Chapter 60

9.3K 150 1
                                    

Chapter 60: Dwell

Three days since that happenings. Hindi ko nakita si Sean and you know what scared me the most? Ayon ay ang baka masyado ko siyang nasaktan. Kaibigan ko pa din siya and I don't like seeing him in pain because of me.

"Mauuna na ako." Paalam ni Fey at sumakay na sa jeep na nakahinto sa harap namin. "Umuwi ka na din. H'wag kang masyadong magpagabi."

"Okay." Tinanguan ko naman ito at umupo sa bench na nasa gilid lang. Nang mapagdesisyonan na umuwi na lang ay agad na tumayo ako at nag lakad papunta sa terminal.

Hindi pa man nalalapit sa terminal ay may kotseng huminto na sa harap ko na para bang balak yata akong sagasaan. Kunot noong tumingin ako sa driver nito pero dahil gabi na at tinted iyon ay hindi ko nakita. Lumabas doon ang naka itim na damit na babae at may mataas na puting heels.

Napairap na lang ako nang matanto na si Aubrey iyon.

Long time no see

I was about to greet her nang isang malakas na sampal ang iginawad nito sa akin. Napatingin na lang ako dito dahil doon.

"Para yan sa pag agaw mo kay Lucas!" Akmang sasampalin na naman ako nito nang pigilin ko ito.

"Inaano ka ba?!" Marahas na tinulak ko naman ito dahilan para masubsob ito sa harap ng kotse niya. Hawak-hawak ang pisnging nasampal ay nag lakad ako palayo dito.

Pero mukhang may sa demonyo yata 'tong si Aubrey para hilain ang buhok ko pabalik. Sa tagal naming hindi nag kita may problema pa rin siya sa akin? E wala nga akong ginawang masama sa kanya!

"Saan ka pupunta?!"

"Aray ko! Bitawan mo nga ako!" Malakas na siniko ko naman ang tiyan nito at hinarap ito. "Ano na namang problema mo?!"

"Ikaw!" Galit na sigaw nito at hindi ko alam pero nabigla ako nang mag simulang lumuha ang mga mata nito. "Ikaw ang problema ko!" Hinubad nito ang isang heels niya at binato sa akin.

Tumama iyon sa noo ko at batid ko ang pagkasugat noon. Sa sobrang bilis ay hindi ko na iyon naiwasan.

"Anong ako? Wala akong ginagawa sayo." Mahinang ani ko.

"Wala?! Inagaw mo na lahat sa akin!" Sigaw nito na para bang may pinanghuhugutan.

Wala akong ginagawa dito bakit siya ganyan?!

"Aubrey na sayo na si Lucas..."

"Akin?! Akin ba talaga?!" Umayos ito ng tayo at unti-unting lumapit sa akin. "Paano naging sa akin 'yon kung 'yung puso niya hawak mo?!" Duro pa nito sa akin. "Ibang-iba na ang pakikitungo sa akin ni Lucas simula nang dumating ka, Mauree!"

Mukhang hindi nito alam ang nangyare sa amin ni Lucas. Pati si Aubrey ay inaakalang ako ang dahilan ng pagkakaganon ni Lucas.

"Anong kalandian ba ang meron ka sa katawan at pati si Sean inagaw mo sa akin?!"

"Ano?! Hindi ko inagaw si Sean sayo." Paano ko aagawin si Sean sa kanya e hindi ko nga alam na mag kakilala sila ni Sean?

Lumapit ito sa akin at nag simulang pumatak ang mga luha nito. Galit na galit ito at nanginginig ang labi. Isang malakas na sampal ang muling ginawad nito sa akin dahilan para muntik na akong mapaupo.

"Para sa pang aagaw mo kay Sean." Hinablot nito ang buhok ko at sa labis na gulat at sakit noon ay hindi ko na kinayang manlaban.

Hinarap naman ako nito at nanlilisik ang mga mata nito. Isang sampal na naman ang tumama sa pisngi ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko dahil sa lakas noon. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapaiyak dahil sa sakit no'n.

"Hininto ni Lucas ang nalalapit na kasal namin para sayo!" Ramdam ko ang galit nito sa pagtulak niya sa akin na dahilan ng pagkakasubsob ko. "Tapos sasaktan mo lang siya sa pamamagitan ni Sean?!" Sinipa ako nito kaya lalo akong napaluha. "Lucas is suffering dahil sa kalandian mo!" Hinablot nitong muli ang buhok ko patayo bago ako hinarap. "And now... Sean is in his downfall because of you!"

"Bitawan mo ako."

"At alam mo kung bakit?! He's hurt because of you! At ginamit mo naman si Lucas para saktan siya! Manggagamit kang malandi ka!" She was about to slap me again nang sipain ko ito sa binti.

My emotion is at it's highest. Hindi ko na kayang mag timpi ba dito lalo na sa mga sinasabi niya.

Namilipit namin ito sa sakit kaya agad na hinablot ko ang suot nitong bestida at malakas na sinampal ito sa pisngi.

"Wala kang karapatan na saktan ako, Aubrey!"

"Meron!" Aniya sa gitna ng mga hikbi. "I-I love them both." Mahina iyon pera tama na para marinig ko.

"H-Hindi ka pwedeng mag mahal n-ng dalawa."

"Sino ka ba para sabihin sa akin 'yan?! You hurt two person and that's enough for me to know that you loved no one!"

"Mali ka ng iniisip..."

"Si Sean... nakilala ko siya isang beses nang uminom ako sa bar. We became friends... w-with benefits. At kada inom niya ay paulit-ulit kong naririnig ang pangalang Mauree. Nung una ay hindi ko pinansin dahil alam kong wala akong nararamdaman sa kanya pero nang makilala kita at malaman kong sekretarya ka ni Lucas ay doon ko narealized na gustong-gusto kitang mawala sa buhay ni Sean. Lucas changed instantly while you're around him." She glared at me. "I started to hate you lalo pa't kilala na kita ng personal at hindi lang sa mga kwento ni Sean. Si Lucas... matagal ko nang kilala si Lucas and I know when he started to like someone at nakikita ko yon sa mga kilos at tingin niya sa tuwing nand'yan ka! I'm scared that one day lahat ng sa akin ay mapunta sayo."

"Aubrey... a-akala mo lang 'yon."

"Akala?! I hate you for Sean and Lucas is in love with you at the same time! Narealized kong mahal ko si Sean no'ng panahong tawagan ako nito at sabihing samahan siya kase nasasaktan siya and you know what pained me the most? Yung nalaman kong ikaw ang dahilan! Hindi siya makapasok kasi hindi niya kayang harapin at makita ka! He's trying his best to forget you pero hindi niya pa rin makalimutan yang lintek mong pagkatao!" Sigaw nito sa akin na para bang kasalanan ko ang lahat.

Nanikip naman ang dibdib ko dahil sa mga sinabi nito. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. I hurt two important person in my life para sa sarili kong kaligayahan. My whole worlds sank in the realization.

Oo, kasalanan ko nga talaga yata.

"Si Lucas... He's suffering from the decision he made! My Dad keeps on sending him a problem dahil sa ginawa niya. We're supposed to marry each other, Mauree! Dumating ka lang nagkanda letse-letse na ang lahat!" After that tears esvaped from her eyes. She started to kneel na ikinagulat ko. Hinawakan nito ang kamay ko at doon umiyak. "Mauree please..." She sobs. "Please, Mauree. Leave. Lumayo ka na lang." Tumingin ito sa akin na para bang natatakot ito. "S-Si Papa... Hindi mo kilala si Papa. He's furious because of Lucas. Please, let Lucas live."

"Ano bang ibig mong sabihin, Aubrey?" Naguguluhang dinaluhan ko ito. I hugged her with hesitant and in my shoulders, she cried.

"I-I'm scared that Papa will hurt Lucas. He can kill him."

"A-Ano? H-He can do that?" Humiwalay ako dito at hindi makapaniwala sa narinig.

"Yes! He can!" Mabilis na napatango ito at parang takot ang mga mata. Her lips were trembling as she cried and started to look deeper in my eyes. Those eyes are hesitant but in the end she spoke up. "Si Mr. Madrigal ang nagpadu—"

"Mauree!"

Sabay naman kaming napatingin nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. My heart suddenlly hurts.

"Lucas..." she whispered.

In The Arms Of Possessive Lucas PimenovaWhere stories live. Discover now