Chapter 68

9.7K 156 12
                                    

Chapter 68: Choose me this time

It's been a month since I came with him. Sa isang buwan na iyon ay puro sakit ang inabot ko. Emotionally and physically. Bago tuluyang sumama dito ay nag tungo muna ako sa appartment. Nakita ko ang maleta na pinaglagyan ko ng mga gamit na bigay ni Tita Lucy. Binuksan ko iyon at unang-una na nakaagaw ng pansin ko ay ang camera ni Lucas nang siya ay bata.

Tinignan ko ang mga litrato doon at lalong nasaktan. May natatanging video ang nakapaloob sa camera. Pinanood ko iyon. Madilim at umuulan. Madamo din iyon at magulo ang kuha. Ilang segundo ding nakatutok ang camera sa damo hanggang sa may marinig na putok ng baril. Pati ako ay nagulat. Ilang sandali pa nang makita ko kung ano iyon.

Galing sa itaas ang kuha noon at na sa ibaba ang ivini-video nito.

"Is that Daddy?" Tanong ng isang bata at zinoom ang itsura ng lalaking nakatayo. Nanlumo ako nang makitang si Sr. Pim iyon. Parang namanhid ang buong katawan ko sa mga konklusyong unti-unting nabubuo.

"Yes, Lucas baby." Tuluyan akong napaiyak. Si Tita Lucy. Kay Tita Lucy ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng makamali...

"Let's go, Lucas. Baka may makahuli sa atin." Bulong pa nito at sinigaw ang pangalan ng asawa bago natapos ang video.

Hindi ko alam na kanina pa pala ako lunod sa sariling luha. Hindi ako pwedeng mag kamali. Si Papa iyong nakahiga doon at nakadapa. Ngayon libo-libong galit na ang nararamdaman ko. Hindi lang para kay Sr. Pim kung hindi para sa pamilya nito. Masakit man pero para kay Lucas na rin.

How irony it can be?

Sa totoo lang, meron akong mga ebidensyang pwedeng maging sanhi para makulong sila pero may parte sa puso ko na umaayaw. Masyadong naging masakit sa akin ang mga katotoohanan. Mukhang kailangan ko munang mag pahinga bago muling makita ang mga ito.

My body and soul needs to rest first.

Katulad ng sinabi ni Luis, he can take me away from all the pain I am facing. He promised that if I chose him, mag babago ito.

Siguro, it's time for me to give chance to other. Niloko ako ni Lucas at ng pamilya nito. They decieved me. fter I heal myself, sisiguraduhin kong mahahanap ko si Papa at makukulong ang pamilyang Pimenova.

I've never been this harsh but I am tired of being good.

One week after that nalaman kong napakabaho ng pamilyang Madrigal. They owned the most powerful bad people in Luzon. Sindikato. Sinama ako ni Luis sa "underground" daw kung tawagin nila. Doon nag kukuta ang mga masasamang loob. May nakita din akong ilang mga batang babae na nakakulong roon.

They sell their body for a huge amount of money. Nakakasuka sila...

Naiyak pa ako nang makita kung gaano kinamumuhian ng mga bata ang mga kasama ko at pati na rin ako. Hindi ko sila masisisi kung tingin nila ay isa ako sa masasamang loob na ito

Parang ngayon palang ay nagsisisi na ako. Never in my life I imagine being in love with this kind of person. Pag uwi namin ay agad na nakipag usap ako kay Luis. Ani ko ay ayaw ko na na makasama ang maduming tulad niya. At hindi ako mag susumbong sa pulis basta ayoko na itong makasama pero imbis na sagutin ako nito ng salita ay isang malakas na sampal ang natanggap ko dito. Ani pa niya ay hindi siya papayag na makawala ako ulit ako dito dahil alam niyang babalik at babalik ako kay Lucas. Pinagbantaan pa nito ang buhay ni Lucas at inamin na siya ang nagpabugbog dito na dahilan para ma confine pa ito.

Hinila pa nito ang buhok ko at ilang beses akong sinampal. Hindi ito ang unang pagkakataon na saktan niya ako sa unang linggo ko dito. Nakita iyon ngayon ng Ama niya pero imbis na pigilin ang anak ay hinayaan niya lang ito at sinabing puruhan ako para matakot na mag salita kung sakaling makakatakas.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaWhere stories live. Discover now