"I'm Br--"

"Uy Van! Hinintay mo talaga ako? Sweet naman!" Naputol ang sasabihin ng kaharap ni Vanessa ng biglang sumulpot si Drexel at inakbayan si Vanessa. Napatingin naman sa kanya ang dalwa na parang nagtataka.

"Brian! Andito ka pa pala? Kala ko umuwi ka na." Sabi ni Drexel sa ka-team mate at dinedma ang mapagtanong na tingin ni Vanessa.

"Ah oo.. Mag kakilala kayo?" Tanong ni Brian at tinignan si Vanessa na hanggang ngayon ay nakatingin pa din kay Drexel.

"Oo, bakit mo natanong?" Balik tanong ni Drexel habang nakangiti ito.

"Ah wala naman, sige una na ako." Sabi nalang nito at umalis na din agad.

"Psh. Wag ka ngang makipag-usap kung kani-kanino." Sabi ni Drexel ng makaalis na si Brian. Tinignan nya si Vanessa dahil hindi ito sumasagot at nakita nyang nakatulala ito at nakahawak sa dibdib nya. "Hey! Are you okay? Something hurt?" Natatarantang tanong ni Drexel.

"Ang bilis.." Mahina nitong sabi habang naiiling.

"Ang alin?" Takang tanong ni Drexel, at dun na natauhan si Vanessa.

"Wala! At ang kapal mo! Hindi kita hinintay no." Bigla nitong pag-susungit.

"Ang late mong mag-react ha!" Sabi ni Drexel at inirapan nalang sya ni Vanessa tsaka tinalikudan at nag-umpisa nang maglakad. "Teka lang naman Tombs!" Sigaw ni Drexel.

"Tigilan mo ako Beks! Wala ako sa mood." Inis na sabi ni Vanessa.

"Ang sungit mo talaga! Para kang laging PMS ee." At napakamot si Drexel sa ulo nya.

"Ah basta! Wag mo akong sundan!" Sigaw ni Vanessaa, tumigil si Drexel sa kasusunod sa kanya at tinignan nalang syang umalis.

"Akala ko ba ihahatid mo?" Tanong ni Skyler at tinapik si Drexel sa balikat.

"Nag-sungit na naman bigla ee." Sabi ni Drexel at napailing pa.

"Ee ano naman? Ihatid mo pa din! Magpa-good shot ka sa kanya!" Pang-eencourage pa ni Jonas.

"Nga naman Pare! Habulin mo!" Sabi pa ni Luigi.

"Ayiieee~~ nagkakadevelopan na." Asar ni Karson kaya nabatukan sya ni Skyler.

"Sige na Pare! Habulin mo na."

"Tama! Sige una na ako mga tsong!" Sabi ni Drexel at tumakbo na para habulin si Vanessa.

My Teacher's DaughterWhere stories live. Discover now