Chapter 65

9.4K 140 5
                                    

Chapter 65: Conclusions' Approved

Nahihiyang pumwesto naman ako sa sofa. Dumating din ang kapatid nito na may pulang buhok. Kabaliktaran ito ni Lucas. May piercing at mukhang maangas din. Napabuntong hininga na lang ako nang padabog na umupo ang kapatid nito sa tabi ko.

Pinanood ko naman na mag usap ang mga ito. Nanatili akong tahimik hanggang sa mag salita ang kapatid nito.

"Ano ka ni Lucas?" Magaspang at maangas ang boses nito dahilan para tumindig ang balahibo ko.

"Uhm..." Inilibot ko naman ang mata sa kwarto. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.

"Kung nobya ka niya, masyado ka naman yatang bata?" Tinaasan ako nito ng kilay. "Kaedadan lang kita sabi ni Mom. And I believe, Lucas is disgust being in a relationship with a baby after Arissa." Ngumisi ito.

"Ganon ba?" Napayuko naman ako at natantong ganon na nga siguro ito mag salita. Magaspang.

Ayoko naman sanang isipin ang sinabi nito kaya lang, medyo masakit iyon. Nanahimik na lang uli ako at lumabas muna ng kwarto. Ilang sandali din akong nag isip nang bumukas ang pinto at lumabas doon si Sr. Pim. Tumingin ito sa akin bago sa dalawang pulis na nag babantay sa pintuan ng kwarto ni Lucas. May ibinulong ito bago umalis.

Hindi ko alam pero kada nakikita ko ang matanda simula nang malaman ko na kasama ito ni Papa bago ang insidente ay may kunting kirot sa puso ko. May blangko at pagkagustong malaman ng katotohanan sa puso ko.

Ilang saglit pa at lumabas na ang kapatid ni Lucas. Marahas pa nitong sinara ang pinto bago sumunod sa daang tinahak ng ama. Napabuntong hininga ako at nginitian ang mga pulis na nag babantay. Mukhang pagod at puyat ang mga ito.

Naisipan ko namang pumasok sa loob. Maingat na kumilos ako at nag timpla ng kape. Nag uusap parin sila Tita Lucy at Lucas. Mahina iyon at hindi ko marinig kaya hindi ko na lang pinilit na pakinggan.

Lumabas ako dala-dala ang kape at ang balot ng tinapay. Binigay ko ito sa kanila at pinaupo muna sila. Nung una, nahiya pa silang tumanggap pero sa huli ay pumayag din.

"Napakaswerte po pala ni Sir Lucas sa inyong asawa niya, Misis." Nahihiyang ngumiti ang isang pulis.

Napahinto naman ako at umiling. "Hindi po kami mag asawa." Tanggi ko pa.

"Huh?" Ani pa ng isa bago sumimsim sa kape. "Pero sabi po ni Madam Lucy ay asawa kayo ni Sir Lucas." Mukhang gulong-gulo ito.

Nginitian ko na lang ito at ilang saglit pa ay pumasok sa loob. Saktong palabas din si Tita Lucy. Mugto ang mata nito at nilagpasan lang ako at lumabas na.

Dumiretso naman ako kay Lucas. Kinamusta ko ito at isang matamis na ngiti at pag tango lang ang sagot nito. Pakiramdam ko naman ay lumipad ang puso ko dahil doon.

Hinaplos ko naman ang maga at pikit na mata nito. "Hindi na gano'n ka maga." Nginitian ko ito at pinaglandas ang palad sa mukha nito. "Wala bang masakit sayo?"

Nakalabing umiling ito. "Saan mo dinala yung tinimpla mong kape kanina?" Parang bata itong yumakap sa bewang ko. Sinagot ko naman iyon ng totoo.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon nang pumasok ang isang pulis. Ani pa niya ay may bisita daw si Lucas na nag ngangalang Aubrey. Parang bumaliktad naman ang sikmura ko sa inis nang marinig ang pangalan nito. Umiling si Lucas at sinabing 'wag itong papasukin. Sumunod naman ang pulis at lumabas.

"My baby's okay?" Tanong nito at hinaplos ang braso ko.

Mapait na ngumiti ako dito. "Oo." Simpleng sagot ko at akmang tatayo para lumipat ng pwesto nang hatakin ako nito pabalik. "Lucas!" Gulat na napasigaw ako. Paano niyang nagagawang manghatak e bugbog sarado na nga siya?!

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaOnde histórias criam vida. Descubra agora