Chapter 6

17.2K 350 29
                                    

Chapter 6: Pregnant Wife

Bumalik ako sa opisina ko at doon tumulala. Ilang sandali pa at sinubukan kong gawin ang mga trabaho ko nang bigla na naman mag flash ang ngiti nito sa memorya ko.

Napahawak ako sa ulo ko at sumubsob sa desk.

Mababaliw na yata ako!

Tinignan ko ang oras. Nang pumatak ang 10AM ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi din ako makapag-focus sa trabaho ko kaya yumuko na lang ako at pinaglaruan ang ball pen.

Nag ring ang telcom kaya agad na sinagot ko iyon.

"I'll wait for you at the parking lot." Maikling sabi niya at binaba na ang tawag.

Napakagat naman ako sa labi. Totoo talaga na sabay kami mag la-lunch?! Walang halong biro? As in totoo?!

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbaba ko. Nang na sa parking na ako ay agad ko naman itong nakita. Tumingin ito sa gawi ko kaya naglakad na ako papunta dito.

"Sir, bakit po?" Maang-maangan ko kahit na alam ko naman kung bakit.

Alangan mag papakipot talaga ako! Dalagang pilipina kaya ako! Hehe.

"Hop in." Ang natural na pag kasungit na naman nito ang bumungad sa akin.

Umikot ako sa passenger seat at sumakay dito. His scent filled the whole car. Para naman akong nalalasing dahil sa bango.

"Where do you want to eat?" Tanong nito.

Napalingon ako dito.

Kahit na inaasahan ko na sabay kaming mag la-lunch ay hindi ko naman inaasahan na gano'n siya ka-straight forward!

"P-Po?" Hindi pa rin makapaniwala na sabi ko.

"Sinabi ko sayo na sabay tayo mag la-lunch, right? So, saan mo gusto?" Napalunok naman ako dahil doon.

Napaka-gwapong nilalang naman ng makakasabay kong mag lunch!

"Libre mo ba, Sir?" Biro ko dito at ngumiti.

Tumango ito.

"Yeah, it's my treat."

Gulat naman ako sa narinig. Nakakahiya naman mag palibre dito. Baka mamaya sungitan na naman ako nito.

"Ahh, hehe, k-kahit saan na lang po. Kayo na pong bahala."

He smirk and start the engine. Nag maneho ito habang ako ay hindi mapakali. Gusto kong matulog at the same time ay gumising na lang dahil nakakahiya naman kung matutulog ako kasama ang boss kong masungit.

Nag patugtog ito ng kanta na agad ko namang nalaman. Silent Sanctuary ang pangalan ng banda.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako ng nag papark na ito at aaminin ko na naging komportable ang pagtulog ko kahit na nakaupo lang ako dito.

Bumaba na kami sa kotse at pagbaba na pagbaba pa lang ay namangha na ako sa lugar. Maraming puno at mga halaman dito na dahilan para maging presko sa pakiramdam. Pumasok kami sa isang restaurant. The atmosphere is so relaxing.

Umupo na kami. I asked him kung pwedeng KKB na lang kami dahil hindi ako sanay na nililibre at umoo naman siya.

Nang tignan ko ang menu ay halos gusto kong orderin ang lahat. Their dishes looks delicious lalo na ang mga pasta nila. Napatingin naman ako kay Sir Lucas dahil parang alam na niya ang oorderin niya.

"Sir, anong gusto niyong kainin?" Tanong ko dito at uminom ng tubig.

Nakakahiya naman kasi kapag pang family ang order ko tapos siya pang-isang tao lang!

"Ikaw."

Napa-ubo naman ako dahil doon. The water splashed from my mouth at laking pasalamat ko dahil hindi siya nakatingin sa akin kundi sa menu. Agad na pinunasan ko ng tissue ang bibig ko.

Nag-angat ito ng tingin at kumunot ang noo.

"P-Po? A-Anong ako, Sir?" Tanong ko dito. Hindi ko naman maiwasang hindi mag isip ng kakaiba.

Sheez! Ang utak ko!

"I'm asking you. What do you want to eat?" Paglilinaw nito.

Napatanga-tango naman ako at uminom uli ng tubig.

Confirmed. Ako lang talaga ang madumi ang utak sa aming dalawa.

Dumating ang waiter at tinanong ang order namin and guess what? Marami din siyang order kagaya ko kaya lang mas marami talaga ang akin. Nakangiti naman ako ng sinabi ko ang order ko.

"Are you serious about the amount of the food you ordered?" Tanong niya.

Tumango naman ako dito at ngumiti ng todo.

Dumating ang order namin na siyang halos pumuno sa table namin. Napangiti naman ako at kumain. Habang kumakain ako ng pasta ay may dumating na waitress na may dalang maliit na cake. The cake looks elegant.

"Hi, Ma'am, Sir!" Bati nito. Ibinaba ko muna ang tinidor na gamit ko at ngumiti. Huminto naman sa pagkain si Sir Lucas. "Ngayon po kasi ang 5th anniversary ng aming Restaurant so we decided na each couple who'll eat hear ay may free exclusive cake na gawa mismo namin." Inilapag nito ang cake sa harap namin.

Napatango-tango ako sa sinabi nito. So, anong point niya? 5th anniversary nila tapos may free cake daw ang kada couple na kakain sa restau—wait... So ibig sabibin akala nila couple kami?!

"Gaano na po kayo katagal ni Ma'am, Sir?" Tanong nito kay Sir Lucas. Nanlaki naman ang mata ko.

Oh, no.

"Ahh.. hehe," Epal ko dito. Napatingin naman ang babae sa akin.

"Okay lang po 'yan, Ma'am. You two look professional kaya may magandang future ang anak niyo." May inilabas itong camera. "Ang cute po mag lihi ni Ma'am, Sir, 'no?" Baling nito kay Sir Lucas.

Tinignan ko naman ito at nakatingin lang din ito sa akin na para bang may nakakatawa.

"Tayo po muna tayo para makapag-picture." Inalalayan ako nito na para talagang buntis. Tinignan ko naman si Sir Lucas na tahimik lang at walang balak na ipagtanggol ang kadalagahan ko.

Pinahawak nito ang cake sa amin.

"One... Two...  Three... Say cheese!" She take two shots bago umalis dahil may ibibigay daw sila na copy no'n.

Ayoko naman na kunin ang copy dahil first, inakala na couple kami, pangalawa, inakala niyang buntis ako at naglilihi! Grrr!

Umalis na kami do'n nang matapos na kami kumain. Hawak-hawak ko naman ang picture na kanina ay ayaw ko dapat kunin dahil nga nainsulto ang katakawan ko. Minsan na nga lang maging matakaw napuri pa!

Tahimik ako buong byahe. Nalaman ko din na may kalayuan ang kinainan namin dahil gising ako. Nang nasa parking kami ay agad din akong bumaba at nauna. Akmang papasok ako sa elevator ng tawagin ako nito.

"Ms. Grey," Seryosong tawag nito. Huminto ako at lumingon. "Take care of our baby," Nanlalaki naman ang matang napaawang ang labi ko."I mean, take care of our picture." Anito at naglakad paibang direksyon.

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko dahil do'n.

He's not serious pero hindi din naman siya mukhang nakikipag biruan. Is he kidding me by his words?!

Napapikit naman ako at napasandal sa elevator. Tinignan ko ang kopya ng picture namin kanina ag nanlaki ang mata ko sa nakita.

He's smiling, again!








In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon