Walang saysay ang araw ngayon, hindi naman ako umaasa na makikipag -date o may regalo sa akin si Clyde, dahil boyfriend dibale ako din naman walang plano, siya lang katangi -tanging tao na walang nai -bigay sa akin samantalang yung iba meron naman binigay, Si Kristel at Arianne yung plastic na rose, si  Eduardo explosion box, Si Nicole chocolate, Si Kyle Teddy bear, Si Daisy naman teddy bear din, lahat kaming magkakaibigan nag bigayan sa isa't-isa, isipin ninyo kung gaano kamahal namin yung isa't-isa.

Nicole Pov

"Hello Nicole! "-bati sa akin ni Dwight

"Ano na namanBwibwisiten mo na naman ba ako?! "-sigaw ko sa kanya, habang naghuhugas ako ng plato dito.

"Bwibwisiten grabe, ka -bwiset-bwiset ba yung pagmumukhang to? "-saad niya. 

Akala ko pa naman siya na yung lalaking ipapagpalit ko kay Blake yun pala panibagong gugulo sa aking buhay, walang araw talagang hindi ako nito guguluhin, kung sa labas ng bahay cool lang siya, pero kapag nasa bahay na mukhang isip bata at nang-gugulo pa ng buhay. 

"May ginagawa ka ba ngayon? "-nakangiting tanong nito sa akin. 

"Anong tawag mo dito? "sagot ko sa kanya at ipinakita sa kanya yung binabanlawan kong plato.

"I mean hindi ka naman buong araw mag -huhugas ng plato diba? "-saad niya.

"SoAnong pake mo. "-mataray na saad ko sa kanya. 

"Date sana tayo."-saad nito kaya kaagad ko itong nilingon at seryoso siyang tinignan. "I mean friendly date. "-nakangiting saad nito.

"Bakit Friend ba tayo?"-sagot ko sa kanya.

"Tinuring kita kaibigan tapos ako, hindi."-saad niya. 

"Kasalanan ko, kung tinuring mo kong kaibigan? Hindi naman kita inutusan na kaibiganin mo ko."-mataray na sagot ko sa kanya, matagal bago siya nakasagot. 

"Sungit mo naman, makikipag -date lang naman sayo e, kasi kaibigan kita, gusto lang kita pasayahin. "-saad nito.

Humarap naman ako dito saka siya sinagot.

"May kaibigan ka dibaDun ka makipag -date, saka nabanggit mo kung saan ako sasaya, sasaya lang ako kapag tinigilan mo na ako. "-mataray na sagot ko sa kanya. 

"Bakit ba ayaw mo makipag -date sa akinBakit sa ibang babae isang aya ko lang sa kanila papayag nayung mga iba pa nga sila pa ang nagyaya sa akintapos ikaw ito ako ng namimilit sayo ayaw mo pa."-sabi niya.

"Ibahin mo ko sa ibang babaeng nakakasalamuha mosaka hindi kita inuutusang pilitin mo ko para lang makipag date sayo."-sagot ko sa kanya. 

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon