STRIP #48

535 23 1
                                    


*TORN BETWEEN*

Kailangan siya ng ama niya na kahit kailan ay hindi niya pa nakikilala, pero kailangan din siya ni Crayon at hindi niya ito maaring iwan ngayon na muli nitong binabangon ang Brixton.

Pero ayaw na niyang maulit ang nangyari nun, wala siya sa huling hininga ng kanyang ina dahil mas pinili niyang habulin si Crayon sa airport.

Nasa harap siya ngayon ng drawing tablet niya at ginuguhit ang susunod na scenario ng "The Girl With a Scarlet Hair" ang comics na nasa sentro ng buhay niya nitong nakaraang tatlong taon. Gabi na pero hindi siya makatulog kaya mas pinili niyang ituloy ang istorya na hindi niya magawang dugtungan o kaya'y tapusin man lang.

Ang totoo niyan ay masyado na siyang napamahal sa mga character ng comics na likha niya na hindi niya ito magawang pakawalan. Pero alam niyang dadating ang araw na kailangan niya na itong tapusin.

Hindi niya alam kung bakit pero naisipan niyang tawagan si Arisa kahit dis-oras na ng gabi. Ito ang kaagad na pumasok sa isip niya dahil ito ang kasama niyo nung sinimulan niya ang Scarlet Hair, gusto niyang hingin ang payo nito.

"Hello..." nakaramdam siya ng pagaalangan ng marinig ang boses nito na parang kakagaling lang sa pagtulog. "Jia? Bakit napatawag ka? Hindi ka ba makatulog?"

"Ate Arisa..."

Narinig niya ang pagkaluskos ng higaan sa kabilang linyo, mukhang napabangon ito ng marinig siyang tawagin itong ate.

"May problema ba?" biglang sumeryoso ang kaninang inaantok nitong boses.

"Naistorbo ba kita? May itatanong lang sana ako."

"Sure! Fire away! Sanay na'ko ganito din nung nasa isla ka diba dahil sa weird mong sleeping habits."

"Tungkol sa Scarlet Hair," saglit siyang nag-alangan bago muling nagsalita. "Do you think it's necessary to end it in a happy ending? Sa ganoong paraan lang ba masasatisfy ang mga tao?"

"Tungkol ba ito sa final chapter ng Scarlet Hair, balak mo na siyang tapusin for real?"

"I think it's time ate,"

Kailangan ko na siyang tapusin ngayon bago ko problemahin ang personal kong mga suliranin.

"It's up to you though, whether its happy ending or not, you're the creator after all. Don't make an ending based on your reader's preference. Follow what your heart tells you on how things should end. You are Comet after all."

Pagkatapos ay nagbalik siya sa pag-drawing, desididong matapos ang sinimulan niya.

***

"Hmmmm...?"

Nagising si Jia sa sensasyon na may kamay na humahagod sa buhok niya pababa sa kanyang pisngi. Nang imulat niya ang mga mata niya ay mataman siyang tinititigan ni Crayon. Nagmulat siya ng mata at nakipagtitigan dito, kitang kita niya ang matinding takot at pangamba sa mga mata nito.

"I love you," ang unang salita na lumabas sa bibig niya.

Nanlaki ang dati ng malaki nitong mga mata na para bang sinisipat kung guni-guni lang ang narinig mula sa kanya. Kaagad siyang bumangon at binigyan ito ng maikling dampi sa labi bago muling nagwikang, "I Love You."

"You realized this is the first time you said that to me?" sabi nito nang may ngisi sa labi.

Bigla siyang hinapit nito sa beywang para halikan siya pero tinakpan niya ng isang palad ang bibig niya. Hindi pa siya nagmumumog for goodness sake.

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now