STRIP # 7

851 27 1
                                    


*ATTRACTIVE  IN DIFFERENT WAYS*

"I never knew that formal attire could be this sexy on you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I never knew that formal attire could be this sexy on you." Sabi ni Crayon using his deep voice.

"At hindi ko din alam na may pagka manyak ka na pala ngayon." Inirapan lang siya ni Jia na kalalabas lang sa dressing room suot ang damit na ito mismo ang pumili. 

Naka-upo si Crayon sa couch habang sinisipat si Jia. Pagkatapos ay tumayo ito at lumapit sa kanya ng may kakaibang ngisi sa mga labi.

"Okay na ba 'to? Pwede na ba akong magbihis?" walang ganang tanong ni Jia. Pang-apat na damit na itong pinasukat sa kanya pero mukhang hindi pa nagsasawa si Crayon na gawin siyang Barbie doll.

Napabuntong hininga siya ng mapansing nagtitingin-tingin naman ng kung anu-ano si Crayon sa rack na parang naghahanap ng damit.

"Come on! Andami na nating napili oh!" saway niya dito.

"Can't help it, I want to see if everything looks perfect on you. Bilhin ko nalang kaya itong buong mall?"

"Pwede ba? I'm only wearing these for a fucking one week, no need to go over the top." Inis na sabi niya. Pagbalik niya sa isla ay hindi naman niya kakailanganin ang lahat ng yun. 

Bigla itong humarap sa kanya at mas lalong lumaki yung mas bilugan pang mata. Tiningnan siya nito na para bang hindi nito mawari kung anong klaseng species siya.

"What?"

"Did you just curse?"

"And so?"

Mahiyain, model student at mabait na anak, yun ang pagkakakilala niya sa dalaga three years ago kaya naman hindi siya makapaniwala sa narinig.

"What happened to my sweet and innocent Jiana?" hindi makapaniwalang tanong ni Crayon.

"Well, she's dead." Inirapan siya nito at pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanya at bumalik sa dressing room para magpalit.

Isang ngisi naman ang sumilay sa labi ni Crayon habang pinagmamasdan ang likod ng dating nobya.

"So fucking sexy. Bakit ngayon ko lang nakita yan after three years?"

*** 


First Day ni Jia sa Brixton bilang part ng Scarlet team. Hindi niya kasama si Crayon pumasok dahil maaga itong umalis at pinahatid na lamang siya sa driver papunta sa office.

"Good morning!" pagpasok niya sa loob ng office ng Scarlet team ay ang excited na si Arisa kaagad ang bumati sa kanya.

Parang nanay na pinaikot siya nito habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. Hindi ito makapaniwala na mangyayari ang pagkakataong ito na makikita niya ang mismong creator ng Scarlet hair na tatapak sa opisina nila bilang isa sa kanila. Ang akala niya ay magwawakas ang manga ng hindi man lang nakikita ng lumikha nito ang itsura ng opisina nila kung saan mas pinapaganda ang Scarlet hair. 

Introvert Comic Artist ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon