Chapter 21

12.8K 258 4
                                    

Chapter 21: Goose

Matapos no'n ay nag aya itong umalis na dahil tapos na naman daw ang tungkulin niya dito. Ang magpakita sa mga tao.

Pumayag naman ako dahil wala naman akong choice dahil nasa pad niya ang damit ko at isa pa, alangan naman na mag commute ako ng ganito ang suot? I have no choice.

Nang nasa parking na kami ay hindi maiwasang hindi sumakit ng paa ko kaya napagdesisyunan ko na tanggalin ang sandals na suot ko at bitbitin na lang. Habang nag lalakad kami papunta sa sasakyan nito ay lumingin ito sa akin.

"Why are you barefoot?" Tanong niya at kumunot ang noo.

"Ang sakit na ng paa ko." Pag-amin ko dito at huminto ako bago naupo sa sahig. I am so tired. Napanguso ako. I never imagine myself wearing this high heels.

Hindi ko alam kung naghahallucinate ako o ano but his face soften.

"Sorry." Inalalayan ako nito patayo.

"Para saan, Sir?" Takang tanong ko.

"I am the one who dressed you tonight." Ani Sir Lucas at pinagpagan ang likod ko. "At pwede ba? 'wag kang umupo at mag paa kung saan-saan. The floor is dirty." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. His mood switch up that fast!

Masungit pero sweet!

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Aaminin ko na kinikilig ako at hindi ako nagbibiro.

Agad na sumandal ako sa upuan nang nasa loob na kami ng kotse. My body hurts. Siguro dahil sa heels at sa suot ko na hindi ko naman nakasanayan.

Siya ang nag drive at hindi na ang driver kanina kaya naman nag indian sit ako. Napangiti naman ako ng may maalala.

"Sir, alam ko na kung ilang taon ka!" Masayang tinapik ko ito. Buti na lang at naka red ang traffic lights.

Binalingan lang ako nito.

"But I won't tell you. Hulaan mo." Nginitian ko ito ng nakakaloko.

"What? Huhulaan ko kung ilang taon na ako? Are you okay?" Nawala naman ang ngiti ko dahil sa tanong nito.

Natahimik naman ako dahil do'n. Parang napahiya pa tuloy ako. Nanahimik na lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa pad niya. Nang nasa loob na kami ay agad na umupo ako sa sofa. Napasandal naman ako dahil sa pagod. Nakakapagod pala talagang makipagplastikan.

I yawned at nakaramdam ng antok. Napatingin naman ako dito ng pumasok ito sa kwarto dahilan para mahiga ako sa sofa. Hihiga lang talaga ako dapat ng maramdaman ko ang pagtangay ng antok sa katawan ko.

Nang magising ako ay hindi ko muna tuluyang iminulat ang mata ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at ng masiguradong ayos na ay tyaka ako dumilat. Hindi ko naman alam kung anong irereact ko ng makita ko itong nakaupo sa gilid ng kama.

As usual, I was hugging something, again.

"You slept well, Grey."

Bumangon naman ako at napanguso. It's also my bad habbit na kapag nakaramdam ng antok ay matutulog specially if the bed is this comfortable. I close my eyes at napahikab. Nakita ko naman kung paano ako nito tignan kaya napatingin ako sa sarili ko.

My eyes widen ng makitang body suit na lang ang suot ko at wala na akong make-up. Ngi hindi ko nga maalala na nagpalit ako at nag tanggal ng make-up.

"Ikaw ba ang nag tanggal ng make-up ko?" Tanong ko dito at pinalupot ang kumot sa katawan ko.

He nod.

"Thank you." Nginitian ko ito at kinuha ang damit ko na nasa upuan at akmang pupunta sa banyo ng pigilan ako nito.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaWhere stories live. Discover now