Chapter 45

9K 176 7
                                    

Chapter 45: Bye

Nasa kabilang table ako habang nag uusap at kumakain sila sa kabilang table. They look so happy at mukha silang iisang pamilya. Habang ako ay nakayuko at pinaglalaruan ang daliri ko. Napapansin ko din ang pasimpleng tingin ni Lucas pero hinayaan ko na lang. Hindi pa matanggal sa memorya ko ang ginawa  niyang pag halik at ang pag ngisi ni Aubrey. 

Hindi din ako nag reklamo na mag isa ako dahil nakausap ko si Mae. Nangamusta ito at pinalakas ang loob ko. Aniya ay nanaginip siya na malapit ko na daw makita si Papa and that makes me happy.

My hope rose up. Thanks to Mae.

Madilim na at nag simula ang dinner ng alas sais ng gabi sa halip na alas singko. Habang hinihintay sila Sr. Pim at Mr. Madrigal na ama ni Aubrey ay nag simulang kumain ng appetizer sila Lucas at ang mga kasama nito at ngayon ay ang main dish na. 

Inaya ako ni Aubrey kumain kanina and I refuse. Ako pa tuloy ang nag mukhang masama. Paano ba naman kase? Napakaplastik niya at hindi ko papatulan iyon lalo pa't hindi ko makakalimutan ang mga salitang sinabi niya sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Agad na nag tungo ako sa comfort room at nag tagal doon. Sinubukan kong tawagan si Sean para sana kausapin tungkol kay Papa pero katulad ng laging nangyayari ay hindi ito sumasagot. Araw-araw ko itong tinatawagan pero wala, unavailable.

Isang malalim na hininga ang nagawa ko bago lumabas. Napagdesisyonan kong mag tungo sa garden ng restaurant dahil ayokong makita kung gaano kasaya silang nag uusap roon.

Aaminin ko na nasasaktan ako. May karapatan naman siguro ako dahil may nararamdaman ako. I know I have rights but those are not enough para mag inarte ako na nasasaktan. Ako ang dapat mag adjust at hindi sila.

Umupo ako sa swing at doon malalim na napaisip.

"Anong iniisip mo?" Awtomatikong napalingon ako sa nag salita.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko si Aubrey. Nagpapahatid kase mamaya pag tapos ng dinner nila." Mag kakilala sila?!

Wearing his grin and boyish aura, Sean stood straight in my front. Napatayo naman ako at inis na sinipa ito.

"Bakit hindi ka matawagan?!" I kicked his shoulder. "I've been dying to know where my father is, Sean! Sana naman alam mo!"

"Sorry."

"Sorry?" I let out a sarcastic breathe. "Sorry lang, Sean? You know why I am here."

"I know."

Napapikit ako sa inis at padabog na umupo sa swing. Wala akong lakas para makipag talo dito.

"Sabi mo sa binigay mong folder sa akin ay tatlo ang clips doon sa flashdrive. I scanned it pero isa lang ang nakita ko." Tumingin ako dito. Nakaupo na din ito sa swing na katabi ko.

"Talaga?"

"Sean, I'm not joking."

"You know I don't lie." He shrugged.

Natahimik ako. Kahit kailan ay hindi nag sinungaling sa akin si Sean kaya bakit pinaghihinalaan ko ito?

Nakokonsensyang napakagat naman ako sa sariling labi.

"But I'm serious! Isa lang ang clip na nakita ko and it contains the last footage! Ano ba? Sabihin mo na lang sa akin kung na saan si Papa. I promise not to interact with you anymore! Swear!" Nauubusan ng pasensyang nataasan ko ito ng boses.

He doesn't look surprise at all. Isang nakakalokong ngisi ang ibinigay nito. Sa labis na inis sa nangyayari ay napasapo ako sa mukha.

Naiiyak na napasabunot ako sa sarili bago hinarap ito. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Pinaghalong inis at galit ba o ano pa.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon