Chapter 72

12.8K 185 15
                                    

Chapter 72: Step big to save time

Ngayon ko lang nalaman na yung kompanya ni Papa, na nawala din na parang bula ay under ngayon ng Pimenova. Papa Kris helped Papa Pim to be successful at hinayaan nito na ang kompanya nito ang maging number one, though ang pagkakasabi ay number one pa rin ang kompanya namin which was named Grey Creation and Company. Kumabaga they collaborate or nag sanib pwersa sila ng kompanya ng mga Pimenova. Pinapatakbo o tinutulungan ni Papa Kris si Papa Pim sa pagtakbo ng dalawang kompanya sa iisang pangalan. Pinalabas din nila bago ma-aksidente kuno si Papa Kris na naibenta na niya ang kompanya sa Pimenova dahil nga gusto na nito ng simpleng buhay.

He worked secretly at ang mga trabahador sa kompanya ni Papa Kris ay may alam din dito. Some of them ay nakasalamuha ko na katulad ng babaeng nag greet sa akin noon sa isang event, she greeted me with a "Welcome back" that really shocked the heck out of me.

They know me for pete sake!

And the video, wala talagang alam si Lucas sa nangyayari noon. He's just a cutie patootie who loves capturing and filming anything on his sight. Alam ng mag asawa na may madugong pangyayari kaya pagkaalis na pagkaalis ng mga suspect ay agad na dinala nila si Papa Kris sa Mansion para ipagamot sa doktor ng pamilya.

Kinahapunan ay napansin kong may mga chopper sa himpapawid at pabalik-balik na parang nag mamasid sa Mansion. Nang ipagbigay alam ko kay Lucas iyon ay nalaman kong mga nag babantay iyon. Agad din namang huminto sa pag ikot ang mga chopper. May nakita din akong ilang mga swat sa baba na halos mapalibutan na ang buong Mansion. Normal lang ang bihis ng mga ito na para bang simpleng tao lang pero may malalaking mga baril at hindi maipagkakailang swat nga ang mga ito dahil sa sasakyan nitong kaaalis lang. Ang iba ay nag bihis mag sasaka ang iba namang mga babae ay maid at ang iba naman ay nag mistulang anino na nagtatago sa likod ng nag lalakihang puno sa kagubatang malapit sa Mansion.

Nalaman ko din na kaninang hating gabi ay nakatanggap ng tawag ang pamilya na ngayon na daw balak kunin ako ni Luis at walang sinabing oras.

Kukunin niya ako e hindi niya naman ako pag mamay-ari.

Sa totoo lang, nakakatakot ang pagkakagusto sa akin ni Luis. He's obsessed for pete sake! Sinong gugustuhin 'yon aber?

At sa baba naman, may kinakausap si Papa Kris, Papa Pim at Ate Maricris na pulis. May kung ano-ano ding nilatag na papeles at iba pang mga ebidensya, base sa pag kakarinig ko, ang mga ito ay tungkol sa human traffiking ng Madrigal or ng mag amang Madrigal.

Sinisigurado nila na totoo iyon at nang tanungin kung makapagbibigay ba kami ng address kung saan ginagawa o bini-base ang krimen ay walang nasabi si Ate, bukod din kase sa matagal na iyong nangyari sa kanya ay napakabata pa niya para alamin yung address nang mga panahon na iyon. Bigla naman akong napaigtad nang maalala ang lugar.

Sa ilalim iyon ng Main Hotel ng mga Madrigal. Agad na sinabi ko iyon sa kanila at aniya ay mag se-send sila ng mga tauhan na mag babantay sa naturang lugar para halughugin mamaya mismo kapag nag tungo sila Madrigal dito.

Si Mae, Mama, at Tita Lucy naman ay pansamantalang nag tungo sa Manila. Patago nilang ginawa iyon para hindi na sila madamay. Balak akong isama ni Tita Lucy pero gagawin akong pain mamaya. Natakot ako sa narinig pero kumalma din nang ipaliwanag ni Lucas sa akin ang mangyayare.

All I have to do is to trust them.

Lucas and I are sharing kisses like there's no tommorow. He even planted a small hickey on my neck na ikinadaing ko. Kanina nang pumasok kami dito sa kwarto para mag usap ay nagbigay na din ito ng suggestion para sa magiging pangalan ng anak namin. The names are nice and beautiful hanggang sa napunta nga kami sa ganto.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon