Chapter 50

9.5K 153 0
                                    

Chapter 50: He can't

Napayuko naman ako at napatingin sa paa kong may ankle support. Nandito ako ngayon sa isang kwarto na sa pag kakaalam ko ay para sa mga bisita. Nandito din si Lucas. Hindi ko alam kung bakit nandito siya sa kwartong ito kung gayon ay may kwarto naman siyang sarili.

"You have to wear those in three days." Aniya at umupo sa tabi ko.

His scent filled my nose. Napakabango noon at maskulado. Para naman akong na sa isang salamangka dahil doon.

"We have to stay here for three days." Dagdag nito at lumuhod.

Nagbaba naman ako ng tingin para tignan ito. Nakatingin lang din siya sa akin. He grabbed my injured foot and gently caressed it. I'm shock on his next move. He kissed my knees and my injured foot.

"Lucas anong ginagawa mo?"

"It'll heal faster. I just did what my Mama do when I have wounds."

My heart fluttered. Napahinga ako ng malalim dahil doon. Hindi man siya kasing siyahin at palatawa gaya ng sabi ng Mama niya, atleast those are replaced with this Lucas. The soft one.

"Pero may trabaho tayo dito 'di ba?" Tanong ko at umayos ng upo.

"It's okay. Nand'yan si Jed. He can do your job."

"Gano'n ba? Pero nakakahiya."

"Matulog ka na."

"Lucas—" I stop him from what he was about to do by grabbing his arm. Napaupo ito sa tabi ko. I intently look at his eyes.

Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko dito pero hindi ko magawa. Sa huli ay napakagat na lang ako sa sariling labi at yumuko bago umiling.

"W-Wala." Nginitian ko ito bago sumandal sa head board ng kama.

Tinignan ko naman ito. Nakatingin lang din ito sa akin na para bang may gustong sabihin. He looks uneasy yet he smiled. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng isang halik sa noo.

"Good night, Grey."

"Good night."

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag tungo sa banyo. Nang makabalik ako sa higaan ay napatingin ako sa veranda kung saan ang madilim langit ay malapit nang tupukin ng liwanag. Agad na nag tungo ako doon kahit pa paika-ika ang aking lakad.

Pinagmasdan ko ang pasikat na araw at kinuha ang aking telepono para kuhaan ito ng litrato. Umihip ang malamig at sariwang hangin dahilan para mapayakap ako sa sarili.

Inikot naman ng aking paningin ang buong paligid at napangiti. May mataas na puno at mga halamang halatang alaga at ingat. May pastulan ng hayop sa kabilang dako ng halamanan at may bukirin naman sa pinakalikod ng pastulan.

Napatingin naman ako sa bungad ng Mansion at bahagyang napako ang tingin sa kung saan nang makita si Tita Lucy na kausap ang isang lalaki na nakapang magsasaka.

Mula sa pangangatawan nito at tindig ay masasabi kong ito ang hardinerong nakasaksi ng pagkadulas ko na naging resulta ng aking sprain.

Napahinga ako ng malalim at akmang babalewalain iyon ng lumuhod ang hardinero at humawak sa kamay nito. Nanlaki ang mata ko ng agad din siyang patayuin ni Tita Lucy ng may ngiti sa mga labi. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang matanto na naiyak ang lalaki dahil inabutan ito ni Tita Lucy ng panyo na agad din nitong pinunas sa kanyang mga mata.

May damit pa ding nakapalupot sa mukha nito at tanging mata na naman ang nakikita.

Kahapon ng hawakan at tignan nito ang paa ko. Yung mga haplos niya at hawak ay masiyadong komportable at masasabi kong mainit. Katulad ng isang Ama sa anak niya.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon