IX - Subtle Way of Saying Stupid

Start from the beginning
                                    

Inirapan naman nya ko pabalik, "Duh? I know! I meant, allergic ka kasi sa volleyball kaya nagtataka lang."

"Hmmm... Parang hindi na ata. I don't feel anything negative right now. If anything, entertaining naman kayo." Sagot ko na may kasamang ngiti.

Ngumiti din ang best friend ko at akmang may sasabihin pa...

"Trish! Di pa tapos ang training, please wag ka mag pa distract sa ibang tao!" Yup! Si Jema yung epal. Kindatan ko nga.

Lalo namang kumunot ang noo nito at inirapan ako.

"Sorry, VC!" Sagot ni Trish. "Pano best, balik na ko. Nagagalit na si VC."

Ahhhhh... So Vice Captain pala yung Jema dito. Interesting...
---

Jema's PoV

We're done with our training for today. Andito ako ngayon sa shower. Pag naalala ko kung paano pinalabas nung Wong na yun na mahina kami ni Mike, kumukulo ang dugo ko. Di naman sa pagmamayabang pero matataas naman ang grades ko. Ang yabang ng rookie na yun! Hay!!! Hindi ako sobrang talino pero masigpag naman ako mag aral.  Strict kasi ang university sa grades, ayoko namang mawalan ng scholarship kasi hindi namin afford at lalong ayoko ma kick out sa top university na to.

Pagtapos ko mag shower ay nagbihis na ako at lumabas ng cubicle. Nagulat naman ako dahil nagkasalubong na naman kami ni Wong. Malamang magbibihis to for her training.

Napansin ko naman na sobrang dikit namin sa isa't isa. Halos wala ng space sa pagitan namin. I also realized na mas matangkad sya sakin with a good two inches siguro. Wait, naiinis nga pala ko dito!!!

"Excuse me!" Iritang sabi nito at nagkatinginan kami ng eye to eye.

"Excuse me ka din!" Sagot ko.

I stepped to my right and she did to her left, so magkatapat na naman kami. Walang kumukurap.

"Ugh!" I groaned.

I stepped to my left and she did too, to her right na naman. So magkatapat na naman kami. Her eyes never leaving mine. Walang kumikibo, walang nag baback down.

"Ehem! Ang sweet!" Sabay baman kaming napalingon ni Wong sa nagsalita. Si Captain.

Kaming tatlo na lang pala ang natira sa girl's locker room.

"What?!" Sabay naming sambit ng rookie.

"You're kidding right?" Sabay na nama kami.

"Not with her!!!" Sabay na naman.

Lalo tuloy napangiti ng malaki si Jessica.

"Pwede na maghiwalay. Ano? Magtitinginan na na lang at magdidikit ng ganyan the whole afternoon?" Pang aasar pa nito.

Dali dali dali naman kaming tumagilid para padaanin ang isa't isa.

Agad ring nagdatingan ang teammates ng rookies na sya namang pag labas naming dalawa.

Nagkindatan lang si TM at Captain.

Tahimik lang kami ni captain. Wala akong masabi sa nangyari. Besides wala naman talagang issue.

"So... Crush mo no?" Sabi ni Captain.

"What?! San nanggaling yan?" Sagot ko.

"Wala lang feeling ko lang." Ngiti nito sa akin.

"Hoy, Jessica baka nakakalimutan mong may boyfriend akong tao." Dagdag ko.

Di namin namalayan na nasa harap na kami ng room ni Captain. Binuksan nito ang pinto, "Pano andito na ko sa room ko. See you later sa dinner."

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now