STRIP #15

787 23 1
                                    



*CONTRACT TO HELL*

"Be mine again." sabi ni Crayon matapos ang ilang minutong halikan nila.

Doon palang nahimasmasan si Jia. Hindi siya makapaniwalang pinayagan niya itong halikan siya ulit. It's not just a simple peck in the lips since they almost make out and they could have gone far kung hindi ito tumigil.

Hindi napansin ni Jia ang luha na dumaloy sa pisngi niya. Agad naman itong pinunasan ni Crayon na seryosong-seryoso parin na nakatitig diretso sa mga mata niya.

"Don't cry because of me again, MY Jian." sabi nito.

Nakahanap siya ng lakas para itulak ito sabay tingin ng masama. Wala siyang naiintindihan sa mga pinag-gagagawa nito. Ayaw niyang isipin ang imposible at baka sa huli ay umuwi nananaman siyang umaasa at luhaan.

"Ano ba Crayon! Tantanan mo na nga ako! Maghanap ka nalang ng ibang babae na mapapaikot mo. Wag ako dahil natuto na'ko! Gusto na kitang kalimutan at ang bahagi ng nakaraan ko na kasama ka." sabi niya.

"Hindi ako papayag! Gagawin ko lahat para hindi mangyari yun. I won't let you go, wala akong paki-alam kahit hindi totoo, basta mahalin mo lang ako ulit. I just can't stand being away from you."

"So anong gagawin natin ngayon?"

Alam niyang ginagawa lang nito ang lahat para siguraduhin na hindi siya mawawala sa Brixton. Hindi na siya nagtaka dahil mula pa noon ay hilig na nitong paglaruan ang damdamin niya makuha lang ang gusto. 

"Let's have a deal, ipupusta ko ang lahat ng meron ako."

Napakunot ang noo nya ng ilapag nito sa harap niya ang isang clear folder. Dinampot niya ito at binasa ang laman.

"Baliw ka ba? Pinanotaryo mo pa talaga ha." sabi ni Jia.

"Natuto na'ko since hindi ka pala marunong tumupad sa usapan, this time ay pwede na kitang ipakulong sakali mang tumakas ka ulit." sabi ni Crayon na ang tinutukoy ay ang nauna nilang one week deal na tinakasan niya.

"Para saan pa, na-achieve mo naman na ang goal ng kasunduan diba? Hindi ko tinapos ang Scarlet hair (for now).  Ano pa bang gusto mo?"

"I will make you fall in love with me again sa loob ng isang linggo, pag hindi ko magawa ay ibibigay ko sa'yo ang lahat ng pagmamay-ari ko."

"Tsk, hindi ka pa rin nagbabago, laro parin ang tingin mo sa damdamin ng tao." sabi ni Jia na nakatingin sa dokumento. Bakas sa mukha nito ang matinding disappointment.

"At bakit naman sa tingin mo ako papayag sa kasunduan na 'to? Mukhang pera ba talaga ang tingin mo sa'kin?"

"Hindi ka maniniwala sakin kung manggagaling lang sa bibig ko kaya naman ipaparamdam ko nalang. Wala namang mawawala sa'yo."

'Kung alam mo lang, mas malaking bagay ang mawawala sakin... ang puso ko.' Sa isip ni Jia habang nakatingin ng diretso dito.

"No thanks, hindi ako interesado." tumayo na si Jia kinuha ang gamit. Hinanap nya kung saan na napunta yung bracelet niya pero laking disappointment nya ng ilabas ito ni Crayon.

"Don't tell me gagamitin mo yan para i-black mail ako? Alam mong masamang kumuha ng bagay na hindi sayo diba?"

Ngumisi lang si Crayon at binulsa ang bracelet sabay sabing, "Nope, hindi ko alam. Wala ata yun sa bukabularyo ko."

"Kahit hindi akin, basta gusto ko ay sisiguraduhin kong magiging akin." dagdag pa nito na nakatingin ng diretso sa kanya.

"Nasisiraan ka na ng bait."

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now