STRIP # 14

760 25 5
                                    

*LOSE HER AGAIN?*

Nang mahimasmasan ay nakatanggap si Jia ng text mula kay Crayon. 'Ihahatid ko lang sila Rohanne sa hotel. Wait for me, may mahalaga tayong dapat pag-usapan. Please stay. '

Bigla siyang nagkalakas ng loob para tumayo at umalis sa lugar na yun. Hindi na niya aantayin pang makabalik ito. Kailangan niya ng makalayo sa lugar na ito, to save herself from further heartache.

"What is wrong with you Jia!" saway niya sa sarili na pinipigilan ang pag-iyak habang pinipirmahan ang kontrata na naiwan sa sala. Ang balak niya ay pirmahan na ito para wala ng kahit anong dahilan para magkita pa sila ulit.

Pagkatapos gawin ang dapat gawin ay kaagad siyang pumara ng taxi pabalik sa bahay nila Addy. Balak niyang tuluyan ng putulin ang kahit anong komunikasyon sa lalaki... for real.

Magpapatulong siya kay Arisa na magpa-book ng flight papuntang ibang bansa. Tutal ay pwede naman niyang gawin ang remaining chapters ng Scarlet hair kahit nasaan siya.

***

"SHIT!" yun nalang ang nasabi ni Crayon ng makita na wala na ang dalaga pag-uwi nito ng bahay.

Napasalampak siya sa sahig pagkatapos halughugin ang buong lugar at wala ni anino ni Jia ang nakita. Kinuha niya ang cellphone at kaagad itong tinawagan.

"Please Jia, answer the damn phone!" sigaw niya habang di mapakali.

Noong una ay nagriring pa ito pero ng mga sumunod na tawag niya ay pinatayan na siya nito. Napasabunot nalang siya sa sarili at hindi alam ang gagawin ng makita ang kontrata na napirmahan na nito kasama ang note na, let's not meet each other again... for real.

Kakaibang takot ang naramdaman niya, it's either magsisimula nanaman siya sa wala sa paghahanap dito o hindi niya na talaga ito makikita.

Isang pag-asa ang sumilay sa labi niya ng madako ang tingin niya sa isang maliit na bagay na nasa ilalim ng sofa. Parang isang iglap ay dininig ng langit ang dasal niya.

"Ang lakas ko talaga sa taas." Bulong niya sa sarili habang hawak-hawak ang isang silver na bracelet na may crescent moon na desenyo. "You're all mine Jian."

Hindi siya maaring magkamali, mahalaga ang bagay na ito kay Jia, kahit anong mangyari ay babalikan ito ni Jia dahil ito ang huling regalo dito ng nanay niya bago naratay sa ospital.

***

12:03 Past Midnight. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng bahay ni Crayon. Nagtaka si Jia ng mapansing hindi naka-lock ang pinto nito, hindi man lang natakot na may makapasok na magnanakaw. Nagdadalawang isip man ay hindi niya nalang yun pinansin dahil may mas mahalagang bagay pa siyang kailangang bawiin. Ang bracelet na huling regalo sa kanya ng mama niya.

Graduation gift dapat ito ng kanyang mama niya kaya lang ay ng magsimulang lumala ang kalagayan nito at maratay sa ospital ay binigay nalang nito ng maaga ang regalo kahit hindi pa siya gumagraduate. Ito ang simbolo ng pagiging proud sa kanya ng sariling ina at tanging ala-ala na iniwan nito kaya naman mahalaga na mabawi niya ang bracelet na yun.

Dala-dala ang isang maliit na flashlight ay sinimulan niyang maghanap sa madilim na sala at binalikan ang bawat hakbang na dinaanan niya bago siya umalis kanina. Nang walang nakita ay minabuti niyang bumalik sa kwarto na tanging lugar na pinuntahan niya maliban sa sala ng dumating siya kanina.

Maingat na umakyat siya ng hagdan para hindi makalikha ng anumang ingay. Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya tiwala siyang tulog na si Crayon sa kwarto nito.

Introvert Comic Artist ✔️Where stories live. Discover now