Mga ilang sandali pa ay binigay na nila yung inorder nitong si Cevi. Ang sarap ng mga desserts bakit ganun? Masarap rin naman yung Pilipinas eh, wala pa ring tatalo dun. Habang kumakain kami ay nagring ang phone ni Cevi

"Sagutin ko lang" saad niya

Kaharap ko siya at sinagot niya ang tawag na yun. Di siya umalis sa kinauupuan niya. Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Mukhang lalaki ang kausap niya dahil biglang nagbago ang rehistro ng kanyang mukha

"Wala ka ng mapapala sa akin. Kailan mo ba talaga ako titigilan? Sinabi ko sa iyo na noon pa na tigilan mo na ako" inis na ssabi ni Cevi sa kausap niya

"Alam mo makakasira ka ng relasyon eh. Yun ba talaga ang pakay mo? Ha? Sabihin mo nga sa akin Juno?" inis na sabi ni Cevi

Ngayong alam ko ng lalaki ang kausap niya. Sumenyas ako sa kanya na ako ang kumausap sa lalaki na yun. Pero umiling si Cevi

"Kaya ko ito, ako ng bahala rito" bulong na sabi ni Cevi

Napatango na lang rin ako at tinapos ang kinakain ko

"No! Kahit kailan di na ako babalik sa iyo. Bakit ba ang desperado mo ha? Masasaktan ko si Gyl at pag nagawa ko yun di ko alam kung ano pa ang mangyayari sa akin. Di ko hahayaang masaktan siya" sabi ni Cevi

"Yun na nga eh, mahal ko siya kaya tumigil ka na naiintindihan mo" galit na sabi ni Cevi

Galit niyang pinatong ang phone niya sa mesa at napahawak na lang sa sintido

"Sino ba yun?" tanong ko sa kanya

Di ko naman talaga kilala yun tsaka wala pa naman siyang nakwekwento sa akin

"Ah si Juno, ex ko. Naalala mo ba nung pinapunta kita sa bahay at naabutang lasing? Yun galing siya sa bahay nun at nanghihingi ng tawad at ang gusto niya magsama kami ulit pero di ako pumayag, ayaw ko na eh" kwento niya

Naalala ko nga yun. Kaya pala siya naglasing nun dahil sa lalaking yun

"Tapos ngayon, nagbabalik na naman siya. Hay masasapak ko talaga yun pag nagkita kami" dagdag pa niya

"Salamat at mas pinili mo ako sa lalaking yun at pinili mong magstay" saad ko

"Hay, ikaw lang naman lagi ang pipiliin ko tsaka ayaw kong saktan ka kaya di ako aalis sa tabi mo, tandaan mo yan" sagot niya

Tumango na lang ako at ngumiti. Ngumiti rin naman siya sa akin. After ng ganap na yun ay naglibot pa kami rito sa Tokyo at dumiretso na sa airport





"Di man lang ba natin sila bibilhan ng pasalubong?" tanong ko

"Huwag na, may mga pera naman yung mga yun" sagot ni Cevi

"Ang sama mo" saad ko

Ngatungo kami sa bilihan ng pasalubong malapit dito sa airport. Bumili din ako para sa mga kasamahan ko sa HQ at kasamahan sa company. After nun ay bumalik na kami sa airport at naabutan namin sina Dad

"Bakit ang tagal niyo?" bungad na tanong ni Dad sa amin

"Ah may dinaan lang po saglit" sagot naman nitong si Cevi

"Oh siya maupo muna kayo dyan. Hintayin na lang natin yung tawag ng pangalan natin" saad ni Dad

Agad din naman namin siyang sinunod ni Cevi. Habang naghihintay ay kinuha ko yung phone niya at hinanap ang game icon.

"Ano yan? Ikaw ah" tanong ni Cevi

"Wala, naglalaro lang ako sa phone mo" sagot ko

Inexit ko yun dahil nanalo naman ako sa game na yun at pinunta sa gallery. Tinignan ko lang yung mga pictures namin, yung iba nasa DSLR camera niya

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now