STRIP #30

614 22 0
                                    


*Tug of War*

"Mommy, pupuntahan na ba natin si daddy?" tanong ni Hans sa nanay. Kasalukuyang nasa port sila ng ina papunta sa isla kung nasaan ang Casa Alcona.

"No baby, pupuntahan natin si Tito Cray, ipapasyal niya tayo sa isla." sabi ni Rohanne sa anak.

Mula ng makita nito ang ama nung isang araw ay wala ng ibang ginawa ang bata kundi hanapin ang tatay niya.

"But mommy, I miss my dad."

Malungkot na tiningnan lang niya ang anak. Ang alam lang nito ay nagbabakasyon lang sila dito sa Pilipinas, hindi pa niya nasasabi dito ang totoo. Wala siyang lakas ng loob.

Imbes na sagutin ay inalalayan niya nalang ito pasampa sa bangka na sasakyan nila papuntang isla. Sa isang oras na biyahe ay laking pasasalamat niya dahil nakatulog ang anak at hindi siya masyadong nahirapang sagutin ang walang katapusang mga tanong nito.

Nang makarating sa isla ay nasa dalampasigan na si Crayon para salubungin sila. Tinulungan sila nitong buhatin ang dalang bag at sinamahan sila sa cabin na tutuluyan.

"Ang ganda naman dito Cray, para kang nasa Santorini, Greece. Naalala ko tuloy nung minsang bumisita kami dun." di niya mapigilang kumento ng makapasok sa loob.

"I knew it, magugustuhan mo ang lugar na 'to."

"Yeah, mabuti nalang at dito niyo napiling mag company outing, iba na talaga pag galante ang boss."

"Ganun talaga, pano? Maiwan ko na muna kayo ah. Nasa kabilang cabin lang ang kwarto namin kung may kailangan kayo."

"Thanks Cray,"

"Ok."

Pagbalik ni Crayon sa cabin nila ay natutulog padin si Jia. Dalawang pirasong sleeping pills ba naman ang ininom kagabi? Paanong hindi mana-knockout?

Isasama niya sana ito sa pagsundo para sorpresahin si Rohanne kanina kaya lang ay ayaw naman niyang abalahin ang pagpapahinga nito.

Gusto niya itong pigilan sa pag-inom ng gamot na yun dahil nabasa niya na may hindi ito magandang epekto sa katawan kaya lang ay nasabi sa kanya ni Arisa noon na hindi ito makakatulog ng wala yun.

Sumampa siyang muli sa kama at tinukod ang isang siko habang nakaharap sa dalaga. Gamit ang isa pang kamay ay hinimas-himas niya ang mala anghel nitong mukha habang mahimbing na natutulog.

Naramdaman niya ang pag vibrate ng cellphone sa bulsa at agad itong kinuha. Tumaas ang isang kilay niya ng makita kung sino ang tumatawag. Nakaregister ang number sa ilalim ng pangalang "mon coeur".

Tiningnan niya muna si Jia bago tumayo sa kama at lumabas sa kwarto nito bago sinagot ang tawag. Ayaw niyang magising ang dalaga na mahimbing paring natutulog.

"Sino ka? At bakit nasayo ang cellphone ng asawa ko?" matalim ang boses na bungad niya sa kabilang linya.

"Asawa? So tama pala ang tinawagan ko," nahimasmasan siya ng boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya. "Napulot ko ang cellphone na 'to sa gilid ng beach, pwede bang pakisabi sa may-ari na kunin niya sakin?"

Naalala niyang nabanggit sa kanya ni Jia kahapon na naiwala nito ang sariling cellphone. Tsk, buti nalang at mabait ang nakapulot. 

"Ako na ang kukuha, sabihin mo kung nasa'n ka."

***

Pagdating sa dalampasigan ay nakita niya ang isang babae na nakasuot ng sailor uniform. Mukhang staff dito sa resort ang babaeng nakakuha ng cellphone pero naiiba ang suot nitong uniporme kesa sa mga bumati sa kanila pagdating nila dito sa resort nung nakaraang araw.

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now