STRIP # 19

720 28 2
                                    

*MADAM VIOLET *

"Ate Jia namiss kita!"

Pagpasok niya sa opisina kinabukasan ay si AJ kaagad ang bumati sa kanya. Nakalahad pa ang mga kamay nito na parang handa na siyang yakapin kundi lang siya sinupalpal at hinarang ni Crayon gamit ang palad nito.

"Boss naman!"

"Oh my god Jia namiss kita!" si Arisa ang sunod na lumapit sa kanya pero hindi man lang ito pinigilan ni Crayon.

"Welcome back Ate Jia." sabi naman ni Addy.

"Naku, buti naman at bati na kayo, wag na ulit kayong mag-aaway ha." Sabi naman ni Anastacio aka Gigi. "Alam mo ba Jia, nakakatakot lapitan itong si boss nung wala ka, parang pinagbagsakan ng langit at lupa."

Napailing nalang siya sa sinabi nito, para kasing napaka-imposible at ang hirap paniwalaan lalo na sa tulad ni Crayon na kahit kailan ay hindi nagseryoso sa isang bagay.

Sa sulok ng mata niya ay nakita niya si Bliss na naka-mataray mode nanaman. May kakaiba sa ngisi nito ngayon dahil parang may binabalak itong masama.

'Sisiguraduhin kong wala ka ng mukhang ihaharap sa'min pagkatapos ng araw na'to.' Sa isip isip nito habang nakatingin kay Jia.

"Pano ba yan, kailangan nako sa taas. Kayo na ang bahala dito sa bunny ko ha."

"Ayyiiee!" sabay-sabay na kantiyaw ng lahat dahil sa sinabi ni Crayon.

"Tsk," pilit niyang tinago ang ngiti at umupo sa desk na nakalaan sa kanya.

Dahil on-going na ulit ang Scarlet Hair ay busy ulit sa opisina, masyadong nalibang sa pagguhit ng background si Jia lalo pa't siya mismo ang naglalapat ng tauhan pagdating sa bahay kaya naman hindi niya namalayan na lunch break na pala.

"Ate Jia, tara na maglunch!" tawag sa kanya ni Addy.

Nag-aalangan siyang tumingin dito, hindi siya sanay na maraming kasamang kumain at naiilang kaya nagpanggap nalang ulit siyang may ginagawa.

Hindi pa man nakakalabas ang mga ito ng pintuan ay isang matandang babaeng nakasuot ng kulay ube na damit na parang sa isang british royalty ang pumasok.

"Kakain na ba kayo? Hindi na kailangan, nagpatake out na ako ng pagkain para sa inyo." sabi nito.

"Madam Violet!" sabay sabay na bati ng mga ito.

Kahit nakatalikod siya ay kilalang-kilala na ni Jia ang boses ng bagong dating. Para itong fire alarm na nagdudulot ng takot sa kanya.

"Tamang-tama po ang dating niyo, gutom na talaga kami eh." sabi ni AJ.

Para namang isang maamong tupa si Bliss na kaagad lumingkis dito. "Tita Violet, tamang-tama po ang dating niyo."

"Buweno, nasaan? Nasaan ang babaeng sinasabi mong pinakilalang fiancé ng magaling kong anak?"

Dahan-dahan ay humarap si Jia sa babaeng ni sa panaginip ay hindi niya inakalang makikita pa ulit. Walang iba kundi ang ina ni Crayon at ang babaeng minsan ng nagparamdam sa kanya kung gaano siya kaliit.

"Ikaw nanaman pala, talagang hindi mo titigilan ang anak ko ano?" mataray na sabi nito.

"M-madam Violet," tanging nasabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo bilang pag-galang dito.

"Hindi ako papayag! Ang isang babaeng kagaya mo na walang kahit anong maipagmamalaki sa lipunan ay hindi karapat dapat sa anak ko!"

Gusto niya itong sagutin na wala siyang balak makipagbalikan kay Crayon at gusto lang niya ng katahimikan pero sa di malamang kadahilanan ay para bang bigla na lamang umurong ang dila niya. Wala siyang nagawa kundi yumuko nalang at tanggapin ang lahat ng sinasabi nito.

"Kahit balibaliktarin ko ang mundo ay hindi ko maintindihan kung bakit para kang linta na dikit ng dikit sa anak-"

"Mama? Anong ginagawa mo dito?" sakto namang pagdating ni Crayon.

"Anong ginagawa ko dito? Tsk, buti nalang kamo ay pumunta ako dito, kundi ay hindi ko malalaman ang mga kalokohan mo, kaya naman pala hindi mo sinisipot ang mga pinapa-blind date ko sayo kasi umeksena nanaman itong babaeng 'to!"

"Ma, wag mong pagsalitaan ng ganyan si Jia!"

Samantalang sila Arisa, Addy, AJ at Gigi ay parang mga batong napako sa gilid ng pinto. Gusto na nilang lumabas pero hindi nila alam kung paano magpapaalam.

Napansin naman ni Crayon ang pagiging awkward ng mga kasama nila kaya naman imbes na gumawa pa ng eksena ay hinila niya nalang ang sariling ina palabas.

"Ma, ang mabuti pa sa opisina ko nalang tayo mag-usap, nakakahiya na sa kanila."

Halos kaladkarin na ni Crayon palabas ang nanay niya, hindi niya gustong mas masaktan pa si Jia dahil sa matabil na bibig nito. 

Pagkalabas ng mag-ina ay isang nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa paligid. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita maliban kay Bliss.

"What a drama," sabi nito na may hindi maitagong ngisi sa mukha.

Hindi na nakatiis si Jia at lumabas ng kwarto na yun. She suddenly felt suffocated by the atmosphere at para bang gusto niyang lumayo sa mga tao as much as possible.

Dinala siya ng mga paa niya sa rooftop kung saan walang kahit na sino ang makakakita sa mga luha niya. Parang baha na biglang bumuhos sa kanya ang mga nangyari three years ago na talagang nagpababa ng self-esteem niya.

"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko? Napaka ordinaryo mo naman, hindi ko alam na bumaba na ang taste niya matapos siyang iwanan ni Rohanne."

Yun ang unang beses na nakita niya si Madam Violet Arevallo, sinadya siya nito sa lab niya at pinagsabihan sa harap mismo ng mga kaklase niya.

"I heard you're just a mere scholar? Ano namang pang-aakit ang ginawa mo at pinatulan ka ni Crayon ko? Tell me!" sabi pa nito na parang reyna.

Hindi niya malilimutan ang araw na yun dahil para siyang sinampal ng mga sandaling yun ng masakit na katotohanan. 

Kahit anong gawin niya ay hinding-hindi siya babagay sa mundo ng lalaking matagal na niyang mahal. Dahil sa pagpapakatanga sa pag-ibig ay wala syang sinabing kahit ano kay Crayon tungkol sa nangyari bagkus ay nagbulag-bulagan siya dahil gusto nya itong makita araw-araw kahit na sa loob niya ay ang baba na ng tingin niya sa sarili at palaging natatakot na dumating ang araw na mauntog ito at makakilala ng babaeng mas nararapat sa kanya.

"Oh," natigil ang pag alala niya sa nakaraan dahil sa taong nag-abot sa kanya ng panyo.

"Anastacio," tawag niya sa pangalan nito.

"Tsk, sinabi ko na diba? Gigi nalang ang itawag niyo sa'kin. Masyadong macho yung Anastacio," sabi nito.

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito, nailang naman siya na may nakakakita sa luha niya kaya agad syang tumalikod dito para punasan ang mata.

Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap pagkatapos ng nangyari kanina.

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Introvert Comic Artist ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora