#14: Three Years Ago

Start from the beginning
                                    

“Ayos ka lang ba?!” sigaw nung babae, yung mga kasama naman nila ay nakatulala lang at napatingin pa sa amin. Ganun din yung audience namin, natahimik lang sila.

“Sht pare!” sabi ni Ethan at agad naming nilapitan yung babaeng nabato ko ng bola. “Sa dami ng mababato mo ng bola yung mga incoming freshman pa lang! Gago ka!” dugtong ni Ethan at halos makapalapit na kami sa dalawa.

“Ayos lang ako Gail,” sabi nung babae dun sa babaeng medyo kulot ang buhok na umaalalay sa kanya ngayong tumayo.

“Miss, ayos ka lang?” tanong ni Ethan sa kanya. Ako naman ay napatingin sa babae na umaalalay sa kanya sa pagtayo.

“Huh? Ayos lang ako kuya,” sagot nung babae at napayuko, yung katabi naman niya ay masama yung tingin sa amin. Sa akin pala.  

“Pagpasensyahan niyo na tong kaibigan ko, gago talaga to. Gusto mo dalhin ka namin sa clinic—“

“Abot niyo nga yung bola!” mariing sabi nung Gail dun sa isang kasama niya, hindi na niya pinatapos yung sinasabi ni Ethan. Nung mapansin niya na walang mag-aabot sa kanya nung bola siya na yung kumuha nito at bumalik sa tabi nung Sofia na parang nabigla sa ginawa ng kasama niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, sinisiko na ako ni Ethan pero hindi ako makakilos. I was mesmerized at the girl in front of me. Hindi ko alam kung dahil sa kagandahan niya o sa kanya mismo. Natiklop na ata ako, at dahil sa isang mas bata pa sa akin na babae.

“Sino sa inyong dalawa ang nagbato netong bola na’to sa kaibigan ko ha mga kuya?” mataray niyang tanong sa aming dalawa. At doon lang ako natauhan.

Hindi ba siya natiklop sa amin dalawa ni Ethan? Hindi naman sa pagmamalaki pero gwapo kami pareho at paniguradong makukuha agad namin ang atensyon ng mga babae. Kaya nga ganito karami ang audience namin at mukhang nabihag ng kagwapuhan namin yung mga kasama niya. Pero hetong babaeng to?

“Ako ang nagbato Miss, hindi ko sinasadya—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla niyang ihagis sa akin yung bola.

*Boogsh*

“Tangina!” sigaw ko nung tumama sa mukha ko yung bola! Sht! Ang sakit!

Bigla akong bumagsak paupo sa may semento, nasapo ko na rin yung mukha kong nabato niya ng bola. Tngina ang sakit! Tumama pa sa ilong ko!

Nakarinig pa ako ng mga kung anong bulungan sa mga tao, lumapit naman si Ethan sa akin at tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sa mukha ko. P**a ang sakit!

“Sht pare may dugo! Nagdudugo yung ilong mo!” natataranta niya sabi, at doon ko lang naramdaman yung likidong lumalabas mula sa ilong ko. Inilagay ko yung kamay ko doon at tinignan halos manlaki yung mata ko nung makita ko yung dugo.

Sht! Sht! Sht!

Napatingin ako sa babaeng nagbato sa akin ng bola at nakita kong mas nag-aalala pa siya sa kasama niya kesa sa akin. Masakit ang mukha at ilong ko dahil sa ginawa niya pero hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Fck! Para niyang tinapakan ang dignidad ko neto ah?!

“Gail, si kuya…” sabi nung kasama niya habang turo-turo ako, marami na ring lumapit sa akin pero tngna gusto ko yung babaeng nagbato sa akin nung bola ang lumapit at mag-alala para sa akin. Pero tinignan niya lang ako saglit at inirapan pa ako. Fck! Anong klaseng babae siya?!

“Dapat lang yan sa kanya,” sabi niya dun sa babae “Hindi naman siya gwapo” aniya na naging dahilan para malaglag ang panga ko.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now