STRIP # 4

1.1K 31 6
                                    

*KIDNAPPED*

"I'm sorry, hindi ko gustong gawin 'to."

Nakatingin lang si Crayon sa katabi niyang si Jia na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi niya. 

Nasa loob sila ng helicopter na diretsong maghahatid sa kanila sa Maynila. Masyado siyang busy kaya naman wala siyang oras para bumyahe sa lupa, ito din ang sinakyan niya papunta sa lugar nito kanina.

Naka-plano na ang lahat bago pa siya kumatok sa bahay ni Jia kaninang umaga. Disperado siyang kunin ito at lahat ng paraan ay gagawin niya kahit pa labag sa kagustuhan ng ex-girlfriend.

Hindi niya hahayaang bumagsak ang Brixton na pinaghirapang palaguin ang tatay niya lalong lalo na ngayon na siya na ang may hawak nito. 

Napadaan sa gilid ng bangin ang helicopter na sinasakyan nila kaya bigla itong kumambiyo at muntik ng mauntog ang ulo ni Jia sa bintana. Buti nalang at naging maagap siya  at nahawakan ang ulo nito. 

"Ano ba! Konting ingat naman diyan!" sigaw niya sa dalawang piloto.

Tumango lamang ang mga ito na parang humihingi ng pasensiya. Inakbayan niya ito at sinandal ang ulo sa malapad niyang balikat upang hindi na maulit ang nangyari. Ang pinakahuling ayaw niyang mangyari ay mabagok ang ulo nito at makalimutang iguhit ang manga na tanging pag-asa ng kumpanya niya ngayon. 

***


Nagising si Jia sa isang kwartong hindi pamilyar sa kanya. Kulay puti ang  pader at lahat ng kagamitan sa kwarto. Nung una ay inisip niyang nananaginip lang siya pero kinutuban ng masama ng mapansin ang drawing tablet na ginagamit niya sa ibabaw ng isang study table at ang maleta niya sa gilid nito. 

Simula ng simulan niya ang Scarlet hair at tumira siya sa isla ay nagulo na ang sleeping cycle niya. Dahil dito ay nagsimula siyang uminom ng sleeping pills para lamang makatulog sa tuwing inaatake siya ng insomnia. Pero bilang side effect ay nakakaranas siya ng konting hallucinations. Iniisip niya kung isa ito sa mga yun. 

Halos kalahating oras na siyang nakatitig sa sarili sa salamin ng mapagtantong kahit gaano katagal siyang tumitig dito ay hindi nagbabago ang paligid niya. Panaginip ba talaga 'to? 

Nagmamadaling tumayo siya at nagtungo sa pintuan. Paglabas ay bumungad sa kanya ang isang magarbong hagdanan pababa.

Wala siyang suot na kahit anong sapin sa paa kaya ramdam niya ang lamig ng sahig na gawa sa marmol habang bumababa sa hagdan. Namangha siya sa kanyang pagtingala at nakita ang pabilog na salamin sa kisame kung saan kitang kita ang mga bituin sa langit. Ang ibig-sabihin ay gabi na. 

"Nagustuhan mo ba?"

Parang may kung anong hunahalukay sa tiyan niya ng marinig ang pamilyar na malalim na boses. Ang lalaking nagpahirap sa kanya ng halos tatlong taon. 

Hindi nga siya nagkamali, sa ibaba ng hagdan ay nakita niya si Crayon na nakasandal sa pader na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. Nang magtama ang mga mata nila ay parang nagtaasan ang lahat ng balahibo niya. 

"Anong ibig sabihin nito? Nasa'n ako?" tanong niya ng tuluyan ng makababa ng hagdan. 

"Nandito ka sa bahay ko and obviously you're here as MY hostage." sabi lang nito at saka unti-unting lumapit sa kanya.

"You wish! Ano ba kasing gusto mong mangyari ha?"

"Simple lang, gagawin mo ang susunod na chapter ng Scarlett Hair at hindi ang final chapter." sabi ni Crayon ng makalapit ito at magpantay ang mga mata nila.

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now