Chapter 63

9.4K 172 4
                                    

Chapter 63: It was totally fine until...

Months had past. Naging maayos naman ang lahat ng sa amin ni Lucas. Si Aubrey ay hindi na nanggugulo at gano'n din si Luis. Sa nag daang araw ay tumawag sa akin ang matandang nakausap ko sa huling kinainan nila Papa at ng matalik na kaibigan nito.

Sabi ay magkita kami bukas nang umaga sa kainan niya. Ani din niya ay dapat daw mas maagang maibibigay niya sa akin ang CCTV footage kung hindi lang siya nasagasaan at na-confine. I was worried about her pero nang sabihin niyang maayos na siya ay naging kalmado na ako.

Nakikinig lang ako sa Gurong nakatayo sa harap namin. Binubungangaan nito ang mga kaklase ko dahil sa hindi maagang pagpasa ng modules. Mabuti na lang ay kahit na araw-araw nanggugulo si Lucas sa akin at gabi-gabi sa bahay ay kapag nakakalimutan kong gawin ang mga gawain ko sa school ay siya ang gumagawa. Katulad na lang ng module na tinutukoy nito. Napakakapal no'n at walang sinabi ang libro sa kapal nito. One week lang ang binigay niya para sagutan iyon ng lahat. Paano ba naman kase, lahat daw kami ay ipinasa niya no'ng first sem kaya bumabawi siya sa mya hindi deserving pumasa at pati ang mga matitino nadadamay.

No'ng una, sa pag aakala kong nawala ko iyon ay napaiyak pa ako. Hindi na kasi pwedeng bumili uli pero buti na lang ay kinuha daw ni Lucas. Nakakalat daw kasi sa sahig nang magising siya no'ng natulog siya sa appartment. Siya na ang sumagot ng sandamakmak na tanong na iyon.

Gano'n din ang ginagawa niya. Palagi niyang tinitignan ang gamit ko kapag na sa appartment na kami para tignan kong may gawain pa ako sa school at kapag wala naman, inuubos niya ang oras kakainis sa akin.

Ramdam ko ang pagod niya kaya lalo akong napamahal dito nang makita kong kahit pagod siya, handa siyang maglaan ng oras para sa akin. Sana ay mag tuloy-tuloy ang kaayusan sa aming dalawa.

"Sabihin mo sa akin, bakit... mas lalo kang gumaganda?" Si Fey. "Tapos yung mga mata mo, kumikinang?" Tumaas ang kilay nito.

Tinawanan ko lang ito. Hindi ko kase nasasabi sa kanya ang tungkol kay Lucas. Wala din kasing oras para doon. Masyado kaming busy kada oras at minsan nga, nakakaligtaan ko ng kumain.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko dito nang maramdaman ang pag hilab ng tiyan ko.

"Oo naman. Kanina pa ang break time. Don't tell me gutom ka?"

"Oo." Napanguso ako dito.

"May biscuit ako dito. Ito na lang ang kainin mo, may ginagawa kasi tayo." Turo niya sa mga papel na nakakalat sa table namin.

Tumango lang ako at tinanggap ang biscuit nito. Habang kumakain ay nakaramdam ako nang pagkauhaw kaya naman nag paalam ako para mag banyo. Dumiretso ako sa Canteen at bumili ng tubig. Sandali pa akong kumain nang mapagdesisyunang bumalik na sa klase. Nasa hagdaan na ako nang may marinig na pag uusap na para bang nag tatalo.

Dumungaw naman ako at laking gulat ng makita si Sean doon. Nabigla ako nang suntukin nito ang pader dahilan para mahulog ang bottled water na dala ko. Lumingon ito sa gawi ko at pinatay ang tawag.

Nag aalangan namang ngumiti ako dito. "K-Kamusta? Tagal kitang hindi nagkita hehe."

"Nagkita tayo kahapon at nag usap sa gym."

Napakamot na lang ako sa ulo nang maalala iyon. "Ah oo nga 'no—"

"Hindi ba talaga ako importante sayo at pati 'yon kinalimutan mo agad?" Seryosong aniya.

Parang naguilty naman ako nang hindi na muling masilayan ang pilyong mga ngisi nito.

"Hindi ah." Napayuko ako. "Importante ka naman sa akin. Matagal na tayong mag kaibigan 'no." Ani ko pa at pinaglaruan ang bottled water.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaWhere stories live. Discover now