STRIP # 11

792 25 2
                                    

*MEETING THE GIRL SHE WAS BEFORE*

"Miss Jia?"

"Addy?"

Pareho silang hindi makapaniwala ng makita ang isa't-isa sa harap ng police station. Hindi niya akalain na dadalhin siya ng mga pangyayari sa lugar na ito pagkatapos ng muntikan ng pagkakaholdap sa kanya kanina.

Sa lahat ng tao ay si Addy pa ang nakita niya na parte ng Scarlet team at gusto niya na sanang kalimutan. Magulo ang buhok nito, namamaga ang mga mata at mukhang hindi pa nakakatulog.

"Lelong, ano nanaman po ba ang ginawa ninyo?" tanong nito sa taong nasa likod ng mga rehas malapit sa kinatatayuan nila. Walang iba kundi ang matandang nang-holdap sa kanya kanina.

Parang nawalan ng balanse at napaluhod ang matanda habang nakakapit parin ang magkabilang kamay sa mga rehas ng makita ang bagong dating. Sa totoo lang ay ayaw niya sanang ipakulong ito pero kinailangan itong ipasok sa loob ng mga pulis na nakakita sa kanila.

Kanina pa ito umiiyak sa loob at nagmamakaawa na palabasin dahil may sakit daw ang kanyang asawa.

"Adelaida! Patawarin mo 'ko! Wala na'kong ibang maisip na paraan." Sabi nito na tuloy lang sa pagtangis.

"Lelong naman eh! Sabi ko ako na ang bahala diba?" sabi naman ni Addy na agad dinaluhan ang matanda.

Hinarap siya ni Addy habang nakayuko, alam niyang nahihiya ito sa kanya dahil sa ginawa ng kanyang lolo.

"Miss Jia... pwede ko po ba kayong maka-usap?"

Pagdating sa sulok ng prisinto kung saan walang masyadong tao ay agad itong nagmakaawa sa kanya.

"Patawarin niyo na po ang lelong ko... nadala lang siguro talaga siya. Sinugod sa ospital kaninang madaling araw ang nanang ko at kailangang maoperahan pero hanggang ngayon ay wala pa din kaming sapat na pera kaya niya nagawa yun. Nagmamakaawa po ako sa inyo, ako nalang... baka magkasakit din siya sa loob."

Hindi niya alam pero bigla niyang nakita ang sarili niya dito noon nung nalaman niyang may sakit ang nanay niya at hindi alam kung anong gagawin.

"Yung lola mo, okay lang ba siya?" tanging naitanong niya.

***

Sa isang bar sa Timog ay mag-isang umiinom habang naka-upo sa bar stool si Crayon. Dito siya dumiretso matapos ang naging pagtatalo nila ni Jia kanina.

Naasar siya ng may kamay na sumingit at inagaw ang isang baso ng scotch na iaabot sa kanya ng bartender. Isang lalaki na may maamong mukha ang ngumisi sa tabi niya. Naka-suit ito at masyadong malinis para sa isang lalaki, kapansin-pansin din ang hilig nito sa mga alahas at borloloy sa katawan.

"Baby, uwi ka na hindi na ako galit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Baby, uwi ka na hindi na ako galit." sabi nito sabay pa-cute sa kanya.

"Tigilan mo nga ako Blue "baklang" Matthews!" iritableng sabi niya.

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now