Agad naming kinuha yung bag namin at lumabas na kami ng room. Si Marie ayun patawa- tawa lang. Parang wala lang sa kanya na napalabas kami ni Ma'am sa room, eh napaka- grade concious neto. Don't get me wrong, may care din naman ako sa grades ko no. Kasali pa nga ako sa Top 10 eh. Kahit hindi halata sa itsura ko. Haha. Baka isipin niyo kasi boyfriend ko lang ang laging inaatupag ko.

''Yolo.'' Sabi ni Marie.

Nahihiya ako guys. Sorry :( Pero to be very honest, hindi ko alam ang yolo eh. Huhuhu.

''Ah... Mars. Anong sabi mo? Yolo? Ano yan? Tagalog ng Ice?'' Hahaha. Nagjoke pa eh. Ew. Baduy. Sorry naaaa.

Binatukan niya ako. As usual. ''Teka lang, Drea. Hanapin ko lang joke mo ha?''.

Seriously? -__- Lakas talaga mambara ng babae na 'to. Haha. Masyadong jolly.

''Aray ko naman. Pero mars, di ko talaga alam meaning ng 'Yolo' na yan. Hehehe.'' Sabi ko sabay kamot sa ulo. Parang may kuto ang peg. Haha. Ew. Wala ako nyan no. Kadiri.

''Yolo. You Only Live Once.'' Aahhhhh. Cool.

Napaisip ako sa Yolo na yan. Yan pala ang meaning. Ohhh. Lagi ko kasi yan naririnig kapag may mga ginagawang kabulastugan mga kaklase ko eh. Ayos naman sana yung thought ng yolo na yan kaso parang ginagamit na nila in a wrong way eh. Kasi in my opinion, kung you only live once dapat ginagawa mo na yung mga bagay na tama kasi binigyan ka lang ng isang buhay para mapatunayan sa Diyos na hindi mo sinayang ang buhay na ipinagkaloob niya. Yung tipong kailangan natin gumawa ng good deeds para masabi nating worth it ang buhay na ibinigay niya. Diba?

Okay. Opinion ko lang naman yun guys. Share ko lang. Like niyo na. Thanks. Haha. Pero seryoso, tama naman yung sinabi ko ah?

''Ahhhhh. Okay. Hala, Mars. Ano na gagawin natin? Saan tayo pupunta? Pinalabas tayo ni Ma'am. Kailangan natin magtago kasi baka kapag may nakakita sa atin dito, akala nag- cutting tayo. We need a hideout.'' Nag- aalala kong sabi kay Marie.

''Alam ko na. Naalala mo yung 'somewhere' na place na tinatanong mo sa akin kanina? Pupunta tayo dun. Tara na! Bilis!'' Makahila naman 'tong si Marie. Excited? Tss.

''Kalma please. Saan ba yan? Malayo ba yan?'' Hindi niya ako pinansin. Hila lang siya ng hila sa akin. Parang may tinataguan ang isang 'to na hindi ko maintindihan eh.

Takbo..

Hila..

Takbo..

Hila..

''Wooooooaaaaaaaaahh. Nasaan tayo? Meron palang ganito dito sa school? Bakit hindi ko 'to alam?'' Sabi ko kay Marie habang pinagmamasdan ang paligid. Ang peaceful naman dito. Makapunta nga dito minsan kapag trip ko lang. Hihi.

''Hinay hinay lang Drea. Hinga ka muna. Saka dami mong tanong hindi ko alam kung paano sagutin eh.'' Napakamot si Marie. Ang kulit ko talaga ata eh. Haha.

Naglakad lakad muna ako. Pinagmasdan ko muna yung paligid. Isa siyang maliit na garden. May mga halaman sa palibot nito tapos ang daming makukulay na bulaklak. Tapos may kapansin- pansin na malaking puno sa gitna at sa ilalim nito, pwede kang maupo. Pumunta ako doon para mapagmasdan ng mabuti ang paligid. Wow. Parang paraiso dito.

''Ang ganda dito diba? Dito yung sinasabi kong 'somewhere' kanina sa'yo. Napaka- peaceful. Feeling ko nasa heaven na ako. Chos hahaha.'' Umupo si Marie sa tabi ko habang sinasabi niya yan. Ngayon ko lang napagmasdan, ang ganda pala talaga ni Marie. Parang tomboy lang. Errr. Haha.

''Oo nga eh. Kung makakaladkad ka nga sa akin, wagas. Excited lang te? Pero, Mars. Paano mo na- discover 'tong lugar na 'to?'' Sorry na. Curious lang. First time ko dito eh.

How Many Heartbreaks?Where stories live. Discover now