#14: Three Years Ago

Start from the beginning
                                    

Gusto ko siyang halikan pero pinigilan ko ang sarili ko. Not now.

“Mahal kita Gail, and I want you to fall for me too. Like what you did to me three years ago” bulong ko sa kanya.

-Flashback-

 

“Congrats, Jared!” rinig kong sigaw ng mga babae na sama-samang nakatayo sa gilid ng court sa open field part ng University. I looked and smiled at them.

“Thanks” I said at halos mabingi kami nung bigla silang nagtilian.

Gragraduate na kasi kami bukas, kaya kahit saan ako magpunta I’m hearing those words, everyone here in the university was congratulating me. And of course I’ll reply ‘thank you’ to them. Kahit ayoko nasanay na ako sa attention na ibinibigay sa akin ng mga tao, lalo na ng mga babae. They even call me a playboy kahit hindi naman. Maraming nagtapat at umasa para sa akin sa Wiesel pero wala akong sinagot, sa ayaw at sa gusto ko masasaktan at masasaktan ko sila. I even asked Sandra to pretend to be my girlfriend para lubayan nila ako pero hindi, kaya in the end tinapos ko rin agad ang fake relationship namin.

“Sht ka talaga pare! Ang daming babaeng naghahabol sa’yo dito wala ka man lang naging girlfriend?!” sabi ni Ethan sa akin sabay bato ng bola sa akin na agad ko namang nasalo at tsaka ihinagis at shinoot sa basket, nagtilian lalo yung mga babae nung nashoot ko yung bola sa basket.

“Ang top student ng Wiesel, walang naging girlfriend for five years!”

“Naging girlfriend ko si Cassandra,” I told him and started to dribble again. Kaming dalawa lang ni Ethan ang naglalaro ng basketball, dahil gusto niya magkaroon man lang daw kami ng one on one bago tuluyang maka-graduate. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang audience na mahahatak namin.

Natigilan naman siya nung marinig niya ang pangalan ni Cassandra pero agad din niya iyong binawi at nakuha niya sa akin yung bola. Hindi niya alam na fake lang ang relationship namin ni Sandra but I know, nararamdaman niya ang pagiging fake nun.

“Hindi niyo sineryoso ang isa’t isa,” mariin niyang sabi sa akin. Napangisi ako. Alam nga ng gagong to. “Hindi niyo mahal ang isa’t isa” sabi niya at akmang ishoshoot yung bola pero hinarangan ko at nabawi ang bola sa kanya.

“Kilala mo ang mahal niya,” sabi ko habang nakangisi at ibinato ang bola na nashoot na naman sa basket.

Nakuha niya ang bola at agad na ibinato sa basket at nashoot. Tumingin siya sa akin ng seryoso.

“Pero ikaw bakit hindi ka man lang nakahanap ng babaeng mamahalin dito?” pag-iiba niya ng usapan. Ibinato niya sa akin ang bola na agad ko naman nasalo. I dribbled the ball and looked at him while smiling meaningfully.

“Dahil hindi ko ata dito matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso ko Ethan,” sabi ko at ibinato sa kanya yung bola pero hindi siya aware doon kaya hindi niya nasalo ang bola. Nagulat na lang ako nung may biglang tinamaan na isang babaeng nakasalamin, she’s wearing a high school uniform at may kasama pa siyang iba pang babaeng nakasuot din ng high school uniform.

“Aray!”

“Sofia!” sigaw nung isang babaeng kasama nila na may mahaba at medyo kulot na buhok at agad na nilapitan yung ‘Sofia’ na nakaupo na ngayon habang hawak yung ulo niya.   

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now