Chapter 37

9.6K 185 1
                                    

Chapter 37: Sean Crux

"S-Sean?" Napakurap naman ako ng makita ito. Nakasuot ito ng uniporme na katulad ng kanila Luis pero may nakalagay na 'Senior' na pin sa dibdib nito.

He just smirk bago tumingin kila Luis at hinila ako palayo. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya agad na binitawan ko ang kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Fine." Tumawa ito. "Akala ko maiisahan na kita e." He started to scan me kaya naman napaiwas ako. "You gained weight." Ngumiwi ito. "And—"

"Sean!" Suway ko dito at sinampal ang braso niya. Agad na kinuha ko naman ang bag ko na nag lalaman ng limangpung libong piso. "Naisend ko na sa bank account mo yung iba." Umiwas ako ng hindi nito tanggapin ang pera.

"You're blooming." Biglang sabi nito kaya naman napatingin ako diretso sa mata nito. "You must be very happy." Ngumisi ito at tumingin sa malayo. "Kain muna tayo?" Aya niya at hindi pa man ako nakakapayag ay hinila na ako nito palayo.

Wala akong nagawa kundi mag patianod. Nag tungo kami sa isang kainan sa loob ng aming paaralan. Iba ito sa canteen kaya naman mas madaming tao rito. Namataan ko din si Luis na may kasamang babae na mukhang head over heels sa kanya. Walang nag react ng malakas na sampalin nito ang babaeng kasama niya. I cupped my mouth.

One reason why I don't like being in one place with that beast is because he is a beast. Literal na halimaw. Mapanakit ito both emotional and physical.

"Libre ko na." Sinamaan ko ito ng tingin. "Joke lang. Alam ko naman na ayaw mo ng nililibre." Mahinang ani pa nito at sabay kaming nag tungo sa counter.

Habang nasa pila ay hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin sa bag na dala nito. That may contains details about my Dad disappearance.

Kunin ko kaya?

Napailing naman ako sa naisip. Alam ko namang kusa nitong ibibigay iyon kapag nakahanap na siya ng tyempo.

Kung tutuosin, Sean is way better than Luis and Lee. He cussed, he smoke, he drink and such pero never itong nanakit ng pisikal. Yes, he is too blunt but Lucas is more blunt to the point na nakakasakit na. Both of their words hurt like a knife but atleast they don't hit.

He seems sexually adict but if he recieve no, he won't insist.

Umupo na kami sa napili naming pwesto at nag simulang kumain. Bigla ko namang naalala si Lee ng may isang malakas na tunog ang dumagundong. I remembered how he slaps me.

Luis pushed the girl and it made her fall from the seat.

Akmang tutulungan ko ito ng hilain ako paupo ni Sean. Umiling siya at binalaan ako.

"Stop flirting with me." Malakas na sabi nito na nag echo sa buong kainan. "The girl who owns my heart is back so I don't need you anymore." His words made the girl cry. Nabigla naman ako ng habang binibigkas ang mga salita na iyon ay itinuro ako nito.

"Just look at your food. 'Wag mong pansinin." Sabi ni Sean at iniwas ako roon.

Ginawa ko naman ang sinabi nito at kumain na lang. Naririndi ako sa sunod-sunod na bulungan ng mga tao na parang bubuyog.

Lahat sila ay halos pinag uusapan ang pagbalik ko and even my old classmates were shock.

E 'di magulat sila. I am not here to be back. Nandito ako para sa mga dapat malaman ko.

Nang matapos kami kumain ay umalis na kami sa school. He owns a car kaya naman nag tungo kami sa tabi ng lawa. Gusto ko itong diretsahin tungkol sa mga detalyeng nalalaman niya pero mukhang ayaw niya naman ibigay iyon ngayon mismo so I shut my mouth up.

Umakbay ito at inasar pa ako tungkol sa height ko.

Kababata ko si Sean at aaminin ko, simula ng umamin ito na may gusto siya sa akin ay iniwasan ko siya. Kapag mag kasama kami at sa tuwing inaakbayan ako nito na nakasanayan niya na ay iniisip ko na may malisya iyon para sa kanya. Ngayon naman na nasa tamang edad na kami ay naisip ko na normal na lang iyon ngayon.

I sigh.

"Sean..."

"Don't worry. Ibibigay ko naman talaga sayo 'yon at hindi ko ibabasura. I just want to be with you." Aniya at nakatingin lang sa malayo. "I have photos of your Father before the exact time of his disappearance. Also, the people he is with." Panimula nito at umupo sa batong upuan na nag mistulang harang sa lawa.

"Pwede ko bang makita?"

"Nope. Tyaka mo na tignan kapag nasa inyo ka na." Tinapik nito ang braso ko. "Pero there is one thing for sure," Pambibitin nito at diretsong tumingin sa akin. Mukhang nag aalinlangan pa itong mag salita.

"Sean, tell me!" Hindi makapaghintay na sigaw ko dito.

"Your Father is alive."

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaWhere stories live. Discover now