Chapter 38

151 6 2
                                    

Sabihan ka ng "Wattpad?? Ang cheap mo naman" ay mas masakit sa pangaral ng magulang.. Para sa akin

Gyl's PoV
4 AM nang makarating ako dito sa airport ng Pilipinas. Hinihintay ko lang si cevi kasi nagtext siya na sabay na raw ako sa kanya. Parang ang tagal naman nun. Andito na ba siya? O wala pa?

Mga ilang saglit pa ay may nagtakip sa mata ko. Alam ko yung ganung amoy, kala niya di ko alam yung pabango niya

"Hoy cevi, bitiwan mo nga, ansakit sa mata ah" saad ko

Mga ilang saglit pa ay binitawan niya na at humalik siya sa noo ko, at umupo sa akin

"Bad trip ang baby girl ko?" tanong nito

"Morning trip mo yun?" balik na tanong ko

"Sorry na kung di mo gusto. Ito na lang oh, peace offering ko" saad niya

Inabutan na lang niya ako ng coffee. Mainit-init pa ang coffee na yun. Syempre tinanggap ko yun, mamaya siya naman ang nagtampo

"Huwag mo ng uulitin yun ah. Kakakita lang ulit natin tapos ganyan ka, kala ko ba namiss mo ako?" saad ko

"Sorry na nga, syempre namiss kita" sagot nito

Tinignan ko ang relo ko 4:30 na ng umaga

"Matagal pa ba tayo rito?" tanong ko

"Hmm, sige halika na, sabay ka na sa akin" yaya niya

"Hmm, may sasakyan ka?" tanong ko

"Nagpasundo ako kay Mang Isaiah" sagot niya

Tumango na lang ako sa kanya at nagtungo na kami sa parking lot. Mga ilang saglit pa ay natagpuan na namin ang sasakyan niya

"Oh cevi. Si Gyl ba itong kasama mo?" Mang Isaiah

"Opo ako po si Gyl" sagot ko

Ako na ang sumagot kasi inaasikaso ni Cevi yung gamit namin sa compartment. Mga ilang saglit pa ay sumakay na kami ni Cevi sa back seat

"Mang Isaiah, kain po muna tayo sa isang cafe bago pumunta kila Gyl" saad ni Cevi

"Sige po sir" sagot ni Mang Isaiah

"Oh, kain muna tayo ng breakfast ok" saad niya

"Opo, di naman ako tatanggi eh" sagot ko

"Good! Matulog ka muna, malayo pa naman tayo eh, gisingin na lang kita" saad niya

Inoffer niya sa akin ang lap niya bago ako nahiga. Tumingala ako at tinignan siya, napagod din siguro ito kaya nakapikit

"Huwag mo akong titigan" saad niya

"Oo na,ang arte mo ah" saad ko

"Matulog ka na, kulit mo ah" saad niya

Di ko na siya sinagot bagkus pinikit ko na ang mga mata para sundin ang sinasabi niya

Cevi's PoV
Inoffer ko kay Gyl ang lap para matulog muna siya. Malayo pa naman ang aming lalakbayin at alam ko ring pagod ito. Ah si Mr. Clyde nauna na, kilala niya pala si Keizer kaya dun na siya tumuloy. Text niya na lang daw ako kung kailan kami ulit mag-uusap

Sinilip ko naman itong kasama ko. Mahimbing na natutulog

"Ganda mo talaga Gyl" saad ko

Ginawaran ko naman siya ng halik sa noo bago ulit umayos ng pagkakaupo

"Ah Mang Isaiah, tingin ka lang sa daan kung may bukas ng cafe" saad ko

"Yes sir" sagot ni Mang Isaiah

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now