Chapter 66

94 3 0
                                    

Too close yet so far. Parang sila, sobrang close nila sa isa't-isa pero malayong maging sila. Ang sweet sweet nila, ang saya-saya pero look at the other side, ang sayang yun ay dulot lang dahil they are friends. Yah! FRIENDS!! lang sila





Cevi's PoV
It's a wonderful Saturday pero ngayong araw ang alis ni Gyl. Nasabi niya sa akin na treat daw ng Tito niya, dapat isasama ako kaya lang sabi ni Gyl busy daw ako kaya next time na lang

Ewan ko kung hanggang kailan sila sa Ilocos. Ito na naman ako. Di ko lang maiwasang isipin na, syempre wala ako dun baka mamaya mapaano siya. Hay Cevi, trust Gyl okay

"Love kanina ka pa dyan?" tanong ni Gyl na noo'y kabababa lang galing sa room niya

Dito na ako dumiretso sa bahay nila. Maaga palang ay nandito na ako. Naabutan pa ako ng mga parents niya eh

"Ah di naman. So sabi ng parents mo, mag-almusal ka daw muna bago ka makipag-usap sa akin" nakangiting sabi ko

"Ha? Grabe sila, pwede namang sa hapag-kainan tayo mag-usap" sagot ni Gyl

"Hmm, yun yung bilin nila sa akin kanina eh bago umalis" sabi ko

"Ang daya naman nun" sabi niya

"And isa pa, pinagbilinan din ako ni Tito na ako ang maghahatid sa iyo sa HQ niyo diba dun ang meeting place niyo for your outing?" sabi ko

Sinasabi ko lang kay Gyl yung mga binilin ng mga parents niya. Pero mukhang ayaw ata ni Gyl ng ganun. Ewan ko ba dyan

"Ah sige. Gusto ko yun yung ikaw ang maghahatid sa akin dun" sagot niya

"Okay. Pero teka, ilang araw ba kayo sa Ilocos?" tanong ko

"Dahil sabado ngayon, hmm mga Monday ng hapon nandito na kami" sagot niya

"Okay. Malayo-layo pala ang Ilocos. Okay, di bale sa Tuesday pa naman ang alis namin and Gyl..." sabi ko

"Okay. Ano yun?" tanong ni Gyl

"Ah sinabihan ako ulit ni Deo at ma-eextend kami dun for 6 months. Marami kasing kailangang ayusin eh. I hope you understand" sabi ko

Di agad naka-imik si Gyl sa sinabi ko, bagkus nagtungo ito sa kitchen para kumain ng almusal. Sumunod na lang din ako sa kanya

"Naiintindihan ko naman Love. Basta, you promise na mag-iingat ka dun" sabi niya

"Thank you. Ah oo naman mag-iingat ako" nakangiting sabi ko

Ngumiti na lang din siya sa akin. Gaya ng sinabi ng parents niya kanina sa akin, aalis na sana ako kasi kumakain na siya pero pinigilan niya ako kaya di na ako umalis dito at sinamahan na lang siya sa harap ng hapag-kainan

"Kumain ka na ba?" saad niya bago isubo ang pagkaing nasa kutsara niya

"Oo naman. Don't worry about me" sagot ko

Tumango na lamang siya sa akin. Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kumakain. Ang lakas niyang kumain pero di naman tumataba. Siguro dahil sa trabaho nila

"Ah oo nga pala Love, nakita ko si Darius at si Kisha nung nakaraan sa company namin. Sila kasi yung napili for magazine competition" saad ni Gyl

Natigilan ako sa sinabi niya. So bakit magkasama sila? Akala ko ba nasa ibang bansa si Kisha

"Talaga? Nagkausap ba kayo?" tanong ko

"Ah di naman, kinamusta lang ako then umalis din sila eh" sagot ni Gyl

"Good luck sa kanila ah pasabi na lang sa kuya mo" sabi ko

"Yes, makakarating yan. Pero teka bakit di ka sumali dun?" sabi ni Gyl

I Love The Way You Are Where stories live. Discover now