Simula

4.4K 85 4
                                    


"I'm sorry dahil mas pinili ko siya kaysa sa'yo."

Naiinis ako napayuko at sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ko. Wala na ba talaga? Wala na ba talaga akong pag-asa sa kanya? Ginawa ko naman ang lahat. Lahat lahat na halos wala na natira sa'kin.

But still is not enough. I love him so much but he doesn't love me. He's inlove with someone else.

Nakita kong lumapit siya sa'kin at hinawakan ang magkabilang balikat ako.

Gusto ko siya itulak pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon.

"Believe me everything will be alright."

Liar. Palagi niya sinasabi sa'kin yan.

He said everything is alright but I'm dying inside. Paano naman ako?

"I love her." he said.

Sige pa. Ipamukha mo pa sa'kin na mas matimbang siya.

" You love her? Mahal ka ba talaga niya? Baka ginagamit ka lang."

Mabilis siya umiling. " No, she loves me and I love her too--"

"But I love you!" sigaw ko.

Lumukot ang mukha niya at kitang-kita ko na malapit na siyang mairita sa'kin.

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at mas binuhos ang sakit. Putcha. Ang sakit sakit na. I want to die now. Kung hindi ka rin naman pala magiging akin patayin mo na ako.

Tutal matagal na akong patay sa mundong ito.

"Please...please... Give me a chance. I will show you how much I love you. Hiwalayan mo na siya.. Please parang awa mo na. Mahal na mahal kita. Paano naman ako? Iiwan mo na lang ako basta-basta?"

Humugot siya ng malalim na hininga.

Napakapit ako ng mahigpit sa kanya ng maramdaman kong pilit niya inaalis ang mga kamay kong nakapulupot sa katawan niya.

"Lillie please stop. Masasaktan ka lang kung ipipilit mo pa. I love so much at hindi ko kayang iwanan siya. Salamat rin sa pinagsamahan natin but maybe we should stop. Sorry talaga.."

Nanlamig ako ng makaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib at pagmamanhid sa buong katawan ko.

Hindi na ako tumingin sa kanya. I don't want to watch him walking away from me.

Paulit ulit ko iniisip kung ano ba ang ginawa kong mali at hindi ako pinipili ng taong mahal ko. Sa bandang huli...ako parin ang tao. Ako parin palagi naiiwan. Hindi ba nila naiisip na nasasaktan rin ako? Nagmamahal?

Paano ako? Paano ako ngayon? I love you but this is your goodbye?

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon