahil sa sinabi niya. 

"Wag na nga, akin na yung ballpen ko."-sagot ko sa kanya saka inayos yung gamit ko. 

"Just kidding wife."-nakangiting saad nito.

Eduardo Pov

Sila nagpapakahirap mag review, ako ito nanonood ng Hollywood movies, ang sarap ng buhay. 

Exam Day

Tahimik at seryoso yung mga kaklase ko ngayon, si Ma'am ito nagmamasid sa amin pinaghiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko buti na nga lang nasa likuran ko lang si Kristel at may pag-asa pa ako dito.  Kaya naman kumuha ako isang pilas ng papel at sumulat kay Kristel at pasekreto kong binigay sa kanya tinanggap niya naman ito, medyo may kahirapan yung exam namin o  sadyang hindi talaga ako nag review kaya hindi ko alam yung mga sagot dito, maya-maya lang din bumalik sa akin yung papel na sinulatan ko kaya kaagad ko itong binuklat.  'Magbasa ka!' basa ko sa kanyang sinagot, kaya naman agad ko itong nilingon nakatingin din naman ito sa akin na walang emosyon na mukha. 

Mabilis naman ako nagsulat sa papel saka ibinato sa kanya. 

Hindi pa nag-iisang minuto ng bumalik sa akin yung papel, kaya naman binuklat ko ulit ito at napangiti ako ng naririto na ang mga sagot niya.  Sino ba namang hindi matatakot sa banta ko sa kanya na aabangan ko siya sa gate. 

"HayNatapos na din yung paghihirap natin!"-masayang saad ni Arianne sabay taas pa ng kanyang kamay, nandito kami sa kalsada naglalakad na pauwi katatapos lang ng exam namin.

"Oh, Kristel bakit nakasimangot ka diyan kanina ka pa ganyan."-puna sa kanya ni Nicole. 

Tumingin muna sa akin si Kristel bago sumagot kay Nicole.

"Kasi naman si Eduardo... Pinilit akong pakopyahin siya. Saka tinakot niya pa ako kung di ako magpakopya aabangan niya daw ako sa gate."-sumbong nito natawa naman ako sa sinabi nito. 

"Masyado mo namang sineryoso, yung sinabi ni Eduardo."-sagot ni Maria.

"Akala ko naman, ginalaw ka ni Eduardo kaya ka ganyan."-sagot naman ni Arianne.

Napalingon naman ako kaagad sa kanila dahil nauuna akong maglakad sa kanila. 

"Seryoso ka ba Arianne?! Ako! Gagalawin ko si Kristel?! Baka nga rapist, ayawan yan e!"-sagot ko sa kanila.

"Share mo lang?"-sagot sa akin ni Kristel.

"Saka pinagmamalaki mo yung mga sagot mo? Ang tanong mga tama ba yun?! "-saad ko.

"Kapal ng mukha moIkaw na nga lang makikikopya, maghahanap ka pa ng tamang sagot!"-sigaw nito sa akin.  Saka ito tumakbo palapit sa akin kaya naman tumakbo na ako. 

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now